Nang makababa sa sala ay nakita na agad ni Xia si DAKZ na mataman naman na naghihintay sa kan'ya sa sala. "DAKZ!" Tawag n'ya pa sa binata. Lumingon naman ito sa kan'ya at natawa na lamang s'ya sa reaksyon nito sa kan'ya. Nakasuot kasi s'ya ngayon ng tinatawag ng karamihan na pekpek shorts sa sobrang ikli talaga na pinartneran n'ya ng isang sando at pinatungan n'ya lamang ng isang manipis na jacket. "DAKZ!" Tawag n'ya pang muli dito. "Yes!" "Aalis na ba tayo?" Tanong n'ya pa kunwari dito,pero sa totoo lang ay gusto n'ya ang reaction na nakikita sa mukha nito ng binata Ng makita s'ya nito ngayon. "O-oo alis na tayo,dahil naghihintay na sa atin si Mom sa bahay." Sagot ni Dakz sa kan'ya. Naglakad na ito palabas at nakasunod naman si Xia sa kan'ya. "Bakit naman gan'yan ang suot mo Mar

