Ako na naman mag-isa ang naiwan dito sa bahay. Tapos ko nang linisin ang lahat. Kaya naman prente na akong nakaupo sa kahoy naming bangko. Kaya gusto ko ring magtrabaho, para hindi ako mabaliw dito sa bahay. Ang aga-aga kong nagbihis kanina ng formal dress pero pinagpalit lang ako ni Kuya ng pambahay. Hindi tuloy ako nakasama kay Reina sa paghahanap ng trabaho. Napagalitan pa ni Kuya si Reina nang dahil sa akin. Ang lupit talaga ni Kuya. Dinaig pa niya si Tatay sa pagiging istrikto.
Pero naisip ko since tapos na ako sa lahat ng gawain ko dito sa bahay, tapos pumasok na sa trabaho sina Kuya at Tatay, si Ate Dawn naman ay pumasok na sa Brixton College, hindi naman siguro nila malalaman kung mag-a-apply ako ng work ngayon.
Mabilis lang naman siguro ang process ng Interview kung sakali. Makakauwi naman siguro ako bago pa makauwi silang lahat dito sa bahay. Ano kaya? Mag-apply na kaya ako. Mabilis lang naman e.
Alam ko kasing nahihirapan na sina Kuya at Tatay sa gastusin namin. Kahit pa sabihing scholar si Ate Dawn sa Brixton, malaki pa rin ang ginagastos nila sa pag-aaral niya. Naka-confine pa si Nanay sa Hospital. Kaya naman kailangan talaga namin ng malaking pera sa ngayon. At magtatrabaho ako para makatulong.
"Hindi.ka.magtatrabaho.”
Nawala ang ngiti ko. Mukha ni Kuya ang nakita ko dahil sa aking iniisip. Pati boses niya naririnig ko pa. In fairness, sa tingin ko ay tumatalas na ang memorya ko. Biruin niyo naalala ko pa ang pangyayaring iyon kanina. Dapat nakalimutan ko na iyon pero hindi. Minsan talaga hindi ako nakakalimot kaya dapat lang na magtrabaho na ako. Kasi kaya ko na ang sarili ko. Kasama ko naman si Sticky notes ko kaya lalong hindi ako mahihirapan pag nag work na ako.
Pumayag na kasi kayo. Pati isip ko nagmamakaawa na kina Tatay at Kuya. Basta. Bahala na. Mag-a-apply ako ngayon. Kaya ko 'to!
Paglabas ko ng bahay. Napaisip ako agad.
Saan ba ako magsisimula? Sa kanto ba? Sa malls? Saan? Dito kaya sa hiring company? Puwede daw high school graduate. Dinukot ko 'tong dyaryo kay Tatay. Hindi niya naman malalaman. O di kaya doon sa sinasabi ni Reina'ng small company?
Bahala na! Dumiretso ako ng lakad hanggang sa sakayan.
Ay teka, nakalimutan ko 'yung sticky notes sa lamesa. Naidikit ko nga pala 'yun doon kanina. Mabilis akong bumalik para kunin ang sticky note. Nakasulat dito ang dapat kong gawin habang nasa interview. Nanghingi ako ng kaunting tips kay Reina bago ako umalis. Syempre kailangang may alam ako bago magpa-interview. Hindi puwedeng magmukha akong walang alam pag nandoon na.
Hindi ko na nga pala mapupuntahan si Reina. Kasama na niya ang boyfriend niya ngayon kaya ako na lang mag-isa ang maghahanap ng work. Nakapag-apply na rin daw kasi siya, hired on the spot ang loka. Tinanong ko kung saan siya nakapasok, hindi daw doon sa small company na sinasabi niya kun'di doon siya sa Hypermarket natanggap. Balak kong doon na lang din sana kaso sabi niya wala na raw tanggapan. Posible ba 'yon? Ayaw niya lang ata akong makasama sa work. Hmp.
"Saan tayo, Miss?" tanong ng Tricycle Driver pagkasakay ko.
Hmmm. Saan nga ba? Hindi ko rin alam e. Hindi ako makapag-decide. Ang daming puwedeng applyan. As if namang matatanggap ako sa mga ito. Hmm, saan ba ako magsisimula?
"Alam niyo po kung saan 'to?" tanong ko sa kaniya. Pinakita ko 'yung dinukot kong dyaryo kay Tatay. Marami kasing mga trabahong puwede pasukan doon. Kaya naman dinukot ko muna ibabalik ko din naman mamaya pagka-uwi ko.
Sorry Tatay, sana mapatawad mo po ako mamaya. Sorry din kuya. Mahal na mahal ko kayo sana mapatawad niyo talaga ako.
"Monte Company? Malayo ito,"
"Malayo po?"
"Oo. Hindi mo ba alam kung saan 'to?"
"Hindi po e,"
"Sa kanto lang kita maibababa, sa maynila itong Monte Company. Ilang oras ang biyahe."
"Hala, matagal po ba talaga ang biyahe?"
"Oo. Pero pag naibaba na kita sa kanto, isang sakay na lang, sasakay ka ng Van o Bus papunta dito. Depende sa daloy ng kalsada kung ilang oras aabutin mo. Pagkasakay mo naman, sa Monte ka na nila ibababa. Alam ko 'to dahil dito nagtatrabaho ang misis ko. Madalas ay sinusundo ko siya."
"Talaga po? Wow naman. Maganda po pala ang work ng asawa niyo kuya."
"Oo. Nakapagtapos kasi siya. Ako saktong tambay lang. Kesa walang pagkakitaan kaya nag-tricycle driver ako, ayos lang naman sa misis ko."
"Wow. Ang bait naman po niya." hindi ko mapigilan mag-comment. Totoo, buti pa sila nagmamahalang maigi.
Huwag kang mag-alala, Jasmine. Makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin mo. Bale okay na sa akin kahit tricycle driver lang din basta kasing bait ni kuya.
"Sige, tara, ililibre na kita ng sakay papuntang kanto. Mag-iingat ka na lang kapag sumakay ka na ng bus o 'di kaya Van, ha?"
"Po? Naku nakakahiya naman po,"
"Hindi 'yan. Goodluck sa pag-apply mo." sabi ni Kuyang Driver habang binubuhay na ang Tricycle niya, mukhang hindi kasi nalalayo ang edad naming dalawa kaya Kuya Driver na lang ang itatawag ko sa kaniya.
Sinimulan na niyang paandarin ang tricycle.
Nakupo! Parang gusto ko ngang mag-apply doon sa Monte Company ang kaso ay malayo. Hindi kaya maubos ang oras ko dahil sa biyahe? Pero bahala na talaga. Inayos ko ang aking pagkakaupo at nagdasal ng maigi.
Wish me luck na lang, Tatay at Kuya, huwag niyo na po akong awayin sa isip ko. Salamat. Ang cute ko po talaga. Di ba? Sabi niyo iyon e. Love you two. Mwuah. Ingat to me.