C4: Invitation

1201 Words
C4: Invitation "So, you're on a date yesterday, kaya hindi mo masagot ang mga tawag ko? Anong klaseng AGM ka?" Bungad ni Steven kay Fammie nang ipatawag nito ang dalaga para mag-usap sila sa kanyang opisina. Halata sa mukha nito ang pagkainis sa dalaga hindi dahil sa nakita niya ito kahapon na may ka-date na ibang lalaki kundi dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi naman talaga niya malalaman kung hindi siya nagutom at kumain sa isang restaurant na sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ito doon na may kasamang katawanan na isang lalaki. "Pardon?" Gulat na sambit ng dalaga. "You heard me right. I saw you on a date yesterday and I think that's the reason why you can't answer my f*ck*ng calls!" Bulyaw nito habang nakatingin sa dalaga. Nakakatakot pa man ding magalit ang binata. Okay na ng inis lang kaysa galit. Napayuko naman si Fammie habang iniisip kung anong pinagsasabi ng binata. Syempre sa dami niyang iniisip sa trabaho, dadagdag pa ang pang aakusa ng binata. Huminga ng malalim ang dalaga. Naalala na niya. "You misunderstood it, Sir Steven. The one I'm with yesterday is Engr. David Howard and we talked about the hotel construction kaya ko po hindi masagot ang mga tawag niyo kung tumawag man po kayo. Lowbat din po ako kaya hindi ko rin po alam na tumawag kayo. I apologize, Sir." Mahinahong paliwanag ng dalaga dito na napapaiwas sa mga titig ng binata. Lumambot ang titig nito, "...And if you don't mind, Sir. Pwede ko na po bang malaman ang dahilan ng pagtawag niyo?" Lakas loob na tanong ng dalaga. Buti mahaba ang kanyang pasensya sa boss. "My grandmother wants you again to be my date on that f*ck*ng hotel anniversary." Diretsong sabi ng binata na halatang iritado ito. Ibinigay nito sa dalaga ang invitation. Tiningnan ng dalaga ang invitation card na kulay black and red. Mayroon na din naman siyang invitation na ipinadala mismo ni Lola Emelda sa bahay ng dalaga. Ganoon kapersistent ang matanda. "Nasabi na rin po 'yan sa akin ng lola niyo, Sir." Kumento ng dalaga. For the past five years mula nang makilala siya ng matanda, siya na ang parating request date nito para sa apo pero ni minsan hindi niya ito napagbigyan dahil parati siyang inuutusan ni Steven na 'wag pumunta sa celebration na iyon na nakasanayan na din ng dalaga. Yes, five years. Hindi seven years. Noong baguhan pa lamang siya, hindi pa niya nakikilala talaga ang matanda. Hindi pa siya nito iniimbitahan pero may invitation card din naman siya kaya nakakapunta siya. Bored siya lagi kasi wala siyang kaibigan sa office. Hindi siya madaling magtiwala. Kaunting kakilala lang pero hindi umaattend ng party. "And what alibis did you said to her this time?" He asked out of frustrations caused by his grandmother. "Pinag-iisipan ko pa po ang idadahilan ko, Sir. 'Yung convincing kasi ang dami ko na pong nabigay na dahilan for the past five years." She answered na para bang wala ng maisip na convincing alibi. "Good to know that. Lagi mo namang nalulusutan si Lola kaya ikaw na ang bahala." Hindi na ito galit. Frustrations na lang ng mababakas sa mukha ng binata. Obviously, he doesn't want her to be his date again na expected na ng dalaga. "As always." "You may go." Wala talaga sa bukabularyo ng binata ang pagpapasalamat kaya nakasanayan na ito ng dalaga. Ang sama tuloy ng tingin niya sa ugali ng kanyang boss. Nasa kalagitnaan ngayon ng pagkain ng hapunan sina Fammie nang magtanong ang ina niya. "Anak, may susuotin ka na ba para sa hotel anniversary niyo next week?" Tanong ng kanyang ina. "Wala pa po pero no need naman po. w Wala naman akong balak pumunta puro lang payabangan at pagalingan ang mangyayari doon. Tyaka kailan ba ako pumunta." Walang ganang sagot ng dalaga. Sa loob ng pitong taong pagtatrabaho niya sa hotel, dalawang beses lang siyang umattend ng anniversary party no'ng first and second year niya lang sa hotel. Noong sumapit ang ikatlong taon niya dito doon niya nakilala si Lola Emelda at mula noon parati na siyang nirereto nito sa apo at ngayon lang sinasabi sa kanya ng matandang gusto siya nito para sa apo kaya mas nakakailang para sa kanyang isipin iyon. Ngayon lang din humingi ng pabor ang matanda. "Bakit naman anak? Ayaw mo bang baka doon mo na makilala ang taong nakatadhana para sa'yo?" Panunukso ng ina nito. "Hindi po kasi talaga ako pwede, Mom." Dahilan ng dalaga. "Bakit? Don't tell me pinagbawalan ka nanaman ni Steven?" Bakas ang pagkairita ng kanyang ina. "It's an order kaya sino po ako para tumanggi?" "Anak naman. Masyado ka naman 'atang masunurin." Kumento nito. "Boss ko po 'yon, Mom. Hayaan mo na. Hindi ko naman feel ang mga parties ever since." Dahilan pa niya. "Sa bagay. Kung sakaling mag iba ang isip mo at tumuloy ka sa party sabihin mo lang sa akin. Ako ang bahala sa susuotin mo anak." Pagpapagaan ng loob nito sa anak. "Opo." Sagot naman niya. Sumapit ang gabing ng anibersaryo at nakahiga lang ang dalaga habang nakatingin sa kisame na may malalim na iniisip. Samantalang si Steven ay sobra ang pag aalala sa Lola Emelda niyang galit sa kanya dahil ramdam ng matanda na ang binata ang dahilan kung bakit nanaman siya nagawang tanggihan ni Fammie. Kahit anong dahilan ni Fammie, alam niyang dahil 'yon sa kanyang apo. " 'Wag ka ring magkakamaling pumunta sa hotel anniversary nang hindi mo kasama si Ms. Alegre! Parati mo na lang sinasabutahe ang mga plano ko!" May halong pagtatampo ang galit nito sa apo. "Lola, wala naman po akong magagawa kung ayaw niya." Pagdadahilan ng binata. "Ayaw? Sa limang taon na taon-taon may anniversary ang hotel natin ayaw niya? O baka kasi takot siya sa'yo. Apo, kailan mo ba ako mapagbibigyan sa mga gusto ko para sa'yo? You're not getting any younger and it's time to make a move. Ako na nga 'tong tumutulong sa'yo. Lagi mo pang sinasangga." Puno ng pagtatampo ng matanda dito. "I don't have any time for that, Lola." He answered out of frustrations. "Anong walang time? You have all the time in the world to make a move to a woman like Ms. Alegre." Diing sabi ng matanda, "..Malapit na akong mawala sa mundo apo, matanda na kami ng lolo mo at hindi na kami makakapaghintay na magkaroon ka ng makakasama sa buhay. Ayokong iwan ka namin ng nag-iisa." Madamdaming sabi pa ng matanda. Tiyak na magpapakonsensya rito. "Lola! Don't say that! Mahaba ang buhay niyo." Suway nito sa matanda. Inaantok na si Fammie nang biglang katukin siya ng ina sa kwarto nang may nag-doorbell. "Anak! Bilis! Nasa labas ang boss mo!" Sigaw ng ina nito mula s labas ng kanyang kwarto habang sunod-sunod ang pagkatok. Nagising naman agad ang diwa ng dalaga nang marinig ang sinabi ng ina. Sh*t! Bigla siyang nahulog sa kama sa gulat na makatayo agad. "Anak? Anong nangyari?" Bungad na tanong ng ina nito nang buksan niya ang pinto ng kanyang kwarto. Umiinda sa sakit ng pagkahulog sa kama. "W-wala po. Nahulog lang po ako sa kama. Wait po." Hirap ang pagsasalita na sagot nito. Hindi siya makapaniwala sa narinig. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD