AVA'S POV: "MOMMY nasasaktan po ako" Umiiyak na sabi ni Kiffy sa akin. "Masasaktan ka talaga! Kaya manahimik ka, !" Sigaw ko sa kan'ya pagdating namin sa parking ay agad ko itong ibinalya sa upuan. "Mommy!" Sambit pa nito na natatakot na naman sa akin. Dapat lang na matakot s'ya,dahil ang sabi ko sa kan'ya kanina ay h'wag lalayo, dahil nagpapa-facial pa ako. Pero ang b'wisit na batang ito ay kung saan saan na pala pumunta at ang nakaka-b'wisit pa sa dami ng makikita kong kasama n'ya ay si Mara pa talaga. "Manahimik ka d'yan? Tigilan mo ako ng ka-artehan mo sa akin!? Tatamaan ka talaga ngayon!?" Nanggagalaiti na sabi ko pa dito. Sa totoo lang ay parang balewala lamang ang ginawa ko noon na pagkuha sa kan'ya,dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakukuha ang daddy n'ya. Ang laki ng

