C10: New Decision Leads To New Beginnings Gumaling din naman agad ang dalaga. Nagpahinga pa siya ng isang araw para hindi mabinat. Pagkabalik na pagkabalik niya sa trabaho, agad niyang pinuntahan ang binata sa opisina nito. "Good morning!" Bati niya dito nang makapasok sa opisina nito. "Good morning! Have a seat." Sagot nito sa kanya. Nagulat nanaman siya hindi dahil pinauupo siya nito kundi dahil binati siya nito pabalik na maliwanag ang mukha kahit hindi nakangiti. Parang wala itong problema. Naupo naman siya. "It's good that you're better now. I think you should still see a doctor. Just to make sure." Sabi pa nito sa kanya. "Thank you for your concern. Anyway, I just want you to talk about our deal." "Why? What about it?" "I don't think I can continue it. I decided not to do i

