Nang matapos ang aking ultrasound ay inalalayan naman ako ni Dakz. Muli akong kinarga nito. "Dok,okay na ba?" Tanong pa ni Dakz kay doktora. "Yes, okay na at healthy naman silang dalawa. Sad'yang katulad ng aking sinabi kanina ay hindi s'ya maaring ma-stress." "Sa'yo ako ma-stress ngayon Dok!" Bulong ko pa at natawa naman itong asawa ko na karga ako ngayon. Tila narinig pa nito ang aking sinasabi kay doktora na alam ko naman na pasimpleng nagpapa-cute pa sa kan'ya. "Hindi ako nakikipagbiruan Mr. Ramirez! Kaya naman h'wag mo lamang tawanan ang aking mga sinasabi d'yan!" Tila nainis naman si Dok, dahil sa biglang pagtawa ni Dakz. "Hindi naman ikaw ang aking tinatawanan doktora." Sabi pa ni Dakz at parang ako naman ngayon ang gustong matawa,dahil sa kan'yang sinabi. "Kailangan mong al

