Sa Hospital ako nagpahatid hindi sa bahay. Siguradong malulungkot lang ako sa bahay kasi alam kong nandoon si Kuya ngayon kasama nina Tatay. Baka magbago pa ang isip niya na manirahan ako sa tunay kong pamilya. Isa sa dahilan kung bakit nakunsinti akong bumalik sa nakaraan ay para alamin ang totoo kong pagkatao. Gustong gusto kong malaman kung sino ako. Kahit pa minsan pumapasok sa isip ko na kontento na ako sa kung anong buhay ang meron ako ngayon. Ayokong mawala sina Kuya sa akin. Napamahal na sila kaya hindi naging ganoon kadali ang desisyon ko. Marami akong nais malaman hindi lang tungkol sa pagkatao ko. Sobrang daming tanong ang gumugulo sa isip ko na maski ako ay hindi alam kung saan sisimulan ang pagsagot. Basta ang gusto ko lang ay malaman ang katotohanan. Nasa labas ng kwarto a

