Sinubukan nila akong ilibot sa buong bahay, nagbabakasakaling may bumalik sa alaala ko pero wala man lang nag-trigger sa memory ko kahit isa. Walang bakas ng alaala at wala man lang bumalik. Ni hindi sumakit ang ulo ko kanina. "Dito ka muna pansamantala. I'll ask one of my staff to get your clothes and other things you will be needing." "Hindi ko ata kakayanin tumira mag-isa dito sa malaking resort mo. Mabuti siguro kung bumalik na lang muna ako kina Nanay Dorothy. Doon makakasama ko sina Kuya Darwin at Ate Dawn. Mababantayan pa akong maigi at siguradong walang mangyayaring masama sa akin." "Sinong may sabing ikaw lang mag-isa rito?" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Kung ganon, mag iiwan ka ng bodyguard para bantayan ako? Tulad sa mga pelikula?" "Hindi. Bakit ko gagawin 'yon?" "

