Prologue
[Fammie Alegre]
Sa totoo lang hindi naman talaga maiaalis sa akin minsan na sa pagiging single ko buong buhay ko di pa man ako tumutungtung ng trenta anyos ay pumapasok na sa isipan ko ang pagkakaroon ng boyfriend. Gusto ko naman talaga pero anong magagawa ko kung hindi ako ligawin?
Minsan natanong ko 'yan sa kanila (mga taong concern sa love life ko) ang sabi naman nila kasi hindi ko daw pinapansin o sinusungitan ko o ang suplada ko tingnan o iniiwasan ko. Ano bang dapat kong gawin?
Bakit? May napapansin ba akong seryosong lalaking nagpapapansin sa akin? Come to think of it, kung nakikita mo bang seryoso ang taong gusto kang maging parte ng buhay niya why not entertain him 'di ba? Eh, kung nakikita mong hindi? Matik na hindi mo papansinin ang taong 'yon. You will not waste your time investing feelings sa taong hindi mo nakikitang seryoso at mabuti ang intensyon sa'yo.
You want to be in a relationship not only because you're attractive to that person but because you're serious to love that person and to be part of their lives one day. When I say to be part of their lives, what I mean is to be with that person for a long time. Hindi lang temporary tho alam kong walang forever, but it's just wonderful to know or to have someone who wants and who choose to stay in your life until we get old.
Hindi naman kasi ako ang taong grab lang ng grab. Nag-iisip din naman ako sa mga bagay na kahahantungan ng mga desisyon ko sa buhay. Yes, sabihin na nating advance ako mag-isip. Wala sa bokabularyo ko ang try lang ng try. I'm saving myself to someone who is worth it.
Mahirap pumasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan at alam mong walang kahahantungang mabuti sa buhay mo. Lalo na't love is a game, it's either you play or you win.
"Mag-ti-Trenta ka na, wala ka pa ring boyfriend!"
"Kailan mo balak mag ka-boyfriend?"
"Hindi na boyfriend ang kailangan mo! Asawa na!"
"May balak ka pa bang mag ka-boyfriend o mag-asawa man lang?"
"Mawawala ka na sa kalendaryo! Isang taon na lang!"
"Kumusta ang pagiging single hanggang ngayon?"
"Napag-iiwanan ka na!"
"Ang taas kasi ng standard mo!"
"Sayang ka naman!"
"Ano ba requirements para mapasagot ka ng oo?"
"Isa na lang kulang sa'yo lovelife."
"Hindi ka ba nagsasawa sa pagiging single?"
Ilan sa mga paulit-ulit na naririnig ko sa mga taong nasa paligid ko (kilala man nila ako o hindi). Sanay na sanay na akong naririnig ito. Wala ng bago. Minsan gusto kong makarinig naman ng bago. Gusto ko ding sagutin ng wala ba kayong bagong masasabi? o komento?
Okay lang naman sa akin noon pero habang tumatagal parang naaapektuhan na ako lalo pa't lalagpas na nga ako talaga sa kalendaryo. Nakaka-pressure ang mga tao. Nakaka-pressure ang sigaw ng mundo. Nakakainis ang standard ng buhay.
Masisisi ko ba naman ang tadhana kung mailap sa akin ang pag-ibig na 'yan? Ba't ko ba naging problema ito?
"Fam, masyado ka kasing naka-focus sa isang goal mo. Try to focus on others and this time on guys. Hindi 'yung ang ilap mo pa rin sa kanila. As if lahat ng lalaki sasaktan ka. Hindi mo pa nga sila nakikilalang lahat. Tigilan mo ang pagpapaniwala sa lahat ng nababasa mong tragic stories or failed relationship stories. Hindi lahat ng kuwento kailangan mong paniwalaan." Sofia said na four years ko ng kaibigan. I rolled my eyes with that comment.
"Anak, okay ka na sa buhay. Kailangan mo na lang ng taong makakasama sa pagtanda at magmamahal sa'yo." Mom commented.
"Panahon na para maging masaya ka. Hindi lang sa mga bagay na natatanggap mo at naibibigay mo sa iba, hindi lang sa amin at sa iba pang mga bagay kundi pati sa taong makakasama mo habang buhay." Dad suggested.
Ilan lamang sa advices na ibinibigay ng mga concern sa buhay ko. Jusko.
Masisisi ko ba ang sarili ko kung sa loob ng thirty years wala akong natipuhan? dahil alam kong nandyan naman si Lord, ang pamilya ko at mga kaibigan ko na mahal ko at mahal ako. Masyado kong naienjoy ang pagiging single.
"Given na kasi 'yon pero ang pagmamahal sa nag-iisang taong magmamay-ari ng buong puso mo, iba 'yon. You should welcome that person with open arms hindi 'yung hahayaan mong tadhana ang gumalaw para sa'yo. Minsan kailangan mo ding gumalaw para sa sarili mo." Janna said na seven years ko ng kaibigan.
Buong buhay ko naman kasi talagang sa kanila lang ako naka-focus pero hindi ko 'yon pinagsisisihan dahil masaya akong sa kanila ako naka-focus not until sila mismo ang nagpa-realize sa akinna iba naman ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.
Lord, pwede po bang humirit? Sana dumating na ang dapat dumating sa buhay ko. Kung kailangan ko na nga talagang gumalaw para sa sarili ko, gagalaw na po ako. Ang tanong,
Darating pa ba siya?
Kailan kaya?
Sana kapag dumating siya, hindi pa ako napapagod sa paghihintay sa kanya.
Super traffic naman ang nadaanan ng future love ko. Baka sumide trip pa siya. Baka pinapaiyak pa ng ibang babae o sinsaktan pa. Baka naman nagpapakabaliw pa sa iba. Baka getting married na sa iba. Baka naman wala balak na ako'y makilala. Ay ewan.
Basta gagawin ko lang ang gusto ko sa buhay at kung para sa akin, edi sa akin. Kung hindi, edi hindi. Nakakapagod makipag-usap sa mga taong mas problemado pa sa lovelife ko kaysa sa akin.
Of course, still praying and hoping na kahit nakakawala na ng ganang maghintay o nakakawala ng pag-asa, go pa rin sa pag-asa dahil habang may buhay may pag-asa. Naku kapag nakita ko talaga ang lalaking nakatadhana sa akin, kukurutin ko ang singit at sasabihin kong bakit ang tagal mo akong mahanap? Bakit ang tagal mong magpakilala? Bakit ang tagal mo akong makita? Gigil ako sa kanya talaga eh.
I hope to see him soon. I hope he is doing well. I hope he is happy with his life and all. I would love to be part of that very soon.
-