Natigil lamang s'ya sa paglalakad ng may bigla na lamang lumapit sa kan'yang lalaki. "Hi Miss, p'wede ba kitang picturan?" Tanong pa nito na hindi mawala ang ngiti habang nakatingin kay Xia. "Sure!" Sagot naman ni Xia dito. Akmang kukunan na s'ya ng picture nito ng bigla na lamang ay humarang si DAKZ sa kan'yang harapan. Kaya naman likod nito ang nakunan ng litrato. "Boss, p'wede bang umalis ka d'yan!" Pakiusap pa ng lalaki na kumausap kay Xia. "Hindi n'yo s'ya p'wedeng kunan ng picture." Sagot nito kaya naman lumapit na ang lalaki sa kan'ya na para bang naiinis na ito sa inaasahan ni DAKZEIN na maging si Xia ay hindi maintindihan kung bakit ayaw nito na kunan s'ya ng picture. "Bakit naman hindi p'wede? Ano ka ba n'ya? Pumayag na nga si Miss Ganda." Sunod-sunod na tanong ng lalaki

