Loka-Loka Kaibigan
CHAPTER 1
KHIFFY’S POV
Mainit ang araw pero hindi nakakainis yung tipong sakto lang para maramdaman mong buhay ka habang hinahaplos ng malamig na hangin ang balat mo. Ang puting buhangin ng Boracay ay kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw, habang ang alon ay dahan-dahang sumasayaw sa pampang. Tahimik sana ang moment ko… kung hindi lang dahil sa katabi kong wala nang ginawa kundi magpaka-pabebe.
“Hello! Hi! Hey you! Yes you! Come here, I am friendly!” malakas na sigaw ni Chel habang panay kaway sa mga foreigners na dumadaan.
Napapikit na lang ako at napailing. “Chel… behave ka nga. Hindi tayo nagpunta dito para mangharot.”
“Excuse me? I am not mangharot, I am networking,” sagot niya sabay hair flip na parang nasa shampoo commercial.
“Networking? Sa beach?” taas kilay kong tanong.
“Yes! International connection ito, Beastie. Globalization. Import-export… ng jowa,” bulong niya sabay kindat.
Napahinga ako nang malalim. Diyos ko. Bakit ba ito ang best friend ko? Habang busy siya sa kakaway, ako naman tahimik lang na nakaupo sa beach chair, ini-enjoy ang view. Hindi ko talaga trip makipag-usap sa strangers, lalo na sa foreigners. Ewan ko ba, parang ang awkward.
Pero si Chel? Diyos ko, ibang level. Biglang may lumapit sa amin na foreigner matangkad, maputi, at mukhang mabango. Halatang turista.
“Hello,” bati nito.
“HELLO DIN!” sigaw ni Chel na parang nanalo sa raffle.
Napatingin ako sa kanya. “Chel, hinaan mo boses mo. Hindi ka nasa palengke.”
Ngumiti naman yung lalaki, medyo nagulat pero amused. “You guys from here?”
“Yes, we are from Philippines but also from heartbroken,” sagot ni Chel.
Napakunot noo ako. “Ha?”
“Charot only. We are local but international beauty,” dagdag pa niya hindi ko na napigilan, napaubo ako para lang maitago yung tawa ko.
“By the way, this is my best friend,” sabay turo niya sa akin. “She is Khiffy Kateleen Duarte, 26 years old, half Brazilian, half Filipina. Single, ready to mingle.”
“Ay!” napatingin ako sa kanya. “Excuse me?!”
Ngumisi siya. “Ay sorry, correction single but choosy. Pero pwede ka pa rin mag-apply.”
Napapikit na lang ako. “Yeah, I’m single… but not ready to mingle. I’m sorry.”
“See?” bulong ni Chel sa foreigner. “She is hard to get. But me? I am easy to love.”
“Chel!” saway ko, pero nangingiti na ako.
“Hay naku, Beastie,” bulong niya sa akin habang kausap pa rin yung foreigner. “NBSB ka hanggang ngayon. Ayaw mo pa rin humanap ng afam. Alam mo ba, sagot ‘yan sa kahirapan natin.”
Napailing ako. “Chel, hindi lahat nadadaan sa afam.”
“Pero malaking bayugo nila, hmmmmm…” bulong niya habang nakangisi.
Napahawak ako sa noo ko. “Chel, please! Public place!”
“Charizzzz!” sabay tawa niya nang malakas.
Yung foreigner, halatang nalilito na pero natatawa rin. “You guys are… very funny.”
“Of course! We are comedy duo. We are like… Tom and Jerry but both Jerry,” sagot ni Chel.
Hindi ko na napigilan, napatawa na talaga ako. Habang tumatagal, mas lalong lumalala ang kalokohan ni Chel. Kung anu-anong English ang sinasabi niya mali-mali, pero confident.
“So what is your name?” tanong niya sa foreigner.
“Mark.”
“Ah, Mark… like mark of the devil? Joke only! You are angel, I can feel it in my bones… and also in my heartburn.”
“Heartburn?!” bulong ko, sabay pigil ng tawa.
“Yes, kasi spicy ka,” dagdag niya.
Napakagat labi ako hindi ko na talaga kaya.
“Do you want to drink?” tanong ni Mark.
“Yes! I drink everything water, juice, milk tea, heartbreak,” sagot ni Chel.
“Chel, tama na!” sabi ko pero nanginginig na ako sa kakapigil ng tawa. Bigla naman akong hinila ni Chel palayo ng kaunti.
“Beastie, seryoso. Sayang ‘yan. Gwapo, mabango, mukhang may pera.”
“Chel, hindi ako interesado.”
“Bakit ba? Hindi ka pa ba pagod maging single?”
“Hindi.”
“Hindi ka ba curious?”
“Hindi.”
“Hindi ka ba… nangangati?” bulong niya.
“CHEL!”
“Charot lang!” sabay tawa niya ulit bumalik kami kay Mark, pero halatang aliw na aliw siya sa amin.
“You girls are crazy,” sabi niya.
“Only on weekdays. Weekend, we are professional,” sagot ni Chel.
“Professional what?” tanong ni Mark.
“Professional… single,” sagot niya sabay taas ng kilay.
Hindi ko na napigilan tumawa na ako nang tuluyan. Habang lumilipas ang oras, naging masaya na rin ako. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakangiti. Siguro dahil kay Chel… kahit nakakahiya siya minsan, hindi ka naman talaga maboboring kapag kasama mo siya. At kahit ayoko aminin… may part sa akin na natutuwa. Siguro hindi naman masamang mag-enjoy paminsan-minsan.
“Beastie,” tawag ni Chel habang nakatingin sa dagat. “Promise, before matapos vacation natin, magkaka-love life ka.”
Napatingin ako sa kanya. “Impossible.”
“Walang impossible sa isang baklang may pangarap.”
Napatawa ako. “Ikaw talaga.”
Ngumiti siya. “Trust me.”
Napatingin ako sa malawak na dagat, habang unti-unting lumulubog ang araw. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Pero isang bagay ang sigurado. Hindi magiging boring ang vacation na ‘to. Lalo na’t kasama ko si Chel. At doon pa lang alam kong may paparating na gulo. At sigurado akong… damay na naman ako.