PROLOGO🔞
"Hmm Gav, I didn't know you are coming ohh"
Napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang mahinang ungol na gustong kumawala habang nanginginig ang mga daliri kong isa-isang inaalis ang tactical jacket na suot niya. Mabigat iyon, amoy ulan at pulbura, ngunit higit pa roon ang bigat ng presensiyang unti-unti niyang inilalapit sa akin.
" I miss you already baby"
Marahan siyang bumulong sa aking tainga. Kasabay ng bawat salitang lumalabas sa kanyang mga labi ay ang mainit niyang hiningang dumadampi sa aking balat, sapat upang mapakawala ako ng isang halos hindi marinig na ungol.
"Ahh.. U-ugh...Gavin," Hindi ko papigilang hindi mapaungol muli sa init na pinaparamdam n'ya sa akin.
Pareho na kaming wala ni katiting na saplot sa pagitan namin nang marahan niya akong ihiga sa kama. Para bang isa akong bagay na pinakaiingatan, banayad ang bawat galaw niya habang inilalapat ang isang kamay sa aking batok. Dahan-dahang umakyat ang kanyang palad sa aking leeg, wari'y inaaral ang bawat detalye ng aking anyo. Sa ilalim ng mapanuri ngunit malambing niyang titig, hindi ko namalayang bahagya kong iniunat ang aking katawan, lalo pang binigyang-diin ang hubog na matagal ko nang ipinagkaloob sakanya.
"Do you love what you are seeing?"
Mayabang na ngiti ang sumilay sa aking labi habang hinaplos ko ang kanyang panga, sinusubukan ang katahimikang matagal niyang pinanghahawakan. Ngunit sa halip na umurong, nagbago ang ekspresyon niya. Sa isang iglap, nawala ang malamig na anyong lagi niyang ipinapakita sa mundo. Hinila niya ako palapit at hinalikan niya ako, hindi ko napigilang mapasinghap sa tindi ng sandaling iyon.
"Ohhh Gav..."
He is thrusting himself in the most sexy way, making sure to feel the right spot in every turn.
Ang mahinang ungol na kumawala mula sa kanya ay tila naging musika sa aking pandinig.Para bang bawat paghinga at bawat bulong niya ay may sariling kahulugan, kaya't sinagot ko iyon ng mas mapusok na mga ungol na kaming dalawa lang ang nakakarinig.
"Ohhh baby you are so tight, fuck."
"Ahhhh Gav, f**k me harder! Ohhh!"
Daing ko habang patuloy ang bawat pagulos niya sa loob ko, ang isa niyang kamay ay minamasahe ang isa kong dibdib at ang isa niyang kamay ay nakapulupot sa kamay ko, magkadugtong ang aming mga daliri sa ibabaw ng unan sa tabi ng aking ulo.
He is looking at me intently, tila kinakabisa kung paano ako sarap na sarap sa kanya.
Sinuklian ko ang kanyang titig at sa unang pagkakataon, nakita ko ang lalaking nasa likod ng matigas niyang anyo. May mga butil ng pawis sa kanyang sentido, ngunit hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin
Tinanggap ko ang mainit niyang halik habang hinahatid niya ako sa isang mundong kami lamang ang nakakaunawa.
"Ohhh I'm c*****g baby"
Bumulong siya sa pagitan ng aming mga halik, ang boses niya'y puno ng damdaming hindi na niya kayang itago. Sa mga sandaling iyon, tuluyan nang nawala ang kakayahan kong bilangin kung ilang beses na rin ako nilabasan.
Malaki at mataba ba naman e!
Naramdaman ko ang bilis ng kanyang paggalaw at paghinga sa ibabaw ko habang sinasalubog ko ang bawat pagulos niya.
"ahhh ang sarap Gav, Ohhh! Sabay tayo. I'm c*****g too! Ooh!"
Maya maya ay pinuno nya ng katas ang p********e ko at ibinagsak ang katawan sa akin, ang ulo niya’y nakasandal sa aking balikat habang pareho naming hinahabol ang aming paghinga.
Sa gitna ng aking pagpikit bumulong siya saaking tainga,
"Ang sarap mo, Airi"
"...Airi! "
"Miss. Airi!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakasandal sa upuan ng van. Ramdam ko ang malamig na pawis sa aking noo habang pilit kong inaayos ang magulong paghinga ko.
Bigla akong nakaramdam ng init sa mukha nang mapagtanto ko ang dahilan kung bakit ako nagising nang ganoon. I just had a wet dream!
Hormones.
" Sorry po manong nakatulog po ako"
Sabi ko sa matandang driver habang marahan kong pinupunasan ang mga butil ng pawis na namuo sa aking noo.
"Malalim nga po ang tulog ninyo ma'am, nandito na po tayo sa orphanage"
Sa sinabi niya ay napatingin ako sa labas ng van. Sa pagitan ng mga puno ay unti-unti kong nakita ang lumang simbahan na nakatayo sa tabi ng bahay-ampunan, ang lugar na minsang naging tahanan ko.
Nanatili ang mga mata ko roon habang bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. Nandoon pa rin ang lumang kampanaryo, ang batong pader na tila tinablan na ng panahon, at ang mga halamang gumagapang sa gilid ng gusali. Hindi man ito kasing karangya ng mga lugar na kinasanayan ko ngayon, may kakaibang katahimikan itong taglay na matagal ko nang hinahanap.
Pagkababa ko ng van, sinalubong ako ng malamig na hangin at amoy ng basang lupa. Sa harapan ko ay nakatayo ang bahay-ampunan na minsang kumupkop sa isang batang walang ibang pag-aari kundi ang mga pangarap niya.
Ngayon, bumalik ako rito dala ang isang lihim na hindi maaaring malaman ng mundo.
---
"Ohhh! daddy more aahhhh!"
Papasok na ako sa garahe ng makarinig ako ng malaswang ungol ng babae.
"Yaya! Ano ba yang pinapanood n'yo!" Sigaw ko dahil naaalibadbaran ako sa mga naririg kong ungol ng dalawang nagtatalik sa cell phone. Agad agad niyang tinago ang cell phone sa pocket ng blusa nya.
"Sorry ma'am Zara, alam mo naman tumatanda na ako at hindi na din active si Ernesto kaya sa ganito na lang ako kumakapit hehe"
At nag-explain pa talaga sya, gosh!
"Tirik na tirik na talaga ang araw Yaya para manood ng porn!" Umirap ako at kinuha ang susi na inaabot niya.
" hehe mahilig ako sa lights on e,"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko na pinilit pang itago ang inis na unti-unting kumukulo sa loob ko. Sa halip na manatili roon at makipagtalo, tahimik akong tumalikod at nagmartsa palabas, agad kong tinungo ang sasakyan kong naghihintay.
Ang makintab na pulang katawan ng Bentley Continental GTC ang agad sumalubong sa akin sa ilalim ng sikat ng araw. Ang matingkad nitong kulay na tila apoy ay palaging nakakatawag ng pansin.
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan, agad kong pinaandar ang makina at umalis. Hindi naman ganoon kalayo ang ampunan mula sa rest house na binili ko dalawang taon na ang nakalipas.
Linggo ngayon.
Gaya ng nakasanayan ko sa loob ng maraming taon, inilalaan ko ang araw na ito para bumalik sa ampunan.
Habang papalapit ako sa lugar, unti-unti kong nakita ang pamilyar na tanawin. Mula pa lamang sa malayo ay tanaw ko na ang kupas na pader na tila naging saksi sa napakaraming taon, at kung saan minsan naming binuo ang mga pangarap na akala namin ay imposibleng mangyari.
May mga batang nasa labas, may mga tawanan na umaabot hanggang sa kalsada, at may mga maliliit na yabag na hindi ko karaniwang naririnig tuwing pagdating ko.
Bahagya akong nagtaka, marahil may ibang bisita ngayon, marahil may isang grupo na dumating upang magbigay ng donasyon o maglaan ng oras para sa mga bata.
Ipinark ko ang sasakyan sa garahe at bumaba, ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok, isang pamilyar na presensya ang humila sa atensyon ko patungo sa bakuran.
Isang babae ang nakaupo kasama ang mga bata, nakangiti siya habang nagbabasa ng libro.
"Mahaliya..."
Nang mapalingon siya at magtagpo ang aming mga mata, pareho kaming natigilan. Bago pa man namin mahanap ang tamang mga salita, nauna nang magsalita ang mga luha.
Lumapit siya sa akin, at sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, niyakap ko muli ang kaibigang minsang nangakong babalik kasama ko sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
---
“Lahat ng suportang kailangan mo, Lucas, ibinigay ko! At ngayong unti-unti mo nang nakukuha ang lahat, ito ang isusukli mo sa akin?”
Nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa lalaking ilang taon kong minahal. “Wala akong pakialam kung wala kang pangalan na maipagmamalaki. Minahal kita kahit wala kang maibigay sa akin.”
Napahawak ako sa dibdib ko habang pilit pinipigilan ang sakit na tila unti-unting dumudurog sa bawat bahagi ng pagkatao ko.
"Paano mo nagawa sa akin 'to?"
Unti-unting bumagsak ang mga luha ko.
"Ang sakit, Lucas. Napakasakit."
Hindi ko na alam kung galit pa ba ang nararamdaman ko o puro pagkawasak na lamang. Nanginginig ang buong katawan ko habang patuloy na bumababa ang mga luha sa aking mukha.
"Hindi totoo iyon, Bea."
Nanginginig ang boses niya habang nakaluhod sa harapan ko. Ang mga luha niya ay tuloy-tuloy ding bumabagsak.
"Wala akong relasyon sa kanya. I swear! Ikaw lang ang mahal ko. Please, maniwala ka sa akin."
Napatawa ako nang mapait.
"How can I believe you, Lucas?"
Itinaas ko ang hawak kong mga larawan.
"These photos are enough. Lahat ng pangyayari nagtutugma. Wala ka sa condo mo noong gabing iyon. Sinabi mong umuwi ka sa bahay ng mga magulang mo, pero ang totoo... nasa ibang babae ka."
"Totoong umuwi ako sa amin!" mabilis niyang sagot. "Hindi ako ang nasa mga larawang iyon. May nagse-set up sa akin. Please, Bea. Maniwala ka sa akin."
Lumapit siya at niyakap ang baywang ko, ngunit ang dating init ng kanyang yakap ay wala na.
Tinulak ko siya palayo.
Napayuko siya sa sahig.
"You are not in the photos..."
Huminga ako nang malalim.
"...But the DNA result says you are the father. Nabuntis mo ang babae mo noong gabing g*nag* ninyo ako!"
Nawala ang lahat ng kulay sa mukha niya dahil ibinagsak ko sa kanya ang papel na hawak ko.Umiling siya habang binabasa ang DNA result, tila umaasang magbabago ang mga salitang nakasulat sa papel.
"No..."
Mahina ang boses niya.
“No, Bea. Mahal na mahal kita. Hindi ko magagawa ’yan!”
Ngunit wala na akong natitirang lakas para makinig.
Lumabas ako ng bahay habang bumubuhos ang ulan. Hindi ko na hinintay pa ang anumang paliwanag, ang tanging gusto ko ay lumayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang ulan ay patuloy na bumabagsak habang minamaneho ko ang sasakyan nang walang malinaw na destinasyon. Ang bawat kalsadang tinatahak ko ay tila palayo nang palayo sa buhay na kilala ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan kung saan ako dinala ng mga paa ko dahil nagulat ako nito sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Ang lumang ampunan.
Linggo ng hapon nang makarating ako roon.
Pagod ang katawan ko, ngunit mas pagod ang puso ko. Ilang oras akong naglakbay na parang umaasang may isang lugar sa mundong ito na tatanggap sa akin nang hindi nagtatanong kung sino ako o kung ano ang nawala sa akin at natagpuan ko ito.
Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa lumang simbahan sa tabi ng ampunan. Ang parehong simbahan kung saan kami minsang nagtatago kapag gusto naming takasan ang mundo, ang parehong lugar kung saan tatlong batang babae ang nangakong babalik balang araw matapos makamit ang kanilang mga pangarap.
Pumasok ako at tahimik na lumuhod sa harap ng altar.
Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, wala akong hiniling na kayamanan, posisyon, o tagumpay. Wala akong hiniling na mabawi ang lahat ng nawala sa akin. Ang tanging hiniling ko ay magkaroon ako ng lakas upang harapin ang bukas.
Matagal akong nanatili roon hanggang sa tuluyang kumalma ang kaguluhan sa loob ko.
Nang lumabas ako ng simbahan, sinalubong ako ng liwanag ng hapon at ng mga tunog ng mga batang naglalaro sa bakuran. Ngunit hindi ang mga bata ang unang nakakuha ng atensyon ko. Kundi ang dalawang babaeng nakatayo sa gitna ng lugar na minsan naming tinawag na tahanan.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ko kailangan ng maraming segundo upang makilala sila.
" Yumi...Liya..." Bulong ko.
Ang dalawang taong kasama ko sa paggawa ng mga pangarap noong bata pa kami, ang dalawang babaeng akala ko ay matagal ko nang hindi makikita. Sa araw na akala ko ay tuluyan nang gumuho ang mundo ko, ibinalik ako ng tadhana sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Hindi ko alam kung bakit naroon sila.
Hindi ko alam kung anong dahilan ang nagdala sa kanila pabalik.
At higit sa lahat...
hindi ko alam na hindi lamang ako ang bumalik sa ampunang ito dala ang isang lihim na unti-unting magbabago sa aming tatlo.