XIAMARA'S POV: "MOMMY, p'wede po ba tayong magpunta sa mall?! Gusto ko po maglaro sa arcade." Malambing na sabi sa akin ng anak ko. "Okay sige, mag-bihis ka na at aalis tayo." Utos ko sa kan'ya. Nagmamadali naman ito at alam ko naman na marunong na ito. Napaliguan ko na din naman s'ya. Kanina ko pa kinokontak ang daddy n'ya,pero hindi ko ito makontak, inisip ko na lamang na baka busy ito sa kan'yang trabaho, natapos na lamang ang birthday ni Mom,pero hindi s'ya nakahabol. Sa susunod na araw ay ang 40th wedding anniversary naman nila daddy at mommy at nagplano na lamang sila mommy na mag-out of town kami. "Mom,I'm done." napatingin ako sa aking anak ng nagsalita itong muli. Ready na din naman ako at lumabas na kami ng kwarto. Wala sila Mom, dahil may importante silang kailangan na asi

