C2: An Order From The Boss

1193 Words
C2: An Order From The Boss "Good morning, Sir!" Magiliw na bati ni Fammie sa kararating lang na General Manager na si Steven Blake Johnson, a half Flipino (mother side) and half American (father side) na ipinanganak yatang may nagawang kasalanan sa kanya ang buong mundo para maging pinakamasungit at supladong lalaking nakilala ni Fammie na natagalan niya ng ilang taong pagtatrabaho bilang Assistant General Manager nito. Akala mo parating may dalaw sa init ng ulo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Napakadalang lang talagang makita niya itong hindi nagsusungit at nagsusuplado. Hindi siya nito binati pabalik na nakasanayan na niya din naman. Expected na niya ito sa tuwing babatiin niya ito. Kahit isang ngiti wala. She's the one who's reponsible to discuss the overall performance of their hotel to him monthly kaya once or twice niya lang ito nami-meet o nakakausap every month. Sa loob ng pitong taong pagtatrabaho niya rito bilang lang ang ilang beses niya itong nakitang natuwa at ngumiti. Kapag kasama lang nito ang grandparents na nagpalaki dito. Actually, he's attractive for her kapag nakikita niya lang itong nakangiti at nawawala din ang attraction na 'yon na nararamdaman ni Fammie sa tuwing mawawala ang ngiti nito at bumabalik sa pagiging masungit at suplado. So it's called attraction for a while for her. "I want you to supervise the on going constructions of the other branch." Panimula ni Steven. "But—" "It's not a request, it's an order. I believe that you can do this. You'll start tomorrow." He ordered. "Noted." Napilitang sagot niya dito. "You may go." Lumabas naman siya kaagad. Naiinis siya sa isipang hindi naman ito kasama sa trabaho niya pero kailangan niyang gawin dahil it's an order and he believes that she can. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil naniniwala itong kaya niya o maiinis dahil sa utos nitong hindi kasama sa trabaho niya. Mukhang mapapadalas na niyang makakausap ito and for her it's a big challenge to face him na ang alam lang yata ay magalit sa mundo. Minsan naisip niyang baka ipinaglihi ito sa init ng ulo o baka naman gano'n lang talaga ang nakasanayan nitong ugali na ipinapakita sa nakararami para katakutan at sumunod. "Just grab the opportunity. Anyway, 'wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko." Sabi ni Sofia na kausap niya sa telepono. Nag-rant kasi siya dito tungkol sa pinapagawa ni Steven. "Sof, anong kalokohan nanaman ba 'yan?" "I set you on a date with Franco. Siputin mo siya. I'll text you the address kung saan kayo kakain. Matagal na pala siyang may gusto sa'yo. Nalaman ko noong nakausap ko siya sa reunion na hindi mo siniputan dahil may trabaho ka that time." "Kahit hindi ko naman kilala 'yang Franco na 'yan? Papapuntahin mo pa rin talaga ako?" Tanong niya dito. "Kilala ka naman niya kaya no worries. Malalagot siya sa akin kapag may ginawa siyang masama sa'yo. I'll send a picture of him para makilala mo kaagad pagpunta mo." Natatawang sagot nito sa kanya. "Paano kung ayoko?" "Para mo na ring sinabing sumuko ka na sa paghihintay tap—" "Oo na. Hahaba nanaman sermon mo sa akin." "Okay! Enjoy." Natatawang sabi nito sa kanya bago tapusin ang tawag. Pumayag siya kaya kailangan niyang pagbigyan ang kaibigan. Eight in the evening siya dumating sa restaurant na kakainan nila ni Franco. Nauna ito sa kanya which is good. He looks like a good guy kaya nawala ang kanyang pag-aalala. "Hi! I'm Franco De Vera. It's nice to see you again, Fammie." He said without any hesitation. Maganda ang ngiti nito kaya napangiti na siya dito. Hindi na siya nagpakilala dahil alam niyang kilala na siya nito. Nahihiya din siyang magsalita ngayon. Naupo muna sila bago nag-order. Habang naghihintay ng order, naisipan na niyang magtanong. "I was just curious, paano mo pala ako nakilala?" "We're batch mates in college. Wala ka kasi noong reunion kaya si Sofia lang ang nakausap ko." Sagot nito. "Hindi naman kita noon stalker 'no?" Pagbibiro niya kaya natawa ito. "Hindi naman. Nahihiya lang akong kausapin ka noon kasi iniiwasan mo lahat ng lalaking lumalapit sa'yon." Natatawang sagot nito. "Ngayon pala hindi ka na nahihiya?" "Kinakabahan lang ako ngayon. Nang maikwento ka sa akin ni Sofia, natuwa ako." Pag-amin nito. "Binibenta na ba ako ng kaibigan ko sa'yo?" Pagbibiro niya dito. "Hala! Hindi. Akala ko nga sasama siya. Mukhang sinet up niya tayo." "Oo nga. Sinet up niya tayo." Natatawang sagot niya dito. Maya-maya'y dumating na ang kanilang pagkain. Nagpatuloy ang kanilang usapan habang kumakain tungkol sa kanilang pinagkakaabalahan sa buhay ngayon. Mag a-alas dyes na nang maisipan ng dalagang kailangan na niyang umuwi. Ihahatid sana siya nito pero may kotse siya kaya nakasunod na lang sa kanya ang binata. "Sino 'yon anak?" Bungad ng kanyang ina nang makarating sa bahay. Nakita kasi nitong kumaway pa siya sa kotseng tumigil sa harapan ng gate nila. "Si Franco po. Batch mate ko." Kaswal na sagot niya dito. "Nag-date kayo?" "Parang gano'n na nga po pero kumain lang naman po kami talaga. Si Sofia kasi sinet up kami." "Did you enjoy it?" "Okay lang po." "Anong okay lang?" "Iniisip ko po kasi ang inutos sa akin ng boss ko kaya hindi ako makapag-focus sa pag-uusap namin kanina. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pinagagawa sa akin." Problemadong sabi niya dito. "Kaya mo 'yan. Marami ka ng nakayang pinagawa niya kaya makakaya mo din 'yan. Magpahinga ka na. Good night." Nakangiting sabi nito sa kanya. "Good night po." Sabi niya naman dito. Bago siya matulog tumawag si Sofia sa kanya. "So, how was your date? Anong masasabi mo kay Franco?" Excited na tanong nito sa kanya. "He's nice and gentleman." Komento niya. "And?" "Ayos naman siyang kausap." "Bakit pakiramdam ko hindi ka nag-enjoy?" Malungkot na sabi nito. "Hindi kasi maalis sa isip ko ang pinapagawa ng boss ko! Nakakainis! Actually, hindi talaga ako interesado kay Franco. Parang hindi ako maipagtatanggol, parang siya pa itong ipagtatanggol ko. Alam mo 'yon? Parang ang hina niya o ang arte ko lang talaga." "I get it. In short you don't like him." "Sorry for being maarte but I can't trust myself to a guy like him." "I see. I understand. Marami pa namang iba diyan. Matulog ka na nga. 'Wag mo na munang isipin ang pinagagawa ng boss mo. Have a good night rest." Since i-set siya nito ng date naging sunod-sunod na. Si Dino na kaibigan ng pinsan ni Sofia na mukhang bouncer sa bar sa laki ng katawan ay masyadong mayabang kaya nainip lang siya sa usapan nila na puro tungkol sa pag-gi-gym nito. Hindi siya maka-relate. Si Bernard na best friend ng kapatid ni Sofia, masyado pang bata para sa kanya. Por que crush si Fam nitong bata si-net up ito kaagad ni Sofia. "Sof, tigilan mo na ang kaka-set mo ng date sa akin sa kung sino-sino. Ayoko na muna. Marami pa akong dapat tapusin sa trabaho." Reklamo niya sa kaibigan. "Okay. Next time naman." Patawa-tawang sagot nito sa kanya. Minsan tuloy naiisip niyang ang arte niya masyado pero hindi talaga ito ang priority niya at hindi niya alam kung kailan ito magiging priority sa buhay niya. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD