C5: Hotel Anniversary Party

1626 Words
C5: Hotel Anniversary Party Walang pasok si Fammie. Ito na kasi ang araw ng party. Naghahanda ang lahat maliban sa kanya na hindi pupunta. May kaunting lungkot kahit hindi niya hilig ang parties. Binuhos na lamang niya ang buong atensyon sa paggawa ng report for this month. Lumabas lamang siya ng kanyang kwarto para kumain tapos balik ulit sa ginagawa. Pagkatapos kumain ng hapunan, nagbasa siya para makatulog. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang party. Marahil nagkakasayahan na sila sa mga oras na ito. Napangiti siya ng mapait. - Samantalang si Steven ay sobra ang pag-aalala sa Lola Emelda niyang galit sa kanya ngayon dahil alam ng matanda na ito ang dahilan kung bakit nanaman siya tinggihan ni Fammie. " 'Wag kang magkakamaling pumunta sa party na hindi mo kasama si Ms. Alegre! Parati mo na lang sinasabutahe ang plano ko kong bata ka! Hindi mo man lang ako mapagbigyan." Nasa likuran nito si Lolo Antonio pinakakalma ang asawa. Ayaw naman nitong sumali sa away nila baka magalit din sa kanya si Lola Emelda. "Lola, wala naman po akong magagawa kung ayaw niyang pumunta." Pagdadahilan ng binata. "Ayaw? Sa limang taon na taon-taon ko siyang iniimbita para maging date mo, ayaw niya? O baka kasi natatakot sa'yo! Steven Blake, kailan mo ba ako mapagbibigyan sa mga gusto ko para sa'yo? You're not getting any younger and it's time to make a move. Ako na nga 'tong gumagawa ng paraan sa'yo. Sinasabutahe mo naman." Malungkot at madamdaming sabi ng matanda. "Lola, I don't have time for that." "What do you mean you don't have time? You have all the time in the world to make a move to a woman like Ms. Alegre. Malapit na akong mawala sa mundo. Matanda na kami at hindi na kami makakapaghintay na magkaroon ka ng makakasama sa buhay. Ayokong iwan ka naming nag-iisa." "Lola, don't say that! Mahaba pa ang buhay niyo!" - Fammie was about to go to sleep when her mother knocks on her door. Taranta itong kumatok. "Anak! Fammie! Nasa labas si Steven!" Agad na sabi nito mula sa labas ng kanyang silid. Nagising naman agad ang kanyang diwa sa narinig. Bakit nasa labas ang binata ngayon? Bigla siyang nahulog sa kama sa gulat at tarantang makatayo para lumabas ng kwarto. "Anak? Anong nangyari?" Bungad ng kanyang ina habang dumadaing siya ng kirot sa balakang. "Ayos lang po ako. Bakit po siya nasa labas?" Tanong niya dito. "Hinahanap ka. Puntahan mo na muna saka mo itanong sa kanya kung bakit. Nagtaka din kami. Nanonood pa kasi kami sa sala. Ayaw naman pumasok." "Sige po." Hindi na siya nag-abala pang mag-ayos. Pinuntahan agad niya ito sa labas. Nakita niya itong nakatayo sa labas ng sasakyan nito. May dala ito pero hindi niya alam kung ano. Nakapantulog na kasi siya at hindi maayos na nakatali ang kanyang buhok. "Ano pong kailangan niyo?" Agad na tanong niya dito. "Ms. Alegre, you have to go with me tonight." Sagot nito saka inabot ang dala nito sa dalaga. "That's what will you wear." Sabi pa nito. "Sir? Akala ko ba hindi ako pupunta?" Pagtataka niya. "Go change now. Lola is waiting for us." May pagmamadaling sabi nito na ikinataranta niya. "Okay. Give me thirty minutes." Sabi niya dito saka nagmamadaling pumasok sa bahay. Bago pa man siya makalayo mula dito, narinig niya itong mahinang napamura. Pagkapasok niya sa kanyang kwarto, taranta siyang nagbihis at nag-ayos. It's almost nine in the evening. Ang alam niya ay six pa nag simula ang party. Nag-lipstick, kilay at braid ng hair lang siya. "Anak, pupunta kayo sa party?" Gulat na tanong ng kanyang ina nang makita siyang nakaayos pagdaan niya sa sala. "Saan galing ang suot mo?" Tanong pa nito habang nakasunod sa kanya. "I'll explain later. I have to go." Tarantang sagot niya sa kanyang ina saka tuluyan ng lumabas ng bahay. Nakatayo pa rin ang binata sa labas ng kotse nito. Nakatalikod. Bigla itong napatingin sa suot na relo saktong pagharap nito ang paglapit niya. Natigilan ito nang makita siya ng ilang segundo saka nagsalita. "Let's go!" Agad na sabi nito. Kinakabahan at nanlalamig ang kanyang mga kamay dahil sa backless na red gown na suot niya ngayon. Iniisip niyang baka pagtinginan nanaman sila dahil kasama niya ang boss niya. Issue nanaman. Lagi naman silang issue. Wala namang pakialam ang binata sa issues na kumakalat dahil hinahayaan lang nito. Tahimik sila sa byahe. Walang nagsasalita. Tanging paghinga lamang nila naririnig. Hindi naman matagal ang byahe. Nakarating agad sila. "Ms. Alegre! Bagay na bagay sa'yo ang napili ko. You're so beautiful!" Tuwang-tuwang bungad ni Lola Emelda sa kanya saka binalingan ng tingin ang binata, "Steven Blake, Am I right?" "Yes." Tipid na sagot nito saka linuwagan ng kaunti ang kanyang neck tie. Seryoso pa rin ang mukha nito. "Thank you po, Ma'am." Nakangiting sabi niya sa matanda. Naiilang ang dalaga sa mga matang nakatutok sa kanya at sa ilang beses na pagsulyap ng binata sa kanya. Nilalamig na siya kanina, mas lalo ngayon. Napansin yata ng binata ang panlalamig niya. Nagulat siya nang makitang ang paghubad nito ng coat na black saka inilagay sa balikat ng dalaga. Sa sobrang gulat niya, hindi na siya nakaimik. May kalakasan ang background music kaya hindi masyado magkarinigan ang mga nag-uusap pero nag-uusap pa rin. Tapos na ang program. Nagsasayawan na sa dance floor. Paglingon niya sa likuran, wala na ng binata. Hindi man lang nagsabi. Hinanap ito ng kanyang mga mata. Nakita niya ito sa hindi kalayuan mula sa kanya. May tatlong investors na kausap. Maya-maya'y naisipan niyang maghanap ng mauupuan. Sa isang sulok may nakita siyang upuan. Doon siya pumunta. Hindi na rin siya nagpaalam dahil hindi rin naman ito nagpaalam sa kanya. She was drinking an orange juice nang may lalaking ngumiti sa kanya at tumabi. Kumunot ang kanyang noo dito. "Hi." Bati nito sa kanya. Ngitian niya lang ito ng pilit. "I'm Paulo, from HR department and you are?" Magiliw na sabi nito. "Fammie, AGM." Agad na sagot niya dito. "Wow! Kaya pala kasama mo si Sir Steven kanina. Ngayon lang kita nakita." Natatawang sabi nito. "Ngayon lang din kita nakita." Natatawang sabi niya dito. "Kumusta naman ang pagiging AGM? Balita ko kasi you handle not only the overall performance of the hotels but also other things." "Yes. That's how I work for seven years. Nasanay na rin ako." "Five years pa lang ako dito." Bigla namang nagpatugtog ng slow dance. "Can I dance with you?" Biglang tanong nito. Nagulat siya. Natahimik ng ilang segundo. "Please?" Napilitan siyang sumama sa dance floor. Hindi pa natatapos ang isang kanta may biglang nagsalita. "Excuse me? Can I borrow my date?" Napalingon naman sila sa nagsalita. It's the big boss. It's Steven. "Sir, good evening!" Bati ni Paulo dito saka inalis ang mga kamay sa baywang ng dalaga. Tinanguan lamang ito ng binata saka hinawakan ang kaliwang kamay ng dalaga. "Ms. Alegre, nawala ka lang sa paningin ko may iba ka ng pinagkakaabalahan. Lola is looking for you. Baka nakakalimutan mong kaya kita dinala dito because of my grandmother, so you should always stick with me." Seryosong sabi nito. Nainis siya dito dahil sa sinabi nito na para bang malaking kasalanan ang makipag-usap sa ibang tao. Hinayaan niya ito hanggang sa makarating sila sa table ng matandang nakangiti sa kanila. Hinila niya agad ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Ma'am, can I go home now?" Agad na tanong niya sa matanda. She wants to leave the party not because it's already midnight but because she doesn't like how Steven treats her tonight. Akala niya'y nasanay na siya sa ganitong ugali ng binata. Akala niya lang pala. "Thank you for being Steven Blake's date tonight. I appreciate it so much." She said smiling from ear to ear. Napilitan siyang ngumiti kahit inis na inis na siya sa binata. "No problem, Ma'am." Nakangiting sagot niya dito. Napatingin ang matanda sa kanyang apo sa tabi ng dalaga. "Steven Blake, ihatid mo na si Ms. Alegr—" "Ma'am, no need. I can go home on my own. Masyado na po kong nakakaabala sa kanya." Sabi niya sa matanda na mukhang nakaramdam ng kakaiba sa pagpapaalam niya. Inalis niya ang coat na pinasuot sa kanya ng binata saka ibinalik, "Thanks for the coat, Sir." Sabi niya dito saka tumalikod na. "Steven Blake! Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Follow her!" Inis na utos ng matanda. Nilalamig na nag-aabang siya ng taxi nang may humintong kotse sa harapan niya. "Ms. Alegre, get in." "Salamat na lang po. Sa pagkakaalala ko po hindi na po dapat tayo magkasama pa dahil pauwi na po ako at hindi naman po tayo nakikita ng lola niyong dahilan ng pagdala niyo sa akin dito." She said, sarcastically. Bumaba ang binata at pinagbuksan siya ng pinto. "You'll get inside my car or I'll f*****g carry you just to get you inside my car?" Kinabahan siya sa narinig pero umiiral ngayon ang katigasan ng kanyang ulo. "Sir, hindi po ako nakikipaglokohan sa inyo. Kaya ko po ang sarilo ko." Pakikipagmatigasan niya dito. "And I'm not joking around. I'll carry you just to get you inside my car whether you like it or not!" Nainis siyang lalo dito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang binata magsalita sa kanya ngayon. Ngayon lamang sila nag-usap ng ganito. "Ano po bang problema niyo? Bakit niyo po ako trinatrato ng ganito?" Pinipigilan niyang hindi mabasag ang kanyang boses. Ayaw niyang ipakita ditong mahina siya. Matapang siya. "How about you? Do you have problems with me? Ihahatid lang naman kita." He insisted. Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang sumunod at magpahatid dito. Pagod na siyang makipagmatigasan. Hindi rin naman ito magpapatalo sa kanya. Mas matigas pa ito kaysa sa kanya. Kasing tigas ng bato. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD