Napaluhod na lamang ako ng bigla na lamang akong sinipa ni Mara sa gitnang bahagi ko at sapol ang alaga ko na tila ba galit na galit s'ya sa akin. Nagtatakbo na ito at iika-ika naman akong sinundan ito. Pero paglabas ko ng hospital ay nakasakay na ito sa isang taxi.. "MARAAAAAA!' Sigaw ko pa,pero tuluyan ng humarurot ang taxi. Lulugo-lugo akong pumasok sa loob ng hospital ulit,dahil hindi ko naman maaring iwan lamang dito ang mga magulang ko,ni hindi ko pa nga nahahawakan ang aking pamangkin. At sila mommy ay hindi din alam na umalis si Mara. Ni hindi na nga ito nakapag-paalam. Tila alam ko na din kung bakit ba s'ya umalis, dahil sa naalala n'ya ata ang anak namin na namatay. Bakit hindi ko man lang naisip kanina na maaring masaktan na naman s'ya. Ang akala ko kasi ay okay na talaga s'y

