FOOLISH HEART[4]

1918 Words
Foolish Heart [4] "Mikaela, tara sama ka saamin." "Ha? Saan?" Nagulat naman ako nung niyaya ako nila Ash, palakad na kasi ako para pumara ng masasakyan pauwi, tutal tapos na ang klase namin. "Sa SM, bili tayo ng mga pagkain para sa field trip." Sabi ni Ash agad. "Don't worry hindi lang tayo puro lalaki, kasama natin si Deziree." Dagdag ni Jerome. "Ah sige, tutal sa isang araw na pala yung field trip noh." Waaa, excited na ako tapos katabi ko pa sa bus si Jerome. Oemgee! Waaa, kapag iniisip yun kinikilig na agad ako. "Hi Jerome~!" Malanding bati ni Deziree at kumapit pa siya kay Jerome. Aba-aba! Kung makaasta si Deziree. "Ayan na ang linta mo Jerome." Bigla naman ako tumawa sa sinabi ni Ash. "Linta pala ha." Sabay pinalo-palo ni Deziree si Ash at nagulat ako dun ha, parang close na close talaga sila tiningnan ko si Jerome. "Sila ba?" Tumawa si Jerome sa tinanong ko. "Hindi, magkababata sila kaso one sided love ang mokong."Napangiti naman ako nung marinig ko yun, hindi ko aakalain may gusto si Ash kay Deziree at magkababata sila ibig sabihin may alam siguro si Ash tugkol sa kuya ni Deziree. " Tara na oy, mag-away na lang kayo ulit pag nasa SM na tayo." Singit agad ni Jerome sakanila. "Bwisit siya Fafa Jerome, pagsabihan mo nga yan si Abo." Kapit ulit ni Deziree kay Jerome.  "Anong abo ka dyan?" Natatawa ako sa reaksyon ni Ash e, iritang-irita. "Ash sa tagalog abo, like duh!" Sabay irap ni Deziree sakanya. "Alam ko yun, hindi ako bobo noh!"  Sagot ni Ash. "Well, ikaw nagsabi niyan hindi ako." Grabe, nag-aaway nanaman silang dalawa.Nabigla ako nung hinawakan ni Jerome yung sa bandang may pulso ko o wrist sa ingles. "Iwanan na nga natin sila, tara na." Tas hinila niya na ako at pumara siya ng jeep at sumakay kami tapos magkatabi kami, emegassssh! Kinikilig ako. "Ako na magbabayad ng pamasahe mo."  "Nako wag na." Umiling siya tapos inabot ko sakanya yung pamasahe ko. "Wag makulit Mikaela." Seryoso niyang sabi tas binalik niya sa akin yung pera. "S-salamat." Waa, eto nanaman ako nauutal nanaman ako ulit, nginitian niya lang ako at nagbayad na siya ng pamasahe. "Ah J-jerome, h-hindi ba magagalit sila sa atin?"  "Hmm, si Deziree siguro magagalit pero si Ash matutuwa pa yun."  "Hala, baka magalit sa akin si Deziree." Napakunot noo naman siya. "Bakit naman siya magagalit sayo?" "e kasi ano, di ba may g-gusto s-siya sayo." "Tapos?" "S-syempre magagalit siya sa akin kasi kasama kita." "edi magalit siya, hindi ko naman siya gusto." Alam mo yung feeling na parang pumapalakpak ang tenga? Ganun yung pakiramdam ko ngayon! Hindi niya gusto si Deziree ibig sabihin may chance ako! "Ay nga pala Jerome, napag-usapan ka namin ni mama. Baka gusto niyo daw ulit pumunta sa bahay? Malaki kasi utang na loob namin sayo."  "Ganun ba? Tanungin ko na lang sila mama." "Ah sige." At ayun bigla na lang kami tumahimik sa byahe, grabe lakas ng t***k ng puso ko. Parang lalabas na sa rib cage yung puso ko e kasi namin katabi ko siya tapos nakatitig lang ako sa mukha niyang gwapo. Waaaaaaa! "Para po!" Ay nandito na pala kami sa SM , ano ba yan di ko pa natitigan siya ng mabuti eh. Teka kaming dalawa lang ngayon. Ibig sabihin date namin toh! Omaaaaaygaaaaaaash! Waaaaa. "Uy Mikaela, di ka pa baba dyan sa jeep?"  "Ay sorry." Bigla ako nataranta, natulala pala ako kakaisip sa date namin. "Ano bang iniisip mo?"  "Ha? Wala." Tapos biglang may nagring at nilabas niya yung cellphone niya. Mukhang si Ash yata yung tumawag. "Malapit na kayo?Sige hintayin namin kayo."Nalungkot ako nung marinig ko yun, ibig sabihin hindi ko pala masosolo si Jerome. AWW, sayang. Ito na yung chance oh! Kainis. "Hintayin na lang natin sila Ash dito, malapit na daw sila." Tumango na lang ako at di umimik. Nakakadismaya lang. Naghintay kami ng ilang minuto at dumating na sila agad.Tiningnan ako ni Deziree at nginitian, ano nanaman iniisip nito? "Akala mo ha? Hindi ko hahayaan na masolo mo si Fafa Jerome." Sabay kapit niya ulit kay Jerome. "Tss. Linta!" Iritang sabi ni Ash at bigla bigla na lang pumasok sa Sm. "Anong nangyari dun?" Tanong ni Jerome. "Binusted ko nanaman." Sabay tawa niya at natawa na lang din si Jerome. Grabe naman sila kung tawanan si Ash, palibhasa kasi di nila alam yung pakiramdam na paulit-ulit na nabubusted. Sumunod na lang ako kay Ash at hinayaan ko na lang silang dalawa doon. "Ash, uy Ash!" Tiningnan niya ako at  naglakad na lang ulit pero kaagad ko din naman siya sinundan. "Ano tatawanan mo ba ako?" Irita niyang sabi. "Hindi, bakit naman kita tatawanan?" Tiningnan niya lang ako ulit ng masama. "Onga pala, parehas lang pala tayo laging binubusted ng taong gusto natin." "Ayan, lakas mo pa kasing mang-asar sa akin ha." Ginulo ko yung buhok niya at ngumiti. "Ano ba nagustuhan mo kay Deziree?" "Lahat ng hindi niyo nakikitang ugali sakanya ay gusto ko.Hindi naman talaga siya parang b***h umasta, mahina siya kaya nga gusto ko lagi ako nasa tabi niya. " Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Labo mo Ash." "Woi! Kayong dalawa nagsosolo kayo. Tama bang iwan kami?" Sabi ni Jerome. "Ayaw mo ba nun?Magdadate tayo." Nakangiti sabi ni Deziree pero inalis ni Jerome yung hawak sakanya at lumapit kay Ash tapos ginulo yung buhok. "Okay lang yan pre." Sabay akbay ni Jerome sakanya at naglakad na sila. Napangiti ako sa ginawa ni Jerome di ko aakalain na sa ganung paraan siya magiging concern kay Ash. "Oy." Napatingin naman ako kay Deziree. "Bakit?" "Bili tayo ng damit natin para sa field trip sa Batangas.Gusto ko may pares tayo." Nagulat ako sa sinabi niya, sakanya talaga galing yun? "Sigurado ka ba?" "Bakit kaibigan na din kita? Kaya lahat ng kaibigan ko gusto ko may kaparehas akong damit." "Ha? Akala ko galit ka sa akin?" "Sa totoo lang, trip lang kitang asarin." "Ano?" "Gusto ko kasi lagi kang pagtripan pagdating kay Jerome, hindi ko naman talaga siya gusto."  "ANO?!" "Kung makasigaw naman toh? Onga , hindi ko talaga siya gusto. Ginawa ko lang lahat ng  pang-aasar sayo ay para inisin ka. Nakakatuwa kasi yung confidence mo pagdating sakanya, kaya Im sorry sa lahat ng pangbubully ko sayo pero asahan mo parin na magiging b***h friend mo parin ako pagdating sakanya." Bigla ko siyang niyakap dahil natuwa ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga aakalain ito! "Waa, grabe ang saya ko talaga. Ilang araw na puro good news ang natatanggap ko mula sainyo. Hindi ko talaga aakalain na may magiging kaibigan na ako."  "Oh bakit ka umiiyak? Uy, wag ka nga umiyak dyan. Pinagtitinginan tayo oh." "Sobrang saya ko kasi talaga. Salamat Deziree!" "Deserve mo naman kasi magkaroon ng kaibigan, akala ko kasi talaga malandi ka o pababy ganun? pero syempre insecure lang naman kaming mga babae kasi ikaw lang ang naglakas loob na umamin kay Jerome na may gusto ka sakanya.  Imagine isa siyang hearthrob sa school natin tapos magcoconfess ka sakanya sa gymnasium at sa gitna pa." Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya. "Ano ba, matagal na yun ha. Second year pa yun, ayun na nga yung last confess ko sakanya."  "Pero dahil dun nakilala ka at dahil kaibigan na kita. May sasabihin akong sikreto sayo, wag mong sasabihin sakanya ha."  "Sakanya? Ha, sige. Ano naman yun?" "Gusto ko si Ash." Lumaki mata ko sa sinabi niya. "Pero bakit mo siya binubusted palagi?" "Gusto ko matest kung totoo talaga yung nararamdaman niya sa akin at pag-umamin pa siya ulit sa akin pagkagraduate natin ng highschool  doon ko na ako papayag magpaligaw." Napangiti ako sa sinabi niya, sana ganun din kami ni Jerome noh? Kaso mukhang malabo mangyari yun. "Nandito lang pala kayo? Kanina pa kami naghahanap sainyo hindi pala kayo sumunod sa amin." Nagulat kami ni Deziree ng biglang nagsalit si Ash. "So?" Mataray na sagot ni Deziree at bigla nanaman siyang kumapit kay Jerome , napailing na lang ako. "Linta ka talaga." Nginitian lang ni Deziree si Ash. "Mag-aaway nanaman kayo , tara na talaga. Bumili na tayo ng babauinin natin para sa field trip!"Singit ni Jerome at ayun pumunta na kami sa hypermarket para bumili na agad. Kami naman ni Jerome ay rinding-rindi sa pag-aaway nung dalawa. Walang katapusan grabe, pagkatapos namin bumili ng pagkain ay nagyaya si Deziree na pumunta sa artwork para bumili ng bestfriend shirt namin. "eto Mikaela, maganda toh para sa atin. Ito na bilhin natin ha!" "Sige." "Bakit ba may paganyan -ganyan pa kayong nalalaman?" Iritang sabi ni Ash. "Pake mo ba, it's a girl thing. Duuuh~" Hays.Hindi na ba sila matatapos kakaaway? "Sali kami ni Ash. Bestfriend shirt naman yan di ba? Sali na kami dyan." Sabi ni Jerome. "Sige fafa Jerome, payag ako dyan~!" Masayang sabi ni Deziree at si Ash naman napasimangot na lang. Sa huli bumili kaming apat na parehas na damit! Yey~ naexcite na tuloy ako para sa field trip namin, tutal pinayagan nadin naman ako nila mama eh! Waaaaa. Hindi na ako makapaghintay. "Hala, mag-gagabi na pala. Uwi na tayo Ash baka mapagalitan ako ni tita." Natatarantang sabi ni Deziree, napatingin naman sa relo si Jerome. "Sige na mauna kayo, para matahimik na mundo namin ni Mikaela." Napatawa ako sa sinabi ni Jerome, onga para kami na lang ang magkasama :''> "Grabe ka naman pre, parang pinagtatabuyan mo na ako." "Ano ba Ash, ihatid mo na ako aba." Hindi na lang umimik si Ash pero ang ginawa niya ay hinawakan ang kamay ni Deziree at nagpaalam na sa amin. Nakita ko si Deziree na namumula, napailing na lang ako sakanila. "Hatid na din kita sainyo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Jerome. "Nako wag na nakakahiya." "Kahit sa gate lang ng subdivision niyo para hindi naman ako mag-alala." Kinilig ako sa sinabi niya, grabe ka talaga Jerome. Wag mo ako pakiligin ng ganito~ ♥ "Ha, o sige baka kasi pagtumanggi pa ako ay kukulitin mo pa ako lalo." Tumawa siya. "Buti alam mo." At ayun nagyaya na siya umuwi at katulad ng sinabi niya hinatid niya ako hanggang sa gate ng subdivision sa amin. "Salamat Jerome."  "Naks, buti naman hindi ka nauutal. Sige alis na ako!"  "Ingat!"Pagkatapos nun ay umalis na siya, ang saya ko talaga ngayon araw. Ang daming nangyaring masaya sobra, basta masaya talaga ako! Tapos dagdagan mo pa yung kilig moments namin ni Jerome, WAAAAAAA :''> "Ms, excuse me." Napatigil ako sa paglalakad ko nung may kumalabit sa akin kaya humarap ako. "Nahulog mo tong panyo mo oh." Sabay abot niya sa akin nung panyo, teka siya yung nakita ko sa school ha atsaka siya din yung.... "Ikaw yung sa park di ba? Yung nagigitara? Ano nga pangalan mo ulit, Zey ba?"  Umiling siya. "Zen at ikaw si.... Mikaela, tama ba? Yung nakaduet ko sa park." "AKO NGA!"  "Sa Stateland ka pala nag-aaral?"  "Oo at ikaw sa Perez Academy ka pala, katabi ng school." Nginitian niya lang ako. "Akalain mo yun dito pa pala tayo ulit magkikita." Tumawa ako. "Oo nga eh, small world noh? Ay sige mauna na pala ako." "Sabay na ako sayo, anong street mo ba?" "Sa Georgia st." "Parehas lang pala tayo." Napakunot noo ko sa sinabi niya. "Ha? Kung parehas tayo bakit hindi kita nakikita sa street namin." "Kakalipat lang namin kahapon kaya di mo siguro napansin." Napatango na lang ako. " Ganun ba. Osige, sakay na tayo sa trike baka mapagalitan pa ako kasi ginabi na ako." Tumawa na lang siya at agad kaming sumakay sa trike.At nung nakauwi na ako nagulat ako dahil katapat lang ng bahay namin ang bahay ni Zen. "Dyan ka talaga nakatira? Akala ko kasi walang may nagmamay-ari nyan. " Tumawa lang sa akin si Zen. "Oo, dito ako nakatira di mo lang siguro napansin na may nakatira na dito kahapon." "Grabe small world naman nito." "Sige na Mikaela, magpahinga ka na." "Sige,  salamat Zen. It's nice to see you again~" Ngumiti siya sa akin. "Same here, goodnight Mikaela." Nginitian ko siya at pumasok na ako sa loob ng bahay namin, natatawa ako ngayon. Hindi ko aakalain yung tao nakilala ko sa park ay magiging kapitbahay ko pala, grabe para tuloy kaming tinadhana pero di maari dahil tinadhana ako para kay Jerome ♥ =============== Vote.Comment.Fan (C) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD