"Kamusta ang BP ni mama?" tanong ko kay Nancy ng maabutan ko itong kinukuhaan ng BP si mama. Ngumiti siya sa akin. "Normal po, ate." "Nakainom na ba siya ng gamot?" "Katatapos lang po." Tumango ako. "Aalis kami. Si Marjorie ang maiiwan na kasama mong magbabantay kay mama." Lumapit ako sa gilid ni mama. "Mama, ipapasyal kami ni Nathan. Si Nancy po muna ang bahala sa inyo. Nariyan rin si Marjorie. Sasamahan niya kayo." Tinaasan ako nito ng kilay. "S-si Jr...h-huwag kang t-tatanga-tanga...b-bantayan mong mabuti!" nauutal na singhal nito. Tipid na ngiti ang isinagot ko. Napabuntong-hininga na lang ako paglabas ko ng kwarto. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang bilin ni mama lalo na dahil hindi maganda ang pananalita niya. Pero kahit ganoon ay ramdam ko ang lubos niyang pag-aalala pa

