CHAPTER 43 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA Titig na titig ako sa kanya ganoon rin sa akin. Naglakad ako palapit sa kanya na walang expression sa aking mukha. Halatang hindi na siya komportable. Napa-atras siya. Tinanggal ko ang aking salamin. Naka-mask na lang ako. Tinanggal ko na rin iyon. Gusto kong takutin siya. “Neil Villamer?” “Neil Villamer? Magkakilala kayo?” kunot ang noo ni Mary. Nakita ko sa kanyang mukha ang labis na pagtataka at kay Rex naman ang labis na takot at pagkalito. “Neil? Sinong Neil Villamer po sir?” tanong ko. Pilit kong binago ang boses ko kahit medyo hirap na hirap kong gawin iyon. Modulated lang. Sana hindi niya ako mabosesan pero malakas ang l

