Kinabuksan ay nagising ako sa tunog ng aking cellphone kinapa ko agad ito sa aking bedside. Tiningnan ko kung sino ba ang tumatawag at nanlaki ang mata ko ng aking mabasa ang caller. Si Myles pala at mukhang nakauwi na ang bestfriend ko sa kanila. Pinindot ko ang answer button at agad na sinagot ang kan'yang tawag. "Xiiiiiii!" Naalis ko agad sa aking tenga ang cellphone dahil sa pagsigaw nito. "Aray ko naman!" Nasabi ko pa at tumawa lamang ito mua sa kabilang linya,hanggang ngayon talaga ay napaka-ingay ng bestfriend ko na ito. "Sorry naman, excited lang kasi akong malaman kung susunduin ba kita o ikaw na ang bahalang pumunta dito sa bahay?" Tanong n'ya sa akin. "Ako na lang ang pupunta d'yan." Sagot ko sa kan'ya. "Sigurado ka ba na kaya mong makapunta dito o baka naman mapa-away

