CHAPTER 42 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA “Ako po si Mary, yung kausap ninyo sa messenger po.” “Ako naman si Karen at siya ang mister ko.” Nagkamayan sila at kinawayan ako ng babae. Suot ko pa rin ang facemask ko at sombrero. Kahit medyo madilim na ay hindi ko pa rin tinanggal ang aking makapal na salamin. “Mabuti’t hindi naman kayo masyadong pinahirapang papasukin sis?” “Hindi naman po pero ganito pala rito ano? Ang higpit.” Napangiti ako. Natural na natural si Karen. Mukhang pwede ko talaga siyang pagkatiwalaan sa mga plano ko. Tahimik lang akong nagbukas sa trunk ng sasakyan. “Naku, masanay ka na sa kanila ha?” ngumiti si Mary. Tumingin sa akin. “May mga p*****

