CHAPTER 41 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA “Anong ginagawa mo rito? Nakalaya ka na ba o tumakas ka sa kulungan?” “Hindi na ako kailanman makakalaya, Karen. Tinulungan mo nga ang kalaban mo para idiin ako hindi ba? Umaasa ako, na manindigan ka sa tama, na magsasabi ka ng totoo pero hindi mo ginawa. Hindi ka pumanig sa katotohanan.” “Patawarin mo ako Sor Neil, tinakot nila ako. BInayaran para magtestigo. Nang alam nilang tetestigo ako laban sa kanila saka nila ako pinuntahan sa bahay at tinakot ng mga pulis namatay kamakailan lang.” “Oh, sila rin pala ang nanakot sa’yo? Nabalitaan mo na rin ang nangyari sa tatlong pulis na iyon. Sila ang mga umaresto sa akin at pinalabas na may kasalanan ako? Kilala mob a kung sino ang nagligpit sa kanila?” “Hindi. Hindi naman kasi nabanggit sa bal

