Foolish Heart [5]
Yung feeling na sobrang excited ko sa field trip nauwi lang sa hindi ko nakatabi si Jerome, badtrip. Paano ba naman kasi sa gitna umupo si Jerome at yung dapat na katabi ko siya ay solo lang ako umupo. Katapat ko nga siya pero hindi ko naman siya katabi, kaya nakasimangot lang ako hanggang sa dumating na kami sa Batangas.
"Uy Mikaela." Tiningnan ko si Ash ng masama tas tinawanan niya ako bigla pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Mika-mika!" Masayang lapit sa akin ni Deziree kaya napakunot noo ako, ano tawag niya sa akin? Mika-mika? Ano yun parang si pikachu lang? Pika-pika, ganun. Hindi ko na lang sila pinansin at sumunod na lang ako sa pila para makinig sa sinabi ng tour guide sa amin.
"Problema ni Mikaela?" Parang ewan toh si Ash nakuha pang magbulungan nila sa likod.
"Baka meron siya kaya ganun." Sabi ni Deziree.
"Iba talaga kayong babae noh." Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanila.
"Wag niyo akong pag-usapan." Natahimik naman sila kaya sumunod ako ulit sa pila at nakita ko si Jerome kausap yung ibang babae mula sa ibang klase.Tsss, bwisit siya.Ughhh, bakit ba ako nagseselos? e hindi naman kami.
"Ice cream?" Tiningnan ko si Deziree na ngayon nakangiti sa akin at binibigay niya sa akin yung ice cream.
"Kuhain mo na dali baka malusaw." Kinuha ko yung hawak niya.
"Salamat."
"Tara."
"Saan?"
"Mauna tayo sa pila para pagkatapos nun magpapalit tayo at susuotin natin ang bestfriend shirt natin." Tiningnan ko lang si Deziree.
"Bakit hindi mo kasama mga kaibigan mo?"
"Ahh, gusto mo ba sakanila ako sumama?" Napabuntong hininga ako at kumain na lang ng ice cream.
"Wui Mika-mika, anong problema mo ba?Bakit ka nakasimangot dyan."
"Wala, masyado lang kasi ako nagexpect."Sinundan niya lang ako sa paglalakad.
"Hmm, ano nanaman kasi ba ang fantasy na bumabalot dyan sa utak mo? Hulaan ko, badtrip ka kay Fafa Jerome noh?"
"Masama bang mag-expect?" Narinig kong tumawa si Deziree, aasarin nanaman ako nito panigurado.
"Bakit ka ba nag-eexpect kayo ba ? Di ba hindi naman." Ouch, ang hard ng sinabi ni Deziree pero totoo naman bakit ba ako mag eexpect kung hindi naman kami di ba?
"Alam mo Mika-mika, imbes na mag-emote ka dyan dahil hindi natupad ang fantasy mo. Ienjoy mo itong last field trip natin, okay?" Tinitigan ko si Deziree na nakangiti ngayon kaya ngumiti na lang din ako.
"Okay." Hinawakan niya yung kamay ko at bigla kami tumakbo para makahabol sa pila. Nakinig kami sa sinabi nung tour guide, nagpicture picture kami at nagvideo-video pa kami.Masaya kasama si Deziree , nawala yung pagkadismaya ko kanina hanggang sa sinabi ng teacher na magpahinga muna kami dahil mamaya may seminar kami at bukas ang free day namin! Maliligo kami bukas sa dagat yey! Na eexcite nanaman ako.
"Mika-mika, tara palit na tayo ng bestfriend shirt natin."
"Sige! Ay teka di ba sila Ash din bumili nun, sabihan ko lang sila na suotin na natin."
"Ah sige, hintayin kita doon sa CR ha." Tumango ako at hinanap ko sila Ash, saan naman kaya pumunta yung mga yun?
"Hoy." Napatigil ako sa paghahanap ng may humarang sa akin at kaibigan sila ni Deziree.
"Ahh excuse me." Aalis sana ako kaso nakaharang pa rin sila sa dadaanan ko.
"Layuan mo si Deziree, nakakasira ka lang sa reputasyon niya sa school." Sabi ni Reah.
"Ha? Hindi naman ah. Magkaibigan kami ni Deziree." Tumawa silang dalawa sa sinabi ko.
"Kami ang kaibigan niya hindi ikaw!" Sabi ni Fia.
"Ginagamit ka niya lang para makalapit kay Jerome." Napatigil ako sa sinabi ni Reah. Ginagamit ako ni Deziree? Imposible, may gusto siya kay Ash kaya malabong mangyari yun.
"Wala kayong alam." Sabi ko na lang at umiwas na lang sakanila pero nagulata ko nung hinila ni Fia ang buhok ko.
"Hindi ka nababagay maging kaibigan ni Deziree." Sabay tulak sa akin ni Reah, napaupo ako sa sahig at napayuko. Ito nanaman ba? Hindi na ba matatapos tong pangbubully nila sa akin? Ramdam ko pinagtitinginan na ako ng iba naming klaklase at ang ibang estudyante mula sa ibang klase.
Ito nanaman ba ulit ang mararamdaman ko? Ang hindi makalaban sakanila at marinig ang tawa nilang lahat. Ano ba ang ginawa kong mali sakanila? Wala naman akong ginagawang masama sakanila pero bakit ganito nila ako tratuhin.
"Ayan ang bagay sayo ang apihin ka lagi. Kahit kailan wag kang umasa na magiging belong ka sa mga sikat na katulad namin." At iniwan na nila ako, pinunasan ko ang luha ko. Pinilit kong tumayo at pinagpag ang damit ko, huminga ako ng malalim at inilabas din ito. Sabay angat ko ng ulo at ngumiti. Sa ganitong sitwasyon dapat hindi na ako magpa apekto.
"Brave girl." Nagulat ako nung bigla ako niyakap ni Deziree at hindi ko na napigilan lumabas na talaga luha ko.
"Im sorry." Sabi ko sakanya.
"Wag kang magsorry dyan aba, ako nga dapat ang nagsosorry dahil sa ginawa nila sayo. Don't worry pagsasabihan ko sila, maling-mali ang ginawa nila para sayo." Inalis ni Deziree ang yakap niya sa akin.
"Dyan ka lang ha." Naglakad na siya palayo sa akin, siguro pupuntahan niya sila Reah at Fia.
"Mikaela!" Tiningnan ko si Jerome na hingal na hingal na papalapit sa akin tas tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Okay ka lang ba? Sinaktan ka daw nila Fia. Ano ba ang nangyari ha?" Nginitian ko si Jerome.
"Ayos lang ako Jerome , salamat sa pag-aalala." Napabuntong hininga siya pero nakatingin parin ako sakanya.
"Jerome, bakit ganito ka sa akin?" Napakunot noo naman siya tanong ko.
"Anong bakit ganito?"
"Kasi lagi ka na lang concern sa akin tapos minsan ikaw pa nagtatanggol sa akin pag may nangbubully sa akin. " Tumawa siya.
"Syempre, gagawin ko talaga yun kasi kaibigan kita Mikaela." Kaibigan, masaya ako nung marinig kong kaibigan ko si Jerome pero iba ngayon nasaktan ako. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin, ako lang talaga ang nageexpect. Tumawa na lang din ako.
"Hahaha. Salamat Jerome ha!" Inakbayan niya ako.
"Halika kain tayo doon tsaka may ipapakilala ako sayo." Nacurious naman ako sa sinabi ni Jerome kaya sumama na lang ako. Maiintindihan naman siguro ni Deziree kung bakit bigla ako nawala di ba?
"Jerome! DITOOOO!" sigaw ni Ash, napatingin ako kay Ash at napansin ko may babaeng siyang kasama. Nako , magseselos nyan si Deziree pagnakita ito. Nasaan na ba kasi yun?
"Teka nasan si Linta?" Hanap agad ni Ash kaya napangiti ako.
"Kinausap sila Reah." Sabi ko na lang at napatingin ako sa babaeng nakangiti. Grabe , naistarstruck ako sakanya. Siya yung president ng SG sa school, ganda kaya ni Suzy eseguerra! Napakasimple niya at ang talino pa.
"Mikaela, meet my girlfriend Suzy." Napanga-nga ako sa sinabi ni Jerome. Girlfriend niya si Suzy? Hindi ko alam yun, hindi ko alam na nililigawan niya si Suzy. Bakit?
"Hi Mikaela." Nagoffer ng handshake si Suzy at nakipag hand shake naman ako.
"Wrong move Jerome." Sabi ni Ash, napansin ko na nagtaka sila Suzy.
"Anong wrong move ka dyan?" Natatawang sabi ni Jerome sabay lapit kay Suzy at tumabi sa upuan. Pansin ko pang hinawakan ni Jerome ang kamay ni Suzy, kaya napatingin si Suzy sa ginawa ni Jerome pero nagkangitian silang dalawa. Napailing na lang si Ash!
"Mikaela! Nandyan ka lang ----" Alam ko nagulat din si Deziree sa nakita niya.
"Kailan pa naging kayo?" Biglang tanong agad ni Deziree.
"Kanina niya lang ako sinagot." Masayang sabi ni Jerome, napansin kong tumingin sa akin si Deziree.
"Mika-mika." Ngumiti na lang ako kay Deziree.
"Deziree, magpapalit pa tayo ng bestfriend tshirt natin di ba?Kayo Ash hindi pa ba kayo magpapalit?" Tanong ko, hinawakan ni Deziree ang kamay ko at hinawakan ko ito ng mahigpit. Kakayanin ko toh, ayaw ko umiyak sa harapan nila.
"Ay sige, gusto ko na din suotin yun. Sama ako, ikaw Jerome?" Tanong ni Ash.
"Mamaya na lang, sige na magpalit na kayo." Tiningnan ko lang silang dalawa, sila ng girlfriend niya kaya napatalikod na lang ako bigla at hinila ko na si Deziree, ramdam kong sumunod din sa amin si Ash. Inakbayan ako ni Ash.
"Umiyak ka na Mikaela, nandito lang kami ni Linta." Sabay kindat ni Ash, pinalo siya ng mahina Deziree at hindi ko na nga pinigilan umiyak sakanila pero medyo gumaan ang pakiramdam ko nung yumakap silang dalawa sa akin. Group hug, sarap pala sa pakiramdam nito.
"Sa wakas na yakap ko na din si Linta." Bigla naman ako natawa sa sinabi ni Ash.
"Tumigil ka nga dyan sa kamanyakan mo Abo."
"Ano ba kayong dalawa? Nakitang nageemote ako dito nag-aaway pa kayo sa harap ko." Tumawa silang dalawa sa sinabi ko kaya napatawa na din ako.
"Tara groufie tayo!" Biglang labas ni Deziree ng picture niya at nagpicture agad. Pinalo ko si Deziree!
"ARAY KO NAMAN MIKA-MIKA!"
"Bakit nagpicture ka kaagad? Ang pangit ko doon, umiiyak pa ako eh!" Tumawa lang si Ash sa sinabi ko.
"Ayaw mo nun?Remembrance?! HAHAHAHA." Napanguso ako sa sinabi niya.
"Kainis ka Deziree." Pero tinawanan lang nila akong dalawa.
"Dahil dyan ililibre ko kayong dalawa ng pagkain." Nagulat ako sa sinabi ni Ash? Ililibre niya kami. Wow!
"At anong okasyon bakit mo kami ililibre?" Ngumiti si Ash.
"Ipagdiwang natin ang busted day ni Mikaela!" Sabay palakpak pa ni Ash at tumawa si Deziree.
"Bet ko yan Abo!"
"Dyan kayo magaling, ang asarin ako." Tumawa lang sila ulit.
"Kaya bagay kayo e." At natahimik sila sa sinabi ko, akala nila sila lang marunong mang-asar ha! Ako din noh.
"Mika-mika, alam mong mas bagay kami ni Fafa Jerome noh." Sabi ni Deziree.
"Oo pero iba parin kayo ni Ash, di ba Ash?" Namula si Ash sa sinabi ko.
"Ha? Oo." Sabay iwas tingin ni Ash saamin.
"Sabi sayo Deziree e, mas bagay kayo ni Ash. Si Ash pa ang nagsabi." Tiningnan ako ng masama ni Deziree.
"Nako! Mika-mika, bumabawi ka saamin ha." Sabay peace sign ko sakanya at tumawa na lang ako.
"Sana pag-graduate natin ng highschool, magkakaibigan pa rin tayo ha." Sabi ni Ash.
"Syempre naman!" Masayang sabi ni Deziree.
"At sana paggraduate natin ng highschool Ash, ligawan mo na si Deziree ha." Sabay kindat ko kay Deziree.
"MIKA-MIKA!!!" Bigla akong tumakbo para hindi ako mahampas ni Deziree.
Kahit papaano nawala ang lungkot ko ng dahil kay Jerome, siguro panahon na, na hindi lang siya dapat ang isipin ko. May mga kaibigan akong concern para sa akin kaya dapat pahalagahan ko sila kaysa sa lalaking lagi akong binabalewala pero hindi ibig sabihin nun ay sumuko na ako.
Maghihintay ako kay Jerome, hihintayin kong magustuhan niya din ako.♥
====================
Vote.Comment.Fan
(C) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*