Habang patuloy kami sa pagkain ay bigla na lamang na may kumatok na hindi ko alam kung sino. Wala naman akong ini-expect na bisita ngayon. "May bisita ka ba?" Tanong pa sa akin ni Dakz na ang cute cute talaga nito sa kan'yang suot ngayon na mickey mouse design ng aking terno na pajama at t-shirt na pinipigilan ko pa din na matawa ulit para naman hindi na ito mainis pa sa akin. "Wala naman,pero baka sila mommy at mommy Jane na naman na palagi na lamang gustong pumunta dito. "Sagot ko sa kan'ya. "Ano ba ang ginawa nila Mom,.dito kahapon?" Tanong pa nito sa akin. Dinala nga nila ang honeymoon packages natin." Sagot ko sa kan'ya. "Hindi na nila ako hinanap!?" Tanong n'ya pa sa akin. "Syemp're hinanap! Pero gumawa na lamang ako ng alibi para hindi nila malaman na basta mo na lamang akong

