FOOLISH HEART[2]

1378 Words
---------------------- Foolish Heart [2] "Hoy."  Tiningnan ko yung nag-hoy sa akin. "Ano nanaman ba trip mo sa akin Ash?" Lagi na lang ako pinagtritripan nito, kung hindi lang talaga toh tropa ni Jerome , hindi ko siya papansinin. "Pakopya ng homework sa Physics." Kinuha ko yung notebook ko at binigay ko sakanya. "Ang bait mo talaga Mikaela." Sabay ngiti niya. "Pakopyahin mo din si Jerome ha." Tapos bigla siyang tumawa sa sinabi ko. "Inlove na inlove ka talaga sa kaibigan ko. Kailan mo nga ba siya nagustuhan?" Napayuko ako. "Grade one pa." "Hmm, grade one ibig sabihin, one, two, three, four, five, six, seven , eight, nine, ten. Almost ten years mo na siyang gusto? Grabe ka talaga Mikaela, fourth year highschool na tayo siya pa rin?" "Anong gagawin ko ba Ash?" Umupo siya sa tabi ko. "Hindi ko alam, ewan ko ba kasi kay Jerome bakit hindi ka ibusted ng tuluyan para kahit papaano hindi ka na mahirapan."  "Lagi niya naman ako binubusted eh." "Ayun nga, lagi ka nga binubusted pero pagkatapos nun di ba nagiging mabait siya sayo ulit? Nilalapitan ka pa rin niya kaya ayan umaasa ka tuloy." Bigla tuloy ako napaiyak sa sinabi niya, natamaan talaga ako sa sinabi ni Ash. "Hala ka Ash, pinaiyak mo siya." Asar ng isa naming klaklase kaya lahat tuloy ng mga klaklase ko nakatingin sa amin. "Woi! Wag ka nga umiyak dyan." Pero hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ko. "Lagot ka Ash, pinaiyak mo na siya." "Nako, isusumbong ka nyan sa guidance." "Nagpaiyak ka ng babae Ash, lagot." "Uy, Mikaela wag ka na nga umiyak dyan, nakakakonsensya ka naman eh." Pinunasan ko yung luha ko at tiningnan ko si Ash. "Sorry, natamaan lang talaga ako sa sinabi mo." Pinipigilan kong umiyak kaya paulit-ulit ko itong pinupunas. "Ash, ang tamang pagpapatahan sa babae ay punasan ang luha niya at pangitiin." Nagulat ako sa ginawa ni Jerome bigla niya pinunasan ng panyo ang luha ko at ngumiti sa akin. "Lollipop oh." Hinihintay niyang kuhain yung lollipop kaya napaiwas ako ng tingin at kinuha ko ito. "S-salamat." Ginulo niya buhok , alam ko ngayon namumula ang pisngi ko. "Pakopya ng homework sa Physics ha." Tumango na lang ako sa sinabi ni Jerome at di pa rin tumitingin sakanya. "Tss. Kinilig nanaman siya." Parinig ni Deziree pero hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kong mas lamang ako sakanya HAHAHAHHAA. Shemay, kinikilig pa rin ako sa ginawa ni Jerome sa akin, baka hindi ako makatulog nito mamaya. "Classmates! May binigay  pala sa akin si Maam Hugo. Hulaan niyo kung ano ang magandang balita!" Naexcite naman ako bigla sa sinabi ng president namin. "Prom na ba yan President?!" "Intrams na ba?!?! Omay, sasali ako sa volleyball ha." "Team Building!!" "Camp-in sa school!" "Stargazing sa school!!" "Field trip!" "Sa wakas may nakakuha din ng tamang sagot, may field trip tayo sa Batangas hindi lang sinabi ni Maam kung saan sa Batangas, kaya ang gagawin natin ngayon ay seating arrangement sa bus!"  "AYOOOOON!" Natawa naman ako sa reaksyon ng mga klaklase ko dahil nga last year namin ito sa Highschool kaya sinusulit nanamin ang bawat oras na magkakasama kami. "Mikaela." Tinawag ako ng president, mukhang natapos agad ang pagfifill-up nila sa seating arrangement ah. "Bakit?" "Sasama ka ba, last year hindi ka sumama eh." Lahat sila tumingin sa akin, kaya naman hindi ako sumama dati kasi nilagnat ako tsaka pagdating naman sa seating arrangement sa bus lagi naman akong walang katabi sa mga nakaraang field trip dahil lagi ako inaasar sa school ng dahil kay Jerome kaya simula nun parang nawalan na ako ng gana maghanap ng totoong kaibigan kasi lalapit lang sila pag may kailangan sa akin o gusto nila makalapit kay Jerome, minsan ang tingin pa nila sa akin malandi o pabebe daw. "Papaalam muna ako kila daddy." Dahilan ko na lang para hindi na sila magtanong pa. "Ganun ba, pero kung sasama ka sino ang katabi mo?" "Wala, kahit teachers na lang ang katabi ko. Okay lang." At nginitian ko na lang siya pero kita ko sakanya parang nag-aalangan siya sa sinabi ko. "Ako na lang katabi niya." Napatingin ako kay Jerome na nakataas pa ang kamay at iwinawagayway pa. "AYOOON!" Sigaw ng tropa niya. "Si Ms. Inlove nakajackpot nanaman." Asar ni Ash, lakas talaga mang-asar nito. "O sige, isusulat ko na lang dito." "Mikaela." Tumingin ako sakanya pero iniwas ko din agad ang mata ko kasi nahihiya talaga ako. "A-ano yun?" "Sumama ka sa field trip natin, sulitin na nating tong Fourth year Highschool." "A-ah sige, salamat." Narinig ko siyang tumawa. "Bakit ka ba nauutal pag kausap mo ako? Samantalang pagtuwing nagcoconfess ka sa akin di ka naman ganyan." Nahiya tuloy ako sa sinabi niya. "Ha? H-hindi k-kaya." Tumawa lang siya ulit. "Sabi mo eh, asahan kong sasama ka ha." "Papaalam muna ako kay Daddy." "Okay, yung notebook mo mamaya ko na ibalik ha." At pumunta na siya sa upuan niya, grabe ramdam kong pulang-pula na ako.Waaaaa~ Mikaela, kung sineswerte ka nga naman ngayon! "Good Morning IV- ever."  Nagulat ako ng biglang dumating  yung first subject na teacher namin. "Good Morning Maam." "You may take your sit IV- ever." Baliw talaga toh si Maam, gustong-gusto bangitin ang section namin kasi naniniwala siya forever kaya favorite ko siya ang bait pa. "So our lesson for today is....." Nagsimula na siyang magdiscuss at ramdam ko ang tingin sa akin ni Deziree ng masama pero ibabalewala ko lang siya.  ******************** "Class Dismiss." Waaa! Sa wakas tapos na din ang klase ngayon. "Sabay tayo pag-uwi?"  Gulat ako kay Jerome, hindi ba talaga ako nanaginip ngayon? "Sabay ka sa amin pag-uwi, dapat ayun ang sinabi mo pre. Papaasahin mo nanaman yan si Ms. Inlove e." Singit ni Jerome. "Tumigil ka nga Ash, hindi ko naman siya pinapaasa. Kaibigan ko si Mikaela kaya niyaya ko siya umuwi. Ano okay lang ba sayo?" Napangiti ako sa sinabi ni Jerome. "Wag na nakakahiya sainyo." "Tinangihan ka pre o? Ano uwi na tayo." Pangungulit ni Ash. "Ganyan ka ba magpasalamat pagkatapos mong kumopya sa homework ni Mikaela?" Napakamot sa ulo si Ash kaya tumawa ako. "Nako, hindi niya na kailangan magpasalamat sanay naman ako kay Ash na laging kumokopya ng homework ko." Biglang binatukan ni Jerome si Ash. "Aray ko naman pre bakit mo naman ginawa yun?" "Napakabully mo talaga kay Mikaela." "Ako pa ang bully? e binibigay niya naman agad tas sasabihin niya pakopyahin din kita." Napaiwas ako ng tingin ng dahil sa sinabi ni Ash. "Hatid ka nanamin ni Ash sainyo." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha? W-wag na!"  "Bakit?" "Baka magalit si Daddy." Mukhang nagets niya naman ang ibig kong sabihin, syempre di ba paghinatid ka ng lalaki sa bahay ibig sabihin sa magulang manliligaw na yun o may gusto sayo. "Sige, pero hatid ka namin hanggang gate lang ng subdivision niyo. Wag ka ng tumanggi." Bigla niya kinuha ang bag ko at naglakad na siya. Mukhang wala ako magagawa. "g**o talaga utak nun." Napapailing na sabi ni Ash. "Ha?" Tiningnan niya lang ako. "Tara na para makauwi na din ako." Naglakad na si Ash kaya sumunod na din ako. Tinitingnan ko lang sila maglakad at nasa likod lang nila ako. Nahihiya kasi ako pagkasabay ko sila lalo na ngayon habang paglabas namin ay pinagtitinginan kami. Sikat kasi si Jerome dito sa Stateland School dahil siya ang ace player ng Football varsity at lagi siyang kasali sa Mr. Intrams kaya lang hindi siya nageexcell sa studies , tamad mag-aral eh.  "Bagal mo naman maglakad." Hinila ako ni Ash at ngayon nasa gitna na nila akong dalawa. "Bakit ba ang tahimik mo sa klase?" Biglang tanong ni Jerome. "Ha? Ano kasi..." Tumawa sila parehas ni Ash. "Ito pala ang tunay na Mikaela talaga? Mahiyain." Sabi ni Ash. "Oo nga, kung gaano kalakas loob umamin sa akin kabaliktaran niya pala pagkasama natin talaga siya." Napayuko na lang ako. "Hindi naman sa mahiyain ako, wala naman kasi akong makakausap sa room dahil lagi nga ako binubully." Natahimik sila sa sinabi ko. "Ayan Ash asarin mo pa kasi si Mikaela." Asar ni Jerome. "Nakikisabay lang naman kasi ako sa mga nang-aasar sakanya."  "Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ni Mikaela,mang-aasar ka pa rin?" "Oo, natutuwa akong asarin siya." Binatukan siya ni Jerome kaya napatawa ako ng malakas. "Ang kulit niyong dalawa." Tumawa na lang silang dalawa. "Tara kain muna tayo fishball doon oh." Yaya ni Jerome kaya sumunod kami. "Teka Jerome, kumakain ba ng ganito si Mikaela. Alam mo namang anak mayaman siya." Tiningnan ko si Ash. "Kumakain naman ako ng streetfoods pinalaki kaya kami ng Ate ko ng simple lang kaya wag ka mag-alala Ash hindi ako maarte na akala niyong lahat." "Ayan ang tunay na Mikaela." At ayun kumain na kaming tatlo, nagkaroon ng kulitan at asaran pero ito lang ang masasabi ko, sobrang saya ko ngayon dahil ngayon may maitatawag na akong kaibigan. ======================== Vote.Comment.Fan (C) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD