3

414 Words
Halos malula ako sa sobrang taas ng Monte Company. Napaawang pa ang aking bibig habang nakatingin paitaas. Natulala na ata ako sa taas nito. Ilang floor kaya meron ang building na ito? 50 ba? 100 ba? Wow. Dito ba talaga ako magtatrabaho? Ay, mag-a-apply palang pala ako. Sigurado ba silang tumatanggap sila ng high school graduate? Nagdadalawang isip tuloy akong pumasok. Sa labas palang ay manghang-mangha na ako. Parang dati, sa TV lang ako nakakakita ng ganitong kalaking building. Kahit saan ako lumingon ay malulula ata ako dahil sa taas ng mga building na meron dito. Sa bagay, nasa maynila na ako ngayon kaya naman ganito ang nasa paligid ko. Naglalakihang mga building. Pakiramdam ko tuloy ay isa na akong ganap na tao dahil nakakita na ako ng ganito. Wow talaga! Para lang akong tanga. Hindi tuloy maiwasan na tingnan ako ng mga taong lumalabas at pumapasok sa Monte Company. E laking probinsiya ako, kaya naman bago sa akin ito. Masama bang ma-amaze? Nakaka-impress sa ganda ang Monte Company. Mukhang ito ang pinakamagandang building at pinakamataas sa lahat ng nandito. Pero napatingin ako sa oras ng cellphone ko. Ala una na ng hapon. Alas onse ako bumiyahe kanina palunta dito. Sobrang tagal pala talaga ng biyahe. Kaya naman kailangan ko nang magmadali para makapag-apply. Para ako ang maunang makauwi sa bahay. Wala na sigurong magagawa pa sina Tatay at Kuya kapag naipakita ko na sa kanilang for requirements na ako sa isang magandang company. Kaya naman ilalaban natin ito. Monte Company, heto na ako! "Aray," muntikan na akong madapa dahil may bumunggo sa aking lalaki. Hindi ko na ito namukhaan dahil dirediretso lang ang lakad niya papasok sa Monte Company. Ang cologne na lang na gamit niya ang naiwan niyang bakas sa akin. Mabilis akong nainis dahil sa ginawa niya sa akin. Bulag ba ang lalaking iyon? Ang laki-laki ng daan tapos nakuha pa akong bungguin? Wala ba siyang mga mata? Porket mabango kailangan nang mamunggo? Mabango rin naman ako pero hindi ako namumunggo ng tao. Badtrip naman. Ang ganda ganda ng mood ko sinisira niya. Saka ang tapang niya magpabango ha, siguro pinanliligo niya 'yon. Breath in. Breathe out. Relax, Jasmine. Relax. Baka malasin ka pa pag inisip mo 'yung lalaking 'yon. Mas maganda kung iisipin mo na lang na maha-hire ka today like Reina. Yes! Fight fight fight! Ang cute ko talaga! Sige papasok na ako sa loob ng Monte Company. Isang malakas na buga ng hangin naman dyan pampatanggal lang ng kaba. Whuu! Ayan okay na. Kaya mo 'to, Jasmine. Let's do this!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD