Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya naman umalis muna ako sa aking p'westo. Naririnig ko pang nagsasalita ang Daddy ni Mara ay hindi ko na talaga matagalan,tila ba ang aking pantog ay sasabog na. Dahil kabisado ko naman ang pasikot-sikot dito ay dumiretso na ako sa likuran na bahagi ng bahay. Nang matapos ako at akong bumalik sa akin p'westo kanina. Malayo pa lamang ay natanaw ko na si Mara na yakap-yakap ngayon ni Mommy. Alam kong miss na miss na nila ito,haloe isumpa ako ni mommy dahil sa ginawa ko noon kay Mara. Ilang buwan din akong hindi makauwi sa bahay ng mga magulang ko,dahil nga sa tuwing umuuwi ako ay nakahanda na ang mga gamit na ibabato sa akin ni mommy. Ganoon s'ya kagalit sa akin. Kung hindi pa dumating sa buhay namin si Kiffy,baka hanggang ngayon ay galit pa din s

