CHAPTER THIRTEEN

2998 Words
Chapter 13: Sapi  Kinabukasan pagkapasok ko palang sa University ay sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Sobrang aga kong pumasok at wala pang mga estudyante. Hindi naman ito ganito noon. Sa katunayan ay madami ng estudyante sa ganitong oras. Minabuti kong magtungo muna sa cafeteria para doon na muna magtambay at magpalipas ng oras. Kagaya ko ay mayroon ring umagang-umaga na pumasok. Ilan sa kanila ay nag-aaral, mukhang may exam o di kaya quiz. Tahimik kong hinila ang upuan at umupo roon. Napatingin ako sa counter kung may pagkain ba ngunit wala pa. Abalang-abala pa ang mga staff sa pagluluto. Ang ginawan ko ay kinuha ko ang aking cellphone sa bag at binuksan ang dara. Manonood nalang muna ako ng youtube baka may updata ang mga sinubaybayan kong youtubers. Abala ko sa panonood ng videos nang may lumapit sa aking estudyante. Mula ulo haggang paa ay tiningnan ko siya. Napakunot ang noo ko dahil ito iyong freshman na nakatitig sa akin kahapon. “May kailangan ka?” Mabait kong tanong sa kanya. “Wala naman kasi may napansin akong mga professor na panay ang titig saiyo kapag nakatalikod ka.” Aniya. Kaagad akong nagulat sa kanyang sinabi. "Mga professor?" Ano ang ibig nitong sabihin? Ang alam ko lang ay si Professor Sotto ang tumitingin sa akin ng ganoon. “Sino naman?” Hindi ko pinahalata sa kanya na may kung anong kabang bumangon sa aking sistema. Kung ganon ay marami sila. Ngunit bakit? “Hindi ko sila kilala. Nakakasiguro akong ilan sa kanila ay professor mo.” "Ha?" Nanlaki ang mga mata ko. “Sandali lang...bakit mo ito sinasabi sa akin?” “Dahil...” Napahinto siya at tumakbo! “s**t!” Napatakbo ako at hinabol ko siya. Ang bilis niyang tumakbo. Pagdating niya sa may balite malapit sa Department of Economics ay napahinto ako sa aking nasaksihan. Bigla nalang itong naglaho. Nanlaki ang mga mata ko tumakbo pabalik! Hindi tao ang estudyante na 'yon! Bakit nagpapakita ang mga iyon sa akin? Ano ang gusto nilang ipahiwatig sa akin? Ayoko mang isipin ngunit may kaba ako na mayroong kinalaman ang mga multo sa pagkawala ng mga estudyate. Sandali? Isa kaya 'yon sa mga nawawalang estudyante? “Gab!” Napalingon ako sa babaeng tumawag sa aking pangalan. Ang kanina’y kaba na aking naramdaman ay biglang nalang napalitan ng kung anong saya! Ngunit hindi parin iyon dahilan upang mapanatag ako. Kumaway ako kay Angel habang palapit siya sa akin. Sobrang ganda talaga niya. Lahat na yata sa kanya ay napaka-perpekto. Wala kong makitang mali sa kanyang mukha at katawan. Maliban nalang ang ina na mayroon siya. “Saan ka galing? Pinapawisan ka, ha.” Aniya. May kinuha itong panyo sa kanyang bulsa at kaagad na pinunasan ang aking mga pawis. Nagtama ang aming mga mata. Kaagad kong nabasa kung gaano siya kalungkot. May problema na naman si Angel sa kanilang bahay. At alam ko kung ano ang dahilan. “May problema ka ba?” Marahan kong tanong sa kanya. “Wa-wala.” Tinapos niya ang pagpupunas at ibinalik ang panyo sa kanyang bulsa, “ang aga mo naman.” Pag-iiba ni Angel ng usapan. “Alam mo Angel, puwede mo namang sabihin sa akin. I’m willing to listen.” Ngumiti ako sa kanya na siya namang ikinalungkot ng kanyang mukha. Kaagad ko siyang hinila at niyakap. From her expression I know she’s not feeling good ngayon. Mukhang may malaki pa siyang problema. Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan ng napahagulhol ng iyak sa aking dibdib. “The reason why malapad ang chest namin its because sa kagaya mo, kailangan mo ng may maiiyakan and puwede mong iyakan ang dibdib ko kahit kailan mo gusto.” Napayakap na rin ako sa kanya at hinalikan ang kanyang buhok. “Maraming salamat, Gab.[K2]  Ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking kagaya mo.” Mas lalo pa niya akong niyakap na ikinatuwa ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.   Habang yakap-yakap ko siya ay bigla kung naalala ang sinabi nina Mama at Papa. Gusto nilang makilala si Angel. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin! “Para saan iyon?” Kumiwala siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang kanyang luha gamit ang panyo. “Wala, may naalala lang ako.” Napansin niya pala ang aking buntong hininga. “Ahh.” Tumango-tango siya, “teka, wala na bang multo na nagpaparamdam sa'yo?” “Ha? I mean wala na.” Napansin ko lang. Ang babae sa aking panaginip ay hindi na niya ako pinunpuntahan pa. “Mabuti naman kung ganoon. Paano pasok na ako.” Tinapik niya ang aking braso at nagmamadali siyang umalis. "Angel!" Mabilis kong tawag sa kanyang pangalan. Napahinto siya at pilit na ngumiti. Tumakbo ako palapit sa dalaga at humugot muna ako ng malalim na hininga. "Ano 'yon?" Tanong niya sa akin. "May litrato ka ba ng mga nawawalang estudyante?" Kinakabahan kong tanong. "Sandali, titingnan ko muna sa aking cellphone." Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng uniform at binuksan iyon ng dalaga. "Ang alam ko ay may nai-save akong photo nila, eh." Habang hinahanap ni Angel ang mga litrato ay patingin-tingin ako sa apligid baka makita ko ulit ang estudyanteng multo o hindi kaya ang sinasabi nitong mge professor. Wala naman akong kasalanan o nagawang mali, baka binibiro lang ako ng multo na 'yon! "Ito sila" Ibinigay niya sa akin ang kanyang cellphone at mabilis ko naman 'yon tinanggap. "Iyang panghuli ay si Calvez. I'm sure familiar ka naman sa kanya dahil kaklase natin siya." Pamilyar na pamilyar nga sa akin si Calvez. Tinitigan ko ng maigi ang dalawang naunang nawala ngunit hindi ito ang estudyanteng multo na nagpakita sa akin kanina. Kung ganon, sino ang estudyanteng 'yon? "Sobrang kawawa nila noh? Sana ay ligtasn silang tatlo ngayon." "Hindi ka ba naniniwala na maaaring patay na sila?" Tanong ko sa kanya, "here." Ibinalik ko ang cellphone sa kanya. "May parte sa sarili ko na naniniwalang patay na sila ngunit nandoon parin ang inaasam nating lahat na sanay buhay pa sila hanggang ngayon. Kawawa naman sila at lalo na ang kanilang mga pamilya." "Sana nga ay buhay pa sila magpahanggang ngayon. Ang weird lang dahil until now wala paring balita sa tungkol sa kanila at laong-lalo na kay Calvez." "Iyon nga ang ipinagtataka ko, Gab. Until now wala pang balita kay Calvez at mukhang wala na ring naghahanap sa kanya ng mga otoridad." "Totoo, napansin ko nga 'yon. Pero hayaan na natin baka hindi pina-public ng pamilya ni Calvez ang mga information." Possible then iyon para hindi masabotahe kung mayroong binabalak ang mga ito na imbistigasyon. "Parang ganon na nga," aniya at tingnan ang cellphone, "ang bilis ng oras, paano, alis na ako, ha. See you around." Ngumiti ako sa dalaga, "sige, mag-iingat ka, see you around," wika ko sa kanya.  Hinatid lang ng aking mga mata ang papalayo na si Angel. She’s weird! Ang bilis niyang huminto sa pag-iyak. At pagkatapos ay parang wala na sa kanya? Napailing akong pumasok na. Dumating na rin si Tyler at sobrang ingay ng gago. Hindi ko nalang siya pinansin at nag-focus nalang sa maaari naming gagawin ngayon. “Gab, sama ka.” Aniya. Ang laki ng kanyang ngiti. “Saan?” Kung inuman na naman ay sigurado akong tatanggihan ko siya. Hindi niya ako mapapasama. Kung sa donut na nga ay halos hindi ako pinapakain ng marami nina Papa. Alak pa kaya? “Inuman.” Bumungingis siya ng tawa. "Pero alam ko na ang isasagot mo." Pabiro siyang sumimangot sa akin. Inirapan ko si Tyler. Kahit kailan talaga ay wala itong pakialam sa katawan. “Busy ako at isa pa bakit weekdays pa? Iba rin ang trip mo.” Wala yata itong nakainuman during weekend kaya ngayon, lunes na lunes at nagyaya. Honestly wala pa naman akong gagawin. Nong sabado ay isinama ako ni Papa at Mama para tingnan ang lagay ng mga alagang hayop at linggo na kaming bumalik sa amin. Medyo nakakapagod rin at napaka-challenging dahil lahat ng mga theory na natutunan ko ay naa-apply ko sa munting business nina Papa! “So ayaw mo?” Taong niya sa akin.  “Kung inuman lang pass ako. Ayokong mapatay ng Papa ko.” Ani ko sa kanya. At kahit na papayag si Papa ay hindi rin ako sasama. Hindi ako umiinom ng alak. “Alam mo, ang bait ng mga magulang mo. Gusto ko silang makilala someday. Look, matagal na tayong magkaibigan and ever since hindi pa natin kilala ang isa’t-isa ng lubusan.” First time yata niyang magseryoso. “Yeah.” Ani ko nalang. “Puwede ka namang bumisita sa amin kahit kailan mo gusto.” Wala namang problema kung may pupunta sa bahay basta alam lang nina Mama! “Susubukan ko nalang kapag may free time ako.” Bumungisngis si Tyler sa akin. Akala naman nito ay makakapunta siya sa amin. Kahit kailan never kong tinuro ang address sa kanya! Pagdating ni Professor Alvarez ay tumahimik na kami. All the discussions went well at madali lang kaming natapos. Sabay na kaming lumabas ni Tyler. Nang nasa hall way na kami going sa class ni Professor Sotto ay may napansin akong kakaiba. Pakiramdam ko ay may tumititingin sa akin. Iginiya ko ang aking mga mata sa paligid at doon ko nakita si Angel. Mag-isa lang siyang nakaupo sa bench. May hawak siyang libro ngunit sa gawi ko siya nakatingin. Nahihiya akong ngumiti sa kanya kumaway. Ganoon din siya sa akin. Malas lang dahil may pasok ako. Kung wala lang ay pupuntahan ko siya. “Alam mo, bakit hindi mo ligawan si Angel. Obvious naman na may gusto siya saiyo. And I think you do the same.” Si Tyler. “Hindi pa ako handa.” Kahit may saya ako habang iniisip na ganoon nga ang pagtingin ni Angel sa akin. “Lahat tayo hindi handa sa mga bagay-bagay ngunit nagagawa naman nating mag-adjust. Ang sabihin mo naduduwag ka.” Pinagtawanan ako ng mokong. Tama ito, talagang naduduwag ako dahil hindi ko pa naranasang manligaw. At nakakahiya naman yata! “Sira ka talaga.” Marahan ko siyang sinuntok sa braso at nagpatuloy na kaming maglakad. Pagdating namin sa classroom ay nandoon na si Professor Sotto at tuluyan na nga siyang bumalik sa dati. Ang saya lang ng kanyang pagtuturo ngunit paminsan ay nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin bilang interaksyon. Agaran kong naalala ang sinabi ng estudyang multo sa akin. There’s nothing special sa araw na ito bukod sa may nakita akong multo na na etudyante kanina! Nakakatwa lang dahil nagawa niya akong bigyan ng babala. Hindi ko alam kung maniniwala ako pero sa tingin ko ay parang totoo nga. Ngunit si Professor Sotto lang ang alam kung ganoon makatingin sa akin. Sino pa ang iba?   All of my student days sa buwang ito ay masasabi kong parang wala ng normal na nangyari sa akin. Iyong routine ko sa umaga, pagpasok hanggang sa pag-uwi ay pareho lang lahat. At tuluyan na ring hindi na nagpapakita ang babae sa aking panaginip. Minsan naiisip ko baka multo rin siya o hindi kaya siya ang aking future. Ngunit napaka-impossible kung mag-iisip na ako ng ganoon. Nasa modern world na ako and I never thought those kind of creepy things ay mararamdaman ko pa. Next week will be the other month na. Sobrang bilis na lumipas ang panahon. Sooner or later ay makaka-graduate na ako at iiwan ko na ang buhay estudyante. “Gabriel, anak kailan mo ba balak ipapakilala si Angel sa amin?” Tanong ni Mama kaya napahinto ako sa pagkain. “Ma, don’t be too excited dahil may two days pa akong natitira.” Ani ko sa kanya. May two days pa nga ako ngunit hindi ko pa nasasabi sa dalaga ang gsuto ng aking mga magulang. Ang buong akala ko ay makakalimutan nila iyon ngunit hindi pala. Talagang siguradong-sigurado na sila. “Huwebes na ngayon.” “Alam ko ‘yon, Ma.” Ako talaga ang kinakabahan para sa kanila. “Maiba nga ako.” Biglang interrupt ni Papa na ikinatuwa ko. “Next week na ba iyong stay in ninyo sa University?” Napahinto ako sa pagkain, “hindi ko pa alam Pa, kung ano ang exact date but sa tingin ko baka next week na o hindi kaya in the middle of the month. And still wala pang makapagsasabi na matutuloy iyon due to recent na nangyari sa University.” Ang pagkawala ni Calvez. Until now ay wala paring balita sa kanya at pati na sa dalawang naunang nawala. Saan na kaya sila ngayon? Possible kayang mayroon talaga kumuha sa kanila. Not literally ghost like paranormal baka may kidnapper or sindikato. “Kung matutuloy ‘yan, hindi ako makakapayag.” Si Mama. “Pero Ma?” Angal ko. Kakailanganin ko ‘yon para pumasa sa assessment namin. “Lubhang mapanganib anak, baka may masamang mangyari doon.” Alam ko namang nag-aalala lang si Mama at hindi ko siya masisisi. Nag-iisang anak lang nila ako kaya ganoon nila ako ka gwardado. Pero dapat din nilang isipin na kailangang ko ring mag-grow sa iba't-ibang scenario. “Kung matutuloy talaga iyon, I think mayroon namang mga guard at isa pa mag dormitories ang University. Puwede silang matulog roon para hindi na uuwi.” “Tama si Papa, Ma.” Iyon nga ang nasaksihan ko last year. Iyong seniors namin doon na natutulog and besides, two nights lang naman. Hindi naman siguro iyon matagal, I guess? “Ay, basta nag-aalala parin ako sa possibleng mangyari sa University na iyon.” “Ma.” Hinawakan ko ang kanyang kamay, “huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong magiging maayos din ang lahat if matutuloy nga ang dalawang gabi na practice namin for assessment. “Ay basta.” Inirapan ako ni Mama. At nagpatuloy lang siya sa pagkain. Wala na akong nagawa pa kundi magpatuloy sa pagkain. I know maiintidihan niya rin naman para din naman ito sa aking pag-aaral. Nang matapos kaming maghapunan ay maaga akong natulog dahil sa puyat. Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa ingay ng music. Kaagad na akong bumaba dala ang aking towel. Naabutan ko ang dalawa na nagsu-zumba. “Goodmorning Ma, Pa.” Bati ko sa kanila. “Goodmorning, mag-breakfast ka na diyan.” Ani ni Mama. Mukhang nasa mood siya ngayong umaga. Isinabit ko ang tuwalya sa upuan at kumain na. Kaunti lang ang nakain ko at uminom nalang ako ng kapae. Pagkatapos ay agad na akong naligo at nag-ayos. Paalis na ako ng bahay nang biglang pinaalala sa akin ni Mama si Angel. Tumango lang ako sa kanya. s**t! At tuluyan na ko ngang nilisan ang bahay. Nasa University na ako nang mapansin ko ang mga posters na inilagay sa main bulletin board. May iilang estudyante ang nakatingin kaya lumapit na ako. Masiyado pa namang maaga para sa first period. “Hala, kasali na pala ang Animal Science?” Wika nong isang estudyante. Bigla akong na-curious kaya tuluyan na akong lumapit. Si Angel ang unang pumasok sa isipan ko Tahimik ko iyong binasa at napaawang ang aking labi nang matapos iyon basahin. So matutuloy nga ang practice night for the assessment. At hindi lang mga vetmed student, kasali rin sila Angel. Ang ibig sabihin non ay nandoon rin si Angel. “Paano ang seguridad ng mga estudyante? Setyembre na ngayon at baka maulit na naman ang nangyari noon.” “Ang balita ko’y magkakaroon naman ng mga securtiy and 24 hours silang nakabantay sa buong campus upang hindi na maulit ang insidente.” "Naku, sana nga ay gagawin nila iyon dahil nakakatakot. Baka isa na naman ang mawala." Nakinig lang ako sa usapan ng dalawang estudyante. Possible ngang magiging mahigpit ang University ngunit paano kung may estudyante na namang mawala? Nakakatakot isipin ngunit nawa’y walang mangyayaring masama next week. Naisipan kong pumunta na sa classroom. Papasok na sana ako nang may maamoy akong mabangong bulaklak. Kaagad akong  kinilabutan. Muli na namang nagparamdaman ang multo! “Tulong!” Napatingin ako sa loob ng classroom nang may sumigaw na classamte naming babae. Kaagad na naalarma ang lahat. Mabilis akong pumasok at tinignan kung ano ang nangyayari. May isang babaeng nagsi-seizure. Kaagad akong napaluhod at sinalo ang kanyang ulo. Naririnig ko ang malalim niyang hininga. Naninigas ang buo niyang katawan. “Tumawag kayo ng tulong.” Ani ko. “Just hold her Gab at huwag mong ibaba ang kanyang ulo baka mabagok.” Si Tyler. Mabilis niyang hinawi ang mga upuan para mabigyan kami ng espasyo. “Paki-on ng electric fan para mahanginan siya.” Dagdag ni Tyler. Ilang saglit pa’y tumigil na ang kanyang panginginig. Mukhang maayos na siya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapikit pa rin. Ang hininga niya ay malalim parin. “Huwag mo muna siyang bitiwan, Gab.” Utos ni Tyler. “Magiging okey na ba siya?” Kinakabahan ako para sa babaeng ito kung hindi ko nahawakan ang ulo nito kanina ay baka mabagok sa semento. “Hey, are you okey.” Marahan kong tinapik ang kanyang pisngi. Sa aking gulat at naimulat niya ang aking mga mata at napatitig sa akin. Mabilis siyang gumalaw at sinakal ang aking leeg! “Mamamatay ka!” Sigaw ng babae. Pinilit kong tanggalin ang kanyang kamay ngunit malakas siya. Sobrnag lamig ng kanyang buong kamay at ang kanyang katawan ay punong-puno ng pawis. “Ty...” Giit ko. Mabilis na hinila ni Tyler ang babae ngunit walang lakas si Tyler na maialis ang pagkakasakal ng babae sa akin. “My gosh! Baka nasapian ‘yan!”  “Bi-bitiwan mo ako.” Ang sakit na ng lalamunan ko. Bumabaon na ang kanyang matulis na kuko sa aking balat. “Et tunc erit.” Ani ng babae. Nag-iba ang kanyang boses na siyang ikinabigla ko. Kilala ko ang kanyang boses. Ito ang babaeng multo na nagpakita sa amin ni Angel sa bahay. “Ba-bakit ka nagbalik?” Takti, ang buong akala ko ay tuluyan na siyang nawala. Ngunit heto siya ngayon, nambibiktima na ito ng estudyante. Ang lubha na siyang nakakatakot. “Et monent vos,” Shit! Hindi ko siya maintindihan. Mas lalo pang humigpit ang pagkakasakal niya sa akin. Isa lang ang naiisip ko ngayon na maaaring tumulong sa amin. Si Angel! “Gab, anong pinagsasabi niya?” Takot na tanong ni Tyler. Hindi na sila lumapit dahil natatakot ang mga ito. “Ha-hanapin ninyo si A-angel.” Giit ko, “a-alam niya ku-kung paano paalisin ang multo.” Si Angel ang tanging nakakaintindi sa kanya at kaya niya itong napaalis ng mahinahon noon. “Sandali, hahanapin ko siya.” Natatarantang wika ni Tyler at kumaripas ako ng takbo. Pilit kong nilalabanan ang pagkakasakal niya sa akin ngunit malakas talaga siya. Hindi ko puwedeng saktan ang katawan ng babae! May mga nurse ng University ang dumating. Pinilit nilang alisin ang babae mula sa pagkakasakal sa akin ngunit gaya ni Tyler kanina hindi rin nila maalis. Sobra na akong nanghihina at pakiramdam ko ay nasugatan na ang aking leeg. “Kailangan nating siyang turukan ng pampatulog.” Ani nong lalaking nurse. Pinapawisan ang mga ito sa sobrang taranta! May isang nurse na lumabas at bumalik rin ito kaagad dala-dala ang sinasabing pampatulog. “Here.” Lalapit na sana ang lalaking nurse para iturok ang injection ngunit biglang gumalaw ang mga upuan at hinarangan ito. Napaatras ang nurse sa sobrang takot. “Bakit ito ginagawa, ha!” Galit na ako! Putek, ang sakit na ng leeg ko. Gago ang multong ito! “Iustitiae!” Mas lalo pang nanlilisik ang kanyang mga mata at ang kanyang boses ay lumalalim na. “Gabriel.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD