Chapter 45 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR P. ANCHETA Umaasa na lang akog walang lalabas sa mga kasama ko sa bahay. Hindi sana lalabas si Mama sa kanyang kuwarto at bababa. Nagdadasal ako na hindi ako hahanapin ni bunso. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Palabas na si Mama sa bahay at napansin na nito ang nakabukas na gate at may mga armadong papasok. Gusto kong sigawan si Mama na pumasok sa loob ngunit tinutukan na siya ng baril. “Sino kayo! Anong kailangan ninyo!” singhal ni Mama. Bago pa man makalapit ang isa kay Mama ay mabilis ko nang inasinta sa ulo ang tumutok sa kanya ng baril. Kailangan ko nang unahan at baka balak talagang patayin sina Mama at hindi nananakot lang. Bang! Bang! Bulagta ang gago. Dahil doon ay mabilis na tumakbo si Mama sa loob. Nagulat ang apat. Alam ni

