CHAPTER 40 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA Kinuha ko ang aking laptop. Sinimulan ko na rin agad na pag-aralan ang plano ng pag-atake ko kay Judge. Saka ko na isipin ang tungkol kay Miss Reyes. Alam ko kung saan ito nakatira. Dalawang beses na rin akong tumambay sa kanila kaya alam ko ang pasikot-sikot sa bahay na nirerentahan niya. Naghanap ako sa internet ng impormasyon tungkol kay Judge Rex Montemayor. Barkada at kababata ni Mayor Edwin si Judge Rex. Ibig sabihin mayaman at may mga koneksiyon rin. Hinanap ko sa f*******: ang account niya, mahirap. Nakaparaming Rex Montemayor. Hanggang sa may nakita akong R3X Montemayor na account. Ginawa niyang number 3 ang E. Napangiti ako. Huli ka. Tinitigan ko account niya. Private account dahil wala akong mabasa sa wall niya ngunit kita ko ang

