CHAPTER 51 ISINAKDAL KO SI SIR JOEMAR ANCHETA . Dahan-dahang kong inilayo ang labi ko sa labi niya. Yumuko siya. Huminga nang malalim na para bang nahimasmasan. Kung may nagustuhan ako hanggang ngayon kay Eldrin, iyon ay ang kainosentehan ng kaniyang mukha bukod sa angkin nitong kagwapuhan. “Mahal mo pa ba ako?” tanong niya sa akin habang nakatitig siya sa aking mga mata. “Hindi nga kita masasagot?” “Bakit? Mahirap aminin bang aminin ang totoo na ako pa rin ang talagang mahal mo? Nalungkot ka lang sa kulungan. Inisip mo lang na hindi ka na makalalaya pa kaya mo minahal si Ricky, pero alam ko Neil.” Inilagay niya ang palad niya sa aking dibdib, sa tapat ng aking puso, “Ako pa rin ang itinitibok nito.” "

