C11: Best Gift Ever Naging madalas ang pagpunta ng binata sa bahay ng dalaga, dates, pagpunta ng dalaga sa bahay ng binata para dalawin ang grandparents nito lalo na ang lola nitong masaya sa nalaman at ang pagiging maalalahanin ng binata sa kanya. Hindi na nagsusungit. Lumalambing na ang pananalita. Hindi na siya tinitipid sa sagot. Marami talagang pinagbago ng binata simula noong nagsimulang ligawan siya nito. Sana hindi magbago kahit sagutin niya na ito o magsama na sila sa iisang bahay. She appreciates it all. She feel so blessed right now. Iba talaga kapag pinagdarasal. Dito niya napagdesisyunang ibigay na ang oo na hinihintay nito sa tamang panahon. Naging usapan sila sa trabaho pero katulad ng dati, wala namang pakialam ang binata. "Ba't nga ba wala kang pakialam kung pag-usap

