Habang dinadampian ko ng aking labi ang kan'yang labi ay bigla akong nakarinig tunog ng cellphone. "Istorbo!" Nasabi ko pa at agad na hinanap kung saan nang-gagaling ang tunog. Nasa loob pala ito ng pantalon na suot ni Dakz. Dahan-dahan n'ya itong kinuha. Nang tingnan n'ya kung sino ba ang tumatawag ay nabasa n'ya agad ang pangalan ni Ava sa screen. Dito ko na-realized na hindi pala ganoon ka-sweet si Dakz sa girlfriend n'ya dahil tanging pangalan lamang nito ang nasa screen. Pinatay n'ya ang kan'yang cellphone at inilagay ito sa bedside table ko. "H'wag ka munang umepal Ava,dahil ngayon gabi kami ni Dakz ang importante." Nasabi ko pa, hindi ko maaring palagpasin ang gabi na ito. Ang gabi na magiging katuparan ng pinapangarap ko na maging isang Mrs. DAKZEIN RAMIREZ. Muli akong bumal

