"Si Yaya naman, hindi ko po sya manliligaw. Kaibigan ko po s'ya at kasamahan po s'ya sa trabaho ni Dakz. Sagot ni Xia sa kan'yang Yaya na ngumiti lamang ng mapanukso. "Kaibigan nga ba? O ka-i -bi -gan?" "Yaya naman eh! Ini-issue mo kami ni Syd." Kunwaring nagtatampo na sabi pa ni Xia. "Ikaw naman,gusto ko lang naman malaman kung nanliligaw ba sa'yo ang binatang iyon,kaya lang ay defensive ka na agad d'yan." Sabi pang muli ng Yaya nito. "At uulitin ko po, hindi ko s'ya manliligaw Ya." "Okay sabi mo eh! Pero kung sakali na manligaw ba s'ya sa'yo ay papayagan mo s'ya?" "Ya naman eh, tutulog na nga po ako." Imbes na sagutin ni Xia ang tanong ng Yaya n'ya ay humalik na lamang ito sa pisngi nito at naglakad na paakyat sa hagdan. "Xia, nagtatanong pa si Yaya, sagutin mo muna ako." Sa

