Si Daddy Gavin ang nagbukas ng pinto sa kumatok at tama nga ang aking hinala na si Dakz nga ito. "MARA!" Tawag nito sa akin at tumingin sa mga mata ko. "Ikaw na bata ka! Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang nalagay na sa bingit ng kamatayan ang mag-ina mo?" Bigla naman na hinampas s'ya ni mommy Jane ng hawak nitong pamaypay. Sa totoo lang ay mahilig talaga ang aking byenan sa pamaypay. "Aray! Ko naman Mom!" Umiilag na sabi pa ni Dakz. "Masasaktan ka talaga sa akin! Paano mong naatim na iwan mag-isa itong asawa mo sa condo n'yo? Alam mo na buntis s'ya?" Sunod-sunod na tanong pa ni mommy Jane sa kan'yang anak. Habang si mommy ay hinahayaan lamang ang mag-ina. "Mom,tama na please! Paano ko na makakausap ang aking asawa kung panay naman ang sermon mo sa akin." Pag-angal pa ni Dakz. "Love

