DAKZEIN POV: HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NANDITO PA ANG BABAENG ITO NGAYON. Kung tutuusin ay hindi naman namin s'ya kailangan ni Kiffy dito. "Meryenda na muna kayo." Nakangiti pa na sabi nito at inilapag sa aming harapan ang kan'yang dala na pagkain na dapat ay ang Yaya ni Kiffy ang magdadala dito sa kwarto. Ang akala ko dahil sa nangyari sa kan'ya kanina ay baka umalis na ito,pero hindi dahil heto pa rin ito hanggang ngayon at ang nakakainis pa ay feeling nito ay asawa ko na never naman na mangyayari. "Mommy ang akala ko.po ay uuwi ka na agad?" Tanong pa ng aking anak sa kan'yang mommy na tila ba mas gusto pa ata nito na wala din dito ang mommy n'ya. "Gusto ko muna masiguro na nakakain ka muna bago ako umalis,para naman hindi kita iniisip mamaya." Sagot ni v Ava sa anak namin na parang

