Nang makarating si Dakz sa condo ng kan'yang girlfriend ay agad na s'yang umakyat. Hindi n'ya na din napansin ang lalaking kalalabas lang dahil sa kan'yang pagmamadali. "Ito na ang para sa'yo Boss." Sabi pa ng lalaki sa guard bago ito tuluyan na umalis. Kasabwat nila ni Ava ang mismong security guard at binibigyan syemp're ito nila ito ng bayad para manatiling tikom ang bibig nito. "Salamat Boss," nakangiti pa na sabi ng security guard. "Alam mo na ang sasabihin sa boyfriend ng ma'am Ava mo kapag nagtanong pa s'ya." Bilin pa nito bago tuluyan na umalis. Nang bumukas ang elevator ay agad ng lumabas si Dakz at dumiretso na ito sa mismong pinto ng condo ng kan'yang girlfriend. Naging maingat s'ya sa kan'yang galaw at iniisip n'ya ang kaligtasan ng kan'yang girlfriend na baka mamaya ay

