Matapos kong kausapin ang doktor ay agad ng inilipat ang baby sa private hospital na aking kinausap para maayos na lumaki ang bata. Marami akong binayaran,para lamang magawa ko ang lahat ng ito. Pinagmamasdan ko ito mula dito sa labas ng salamin na bintana. Isa itong baby girl at napakaganda nito kahit hindi pa masyadong nadevelop ang kan'yang balat. Parang transparent ang balat nito na nakikita talaga ang buto. Ganito pala ang hitsura ng isang na baby na kulang sa buwan. Para lamang itong bote ng pepsi. Nakaka-awa ito sa kan'yang hitsura. Pero mabubuhay naman daw ito. dahil malakas naman ito, sad'yang maliit lamang,dahil nga kulang sa buwan. "Ano ng balak mo sa baby na yan!?" Tanong pa sa akin ni Carrie na nakatingin din ngayon sa bata. "S'ya ang ipapakilala ko kay Dakz," sagot ko sa

