"Hindi ko alam na magagawa mo ito DAKZEIN! Sa anak ko pa talaga!" Sabi pa ni Dad na alam kong galit talaga ito sa amin. "Ninong, hindi ko po talaga alam ang nangyari sa amin kagabi. Wala akong maalala na kahit anong nangyari. Lasing na lasing ako at hindi naman si Mara ang kasama ko kagabi ku'ndi ang isang stripper ng club na pinuntahan ko kagabi." Paliwanag pa ni Dakz kay daddy. "Wala akong pakialam kung wala kang maalala Dakzein, ang gusto ko lamang ay panagutan mo ang anak ko!" Wika pa ni sa mataas na tono ng boses nito na puno ng otoridad. Kahit ako man ngayon ay nakakaramdam na din ng takot na hindi ko lamang pinapahalata,dahil ito naman talaga ang gusto ko. "Kakausapin ko ang mga magulang mo at hihintayin natin sila dito ngayon. Hindi ako aalis hangga't wala akong nakukuhang maga

