Foolish Heart [3]
Mikaela's POV:
"Ate Fajuzia." Tiningnan niya ako.
"Wala ako sa mood Mikaela, wag mo muna akong kausapin." Tapos umakyat na siya, lagi na lang ganun sa akin yun. Napakasungit tapos lagi pa ako tinatarayan pero ayos lang mahal ko naman Ate ko eh.
"Mikaela, anak." Lumapit ako kay Mama.
"Po?" Yumakap siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Kamusta sa eskwelahan?" Nginitian ko si Mama.
"Kaibigan ko po si Ash at Jerome po."
"Mabuti naman anak, gusto ko Mikaela maging masaya ka sa highschool mo. Nag-aalala ako lagi sayo sa tagal mo na sa Stateland ayaw mo magpalipat ng dahil sa crush mo na yan si Jerome." Tumawa ako sa sinabi ni Mama.
"Ikaw bata ka pa, pinagbibigyan ka lang namin ng papa mo para sa crush mo na yan kasi alam namin magdadabog ka sa amin."
"Salamat po!"
"Buti na lang mabait yun si Jerome, matagal na yun hindi pumunta sa bahay natin ha. Imbitahan mo kaya sila ng magulang niya dito sa atin." Nagulat ako sa sinabi ni Mama.
"Ma,nakakahiya."
"Ikaw nahiya pa? Ang lakas nga lagi ng loob mo umamin kay Jerome nung elementary kayo na may gusto ka sakanya." Napanguso ako sa sinabi ni mama.
"Matagal na yun mama e, hindi ko na nga ginawa yun ulit nung third year highschool na ako hanggang ngayon. Nahiya na ako para sa sarili ko mama." Tinawanan lang ako ni mama.
"Ang cute talaga ng baby girl ko. Sige kung ikaw ang nahihiya yayain ang pamilya nila ako na lang tatawag, pasasalamat ulit dahil niligtas ka ni Jerome dati. Sige na baby girl, punta muna ako sa office natin ha bibigay ko lang kay papa mo ang gawa kong pagkain."
"Ingat po Ma." Tapos hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na si Mama. Naalala ko nanaman yung grade 6 kami, field trip namin sa Laguna. Hindi ko klaklase si Jerome pero sabay lahat ng batch ng grade 6 sa field trip ng biglang may humatak sa akin at kinidnap ako nakita pala ni Jerome kaya agad ni report sa mga teachers para tulungan ako at siya din ang nagpatahan sa akin. Niyakap niya pa nga ako nun eh :''>
Kaya simula nun ang tingin ko sakanya siya na ang prince charming ko ang laging nandyan para sa akin. Grade one palang pinagtatanggol niya na ako at lumalim pa yun ng grade six, ngayon na highschool na ako alam kong hindi lang crush ang nararamdaman ko sakanya. :''>
Nabigla ako ng biglang nagring yung cellphone ko, tumatawag si Ash. Ano nanaman kailangan nito? Wala naman kaming homework para sabihin niyang kokopya siya. Sinagot ko na lang yung tawag niya.
"Hello Ash."
"Ayun oh pre, sumagot na si Mikaela." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ash.
"Hello Mikaela." Waaa, biglang tumibok ang puso ko nung marinig ko ang boses niya. Si Jerome, waaaaaa!
"Je-jerome, b-bakit kayo napatawag?" Waa, nauutal nanaman ako, bwisit. Kailangan kong matuto hindi mautal.
"Pwede ka ba ngayon? Nandito kami ni Ash sa SM."
"Ha? Pwede naman. Anong gagawin natin dyan?" Wew, buti naman hindi ako nautal.
"Kahit ano, manood ng sine, maglaro sa toms world. Tutal kaibigan ka namin ni Ash kaya napagdesisyon namin na yayain ka, kung okay lang naman sayo." Nako Jerome kung nakikita mo lang ako ngayon sobrang lapad ng ngiti ko.
"Sige, text na lang ako pagpapunta na ako. Mag-aayos muna ako."
"Ayun, sige sige!" Tapos inendcall ko na, shemay. Ang saya ko talaga! Mag-aayos na sana ako kaso nagulat ako kay Ate Fajuzia na nakatingin sa akin.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin Ate?"
"Para ka kasing ewan dyan." Tapos tinalikuran niya na ako.
"Saglit lang Ate, aalis ako ngayon ha. Pupunta ako ng SM!"
"Sino kasama mo?"
"Ah si Ash at Jerome." Tiningnan ako ni Ate ng masama,
"Bakit lalaki kasama mo?"
"Kaibigan ko naman sila , wala silang gagawin sa akin na masama."
"Hindi ako papayag."
"Ate naman e, sige na payagan mo na ako."
"Sasama ako."
"Ate naman! Wag na. Kilala mo naman si Jerome di ba? Kasama ko siya."
"Lalaki pa rin kasama mo Mikaela." Napanguso na lang ako sa sinabi ni Ate Fajuzia.
"Sige na Ate please,payagan mo na ako."
"Hindi, kung gusto mo sila makasama. Papuntahin mo sila dito sa bahay!" Sabay alis ni Ate at pumunta sa kwarto. Nakakainis naman si Ate e, bwisit siya. Tinext ko na lang agad si Jerome na hindi ako makakasama kasi hindi ako pinayagan ni Ate Fajuzia.
Pumunta na lang ako sa kwarto ko ang nagpatugtog ng sobrang lakas, naiinis ako kay Ate. Chance ko na yun para makasama si Jerome tapos hindi pa ako pinayagan. Nakakainis talaga!
Nabigla ako nung nagring yung cellphone ko, number ni Ash ang nasa screen pero alam ko si Jerome ang tumatawag, hininaan ko yung patugtog ko sa kwarto at sinagot ang tawag.
"Bakit hindi ka pinayagan?" Bungad agad ni Jerome.
"Puro lalaki kasi kasama ko daw kaya ayaw ni Ate."
"Ganun ba? "
"Oo, sa susunod na lang Jerome ha."
"Sige madami pa namang next time."
"enjoy kayo!"
"Sige Salamat." Inend call na lang, naiiyak na kasi ako. Gusto ko kasi siya makasama, ngayon niya lang ako niyaya ng ganun tapos hindi pa ako pinayagan. Nakakainis talaga!
****************
Pasukan nanaman ngayon at makikita ko ulit si Jerome! Yehey, excited na ako. Onting lakad na lang at malapit na ako sa Stateland School.
"Aray ko nasasaktan ako kuya!Bitawan mo nga ako." Napatingin naman ako dun, teka si Deziree ba yun? Lumapit ako ng onti.
"Bigyan mo ako ng pera dali."
"Kuya tumigil ka na. Ipangbibisyo mo lang naman ang binibigay ko sayong pera!" Ayy! Nagulat ako nung bigla siyang sinampal ng kuya niya.
"Dami mo pang satsat, hindi na lang ako bigyan ng pera." Sasampalin pa sana siya ulit kaso bigla akong lumapit para protektahan si Deziree.
"A-aray ko." Ang sakit ng pagkahampas sa akin ng kuya niya.
"Mikaela?!" Tiningnan ko si Deziree at nginitian.
"Hi." Ayun na lang ang nasabi ko.
"Tss. magkikita pa tayo Deziree." Sabay alis ng kuya niya , grabe ang bigat ng kamay ng kuya niya.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Sinasaktan ka ng kapatid mo, di na tama yun." Tinulungan niya ako makatayo at pinagpag ang uniform ko.
"Hindi mo na dapat ako prinotektahan, sanay na ako sakanya."
"Dapat sinasabi mo yun sa magulang mo!"
"Patay na magulang ko Mikaela." Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ko aakalain yung taong laging inaaway ako ay ganito pala kahirap ang sitwasyon niya.
"Hindi mo ako kailangan kaawaan Mikaela." Ginulo niya buhok ko at nginitian niya ako.
"Pero Deziree, hindi ko kasi aakalain na----"
"Wag kang umiyak." Pinunasan ko ang luha ko at niyakap si Deziree.
"Nandito lang ako para sayo!"
"S-salamat." Inalis niya yakap ko at inayos niya yung buhok niya at tinaasan ako ng kilay.
"Wag mong isipin na hindi na kita kaagaw kay Jerome."Napangiti ako sa sinabi niya at naglakad na siya palayo sa akin. Akala ko masama talaga ugali niya pero sabi nga nila " Don't judge a book by its cover." dahil lahat ng tao ay may istory kung bakit naging ganun sila.
"Mikaela!!"
"Goodmorning Mikaela."
"Goodmorning Ash and Jerome!" Bati ko sakanila at agad na lumapit.
"Anong ginagawa mo doon?" Tanong ni Ash.
"Wala may nakita kasi akong magandang pusa." Tama, hindi ko na lang sasabihin sakanila ang nangyari dahil alam kong ayaw naman malaman ni Deziree kung ano ang nangyari sakanya kanina.
"Tara pasok na tayo sa loob." Yaya ni Ash pero nagulat ako nung hinawakan ni Jerome ang braso ko.
"Bakit namumula toh?" Patay, anong idadahilan ko? Hindi ko namalayan na namula pala yung pagkahampas sa akin ng kapatid ni Deziree
"Ah e kasi kanina sa jeep biglang pumreno ,nandoon kasi ako sa dulo kaya ayan namula ang braso ko."
"Sa susunod kasi wag ka na pumwesto doon."
"A-ah sige."
"Tama na nga yan! Kaaga-aga lambingan agad." Namula ako sa sinabi ni Ash.
"Sira ulo ka talaga Ash." Sabay batok ni Jerome kay Ash, ayan nanaman silang dalawa nag-aasaran hanggang makarating kami sa school na nag-aasaran parin ang dalawa at ako naman ay tagatawa lang sakanila ng may mapansin ako isang lalaki na parang pamilyar sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Uy Mikaela." Napatingin ako kay Jerome.
"Ay sorry." Tumakbo ako papunta kila Jerome, parang nakita ko talaga siya e.Hindi ko lang alam kung saan ulit yun.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa classroom lahat nanaman sila ay nakatingin sa akin, sana'y na ako kaya patay malisya na lang ako pumasok at umupo. At ayun kanya-kanya nanaman silang chismis tungkol sa akin , kinuha ko na lang yung libro para sa next subject namin at nagbasa.
"Pwede ba tigilan niyo na si Mikaela." Nagulat ako sa nagsabi nun.
"Deziree, ikaw pa talaga ang nagsabi niyan ha?" Sabi ng isang klaklase namin.
"Nakakairita na kasi, paulit-ulit na lang siya ang pinag-uuspan. Hindi ba kayo nagsasawa?" Nagkanya-kanya nanaman silang pag-uusap pero bigla silang tumahimik nung biglang tumayo si Deziree at lumabas ng room, sinundan ko siya bigla.
"Salamat Deziree." Huminto siya sa paglalakad niya.
"Patas na tayo, pumasok ka na sa loob."
"Hindi ka papasok?"
"Pupunta muna ako sa clinic, papalagyan ko ng ointment toh." Pinakita niya sa akin yung pasa, ibig sabihin ganun kahigpit ang pagkahawak sakanya kanina.
"Sige."
"Sumama ka pala sa field trip ah, asahan kita doon." Sabay lakad niya na, napangiti ako sa sinabi ni Deziree. Nakakatuwa na may ganito siyang side para sa akin! Mukhang may bago nanaman ako magiging kaibigan ha!
~*Ringgggggggggg*~
First bell na pala, ibig sabihin mag-uumpisa na ang first subject! Kailangan ko na bumalik agad sa room at mag-aral para sa quiz namin.
=====================
Vote.Comment.Fan
(C) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*