CHAPTER 44 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA Tumawa ako. Malutong na tawa. Kahit pa nangingibabaw na ang takot ko sa mga inosenteng madadawit sa aking paghihiganti. “Sinisindak mo ba ako? Tinatakot Judge Rex?” “Alam mong hindi lang ako naninindak. Nakalimutan mo na ba ang lahat ng ginawa namin sa’yong pagpapakulong? Sa pagpatay sa ama mong walang nagawa kundi ang umihi sa sarili niyang salawal? Kapag mapatunayan kong labas-masok ka sa kulungan, lahat ng kasangkot dito ay mananagot sa batas! Tandaan mo ‘yan! Lahat kayo mananagot!” “Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo sir? Okey lang ba kayo. Sinong ama ko ang sinasabi ninyo e buhay pa ang Papa ko? Sinong ipinakulong ninyo? Kanina pa ako nahihiwagaan kung anong nangyayari sa inyo.” “Ang galing mo talaga. Tulad ng sinabi ko, kung

