C1: The NBSB 30th Birthday
Kakatapos lang mag-simba ni Fammie dahil birthday nito and she's thirty years old now pero hindi halata. Kahit hindi ito masyadong mahilig mag-ayos ng sarili. 5'5 ang kanyang taas, balingkinitan at morena. Sa trabaho lang talaga ito nag-e-effort na mag-ayos ng sarili dahil required 'yon sa trabaho. Kilay at lipstick lang naman ang nilalagay niya sa mukha sa trabaho.
Kilala siya ng lahat bilang isang masayahin, maalalahanin, mapagbigay, maunawain, maaasahan, mapagmahal at higit sa lahat relehiyosa. Hindi ito nag-a-absent sa pagsimba at kapag naman nagkakataong kailangan niyang magtrabaho ng Sunday (na laan lamang dapat kay Lord) bumabawi ito sa ibang araw para makapagsimba dahil isa na 'yon sa nakasanayan niya. Para bang pakiramdam niya'y hindi makukumpleto ang kanyang buong linggo kapag hindi siya nakapagsimba.
Her life is already almost perfect dahil sa kompletong pamilyang mayroon siya, maayos na trabaho, maaasahang mga kaibigan at mapagmahal na angkan ng magulang niya kahit madalas siyang mapagkatuwaan dahil sa wala siyang maipakilalang kasintahan sa mga ito. Sa tingin niya'y napakabig deal nito lalo na kapag nagkakasama-sama sila. Kaya minsan ay gumagawa siya ng excuse para hindi makasama dahil baka mabuksan nanaman ang topic na puro tungkol sa kanya. Naturingan pa man ding pinakapanganay sa magpipinsan at tanging siya lang din ang walang kasintahan. Hiyang-hiya nga siya sa twenty years old niyang pinsan na ikakasal na ng ganoon kaaga tapos siya nga-nga.
"Happy birthday!" Bati ng kanyang buong pamilya kasama dito ang mga pinsan niya at kaibigan na pumunta.
"Thank you sa inyong lahat!" Nakangiting sagot ko.
"Anong wish mo pinsan?" Biglang tanong ni Rupert isang mapang-asar na pinsan niya.
"Oo nga!" Singit naman ni Jerry isa ring mapang-asar. Partners in crime itong si Rupert at Jerry.
"Secret." Nakangiting sagot niya dito saka pumikit at humiling na sana hindi na siya nila asarin at maging maayos ang dagdag na taon sa buhay niya.
"Wish ko para sa'yo na magka-boyfriend ka na!" Biglang sigaw ni Nelson na mahilig manggatong sa usapan na tungkol sa kanya. Tagasuporta sa pang-aasar nila Rupert at Jerry.
Nag sitawanan sila na sinabayan niya na lang din para hindi halatang apektado siya.
Nagsimula na silang kumain nang dumating sina Sofia at Janna. Her bestfriends.
"Fam, here's my gift." Bungad ni Sofia sa kanya nang salubungin niya ito.
"Thank you." Nakangiting sagot niya dito saka bumeso sa kaibigan.
Malambot ang regalo kaya sigurado siyang damit ito na sana naman hindi sexy dress dahil hilig 'yon ni Sofia. Hindi niya hilig.
"Suotin mo 'yan okay? Kapag hindi mo 'yan sinuot, magtatampo talaga ako!" Sofia reminded.
"Oo na. " Natatawang sagot niya dito.
"Ito naman ang sa akin." Singit naman ni Janna.
"Thank you." Sagot niya dito saka bumeso.
"I-partner mo 'yan sa gift ni Sofia. Bagay 'yan. Magkasama kaming bumili ng gift for you kaya nakita ko." Patawa-tawang sabi ni Janna na nagtinginan pa ang dalawa.
Nasa box ang kay Janna kaya hindi niya ito mahulaan. Mamaya niya ito bubuksan.
Nasa hapagkainan na sila nang mabuksan nanaman ang topic na parati niyang iniiwasan.
"Ate Fam, my balak ka bang mag-boyfriend? Sana magka-boyfriend ka na." Biglang sabi ni Thana.
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan at tinginan sa isa't-isa habang kumakain sila.
"Oo nga. Para madagdagan na ang mga kuya namin." Biglang sabi ni Cheska.
Madagdagan ng hihingan.
"Matagal pa 'yon." Sagot niya na para bang hindi siya apektado.
"Anong matagal pa? You're not getting any younger. You should be marrying someone by now," Biglang singit ni Zaila, "Ate Fam, bibigyan kita ng tip sa wedding day ko para pagtapon ko ng bulaklak ikaw ang makasalo!" Patawa-tawang sabi pa nito na sinabayan ng tawanan ng iba.
"Hayaan mo pinsan, ipakilala na talaga kita sa mga kakilala ko!" Singit naman ni Rupert na hindi talaga siya tinatawag na ate, parating pinsan.
"No, thanks. Baka katulad mong babaero pa ang mapakilala mo sa akin!" Pagbibiro naman niya dito.
And their boring conversation about her love life goes on.
Kung alam lang nila kung gaano nito kaayaw sa topic. Baka wala ng mapag-usapan pa. Pakiramdam niya talaga, parati siyang nasa hot seat. Bakit parang kasalanan niya?
"Ingat kayo pauwi. Diretso na sa bahay mga bata!" Pagbibiro niya sa mga pinsan.
"Ingat ka din pinsan! Ingat ka sa paghahanap sa future boyfriend mo!" Patawa-tawang biro naman ni Rupert.
"Uwi na rin ako," Singit ni Sofia, "Happy birthday again." Dugtong pa nito saka bumeso sa kanya.
"Me too. I have to go na. May date pa kami ni Victor." Singit naman ni Janna saka bumeso.
"Enjoy. Ingat din kayo pauwi." Nakangiting sabi niya sa mga ito.
Pagpasok niya ng bahay sinalubong siya ng nakangi niyang ina.
"Happy birthday anak. Mahal na mahal ka namin. 'Yung mga pagbibiro ng mga pinsan mo, don't take it seriously. Para sa ikakapanatag ng loob mo na baka kaya hindi mo mabigyan ng pagkakataon ang sarili mong makakilala ng isang taong magmamayari ng puso mo, aprobado ka naman namin anak sa mga ganyan at napaghandaan na naming darating at darating ang araw na 'yon sa buhay mo. Try to mingle sometimes. I trust you." Nakangiting sabi ng kanyang ina.
"Okay lang po. Pinili ko naman po kasi na 'to. Avoiding guys pero hindi ko inaasahang ganito pala ang kalalabasan. I'll try to mingle sometimes just to know someone that might be part of my life or someone who's willing to be part of my life." Nakangiting sabi niya sa kanyang ina.
"No pressure. Ang gusto lang namin ay maging mas masaya ka pa higit sa sayang nararamdaman mo kasama kami." Nakangiting sabi ng ina.
"Opo."
No pressure pero nakaka-pressure ang mga taong nasa paligid niya. Naiintindihan naman niyang concern lang sila sa kanya.
Buong buhay niya'y hindi niya naisip na magkaroon ng kasintahan na dahil masaya naman siya sa pagiging single pero darating pala talaga at darating ka sa puntong maiisip at maiisip mo ito.
Bakit nga ba sa dami ng lalaking nagpaparamdam sa kanya ay wala siyang pinatulan? Hindi naman siya man hater. Sadyang napapaniwala siya ng mga failed relationship na nababalitaan niya. Natatakot lang ba talaga siyang masaktan o may iba pang dahilan?
-