"Dito ka muna at h'wag ng makulit,dahil baka mamaya ay lumala pa ang nararamdaman mo." Puno ng lambing na sabi pa ni Dakz sa akin. Inilapag ako nito sa kama Kaya naman pala n'yang maging malumanay kapag kausap ako, kailangan lang ata ay mag-inarte ako. "P'wede ko bang makita!?" Tanong n'ya pa sa akin na hindi ko na naman alam kung ano ba ang sinasabi nito. "Alin ba ang gusto mong makita?" Tanong ko pa sa kan'ya. Kung bakit naman kasi kapag nagtatanong ito ay hindi n'ya sinasabi ang karugtong. "P'wede ko bang makita!" Pahina ng pahina ang sinasabi nito kaya hindi ko na naman maintindihan ang sinasabi n'ya. "P'wede bang lakasan mo!" Sabi ko pa. "P'wede ko bang makita yang sumasakit sa'yo!?" Sigaw nito na tila nainis na sa ka-slowan ng asawa n'ya na hindi ko agad na-get ang kan'yang

