5 MONTHS LATER: KINAKABAHAN akong sinusundan ang motor ni Dakz ngayon. Hindi ko alam kung saan na naman s'ya pupunta. Tapos na ang operation nila sa club na kanilang sinu- surveillance. Kaya naman nagtataka pa din ako kung bakit palaging may tumatawag sa kan'ya. Paulit-ulit ko naman s'yang tinatanong kung sino ba ang kanyang kausap, hanggang sa nagtatalo kami,pero sa huli humihingi agad ito ng sorry. Dahil nga bawal pa din akong ma-stress kahipa nga med'yo hindi na ako ngayon nahihilong madalas. Kahit may takot sa aking malalaman ay kailangan ko itong alamin. Ang paalam n'ya sa akin kanina ay kakausapin n'ya si Syd para sa panibagong isusurveilance nila na isang resort naman kung saan daw ay dito madalas magkaroon ng shipments ng mga illegal na baril na ibinebenta naman sa mga rebel

