Chapter 12: Pangatlong Senyales
Natapos ang buong klase namin sa umaga. Medyo nakakapagod ngunit nakakaaliw naman ang mga subject. Si Professor Sotto hindi na ganoon ang kanyang tingin sa akin. Mukhang bumalik na nga ang kanyang sigla at di na ganoon ang kanyang tingin sa akin. Ngunit hindi parin iyon dahilan para mapanatag nalang. Alam kong may tinatago siya, kaya nong nagtutro siya kanina ay pinag-aralan ko ang kanyang galaw at tingin. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa akin ngunit sandali lang. Hindi gaya nong una na para na niya akong papatayin. At isa pang bumabag sa akin kanina sa kanyang klase ay iyong sa Department of Economics at silid na itinuro ng babaeng multo. Ano kaya ang mayroon doon?
“Hoy, ano ba iyang iniisip mo? Kumain ka na para matapos na tayo kaagad.” Ani ni Tyler.
"Wala naman. May naalala lang ako." Bumuntong hininga ako at nag-umpisa nang kumain.
"Alam mo." Napahinto si Tyler at kinilig niya akong tiningnan.
"Ang alin?" Wala akong ideya kung ano ang kanyang ibig sabihin.
"Nakita ko kayo ni Angel kaninang umaga na magkasabay bumaba sa dyip."
"Ha?" Napaawang ang labi ko. Sa lahat na puwedeng makakita sa amin ay ito pa talaga.
"Ay sos, ang tinik mo pala sa babae, ha. Bago mo palang nakilala si Angel tapos." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Gosh! May nangyari na sainyo?"
"Hoy!" Kaagad ko siyang sinaway. Takti talaga ang gagong ito, baka may makarinig sa kanya at baka magiging mali pa ang pag-intindi.
"So meron nga?" Kinikilig nitong tanong. Mahina lang ang kanyang boses at nag-iingat siya na baka may makarinig.
"Wala." Tipid kong sagot.
"Ha?" Ngayon ay siya naman ngayon ang napaawang.
"Wala naman kasing nangyari sa amin."
"Seryoso?"
"Oo nga. Ang mabuti pa'y kumain ka nalang. Ang dumi ng iniisip mo."
"Eh, ano pa nga ba ang ibang maiisip ko?"
"Eh, sa wala, eh." Iniripan ko siya at nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ng aming tanghalian ni Tyler ay nagpunta na kami kaagad sa room. Eksakto namang nandoon na rin ang aming professor. Kaagad na rin itong nag-discuss. May pipagagawa siya sa aming group activity na siya namang ikinatuwa ko. In at least may mga kasama ako. Hindi kami magka-group ni Tyler.
"Gab, what do you think?" Tanong ng leader namin. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanya at maging sa aming sekretarya.
"Opinion ko ba?" I am not sure kasi sa tanong, eh.
"Oo, kailangang may ambag ka." Wika ng sekretarya. Mukhang ako na yata ang hinihintay nila na magbigay ng sagot.
"Ano nga ang question ulit?" Sa leader ako tumingin. Hindi ko gusto ang attitude ng secretary namin. Hindi naman maganda!
"Paano mo i-cope up ang stress and depression kapag inaataki ka ng dalawang health problem na ito."
Lumunok mo na ako ng laway. "Ever since hindi ako naka-feel ng depression so I don't think masasagot ko 'yan."
"Okey, hindi kita ililista sa group." Sabat ng sekretarya.
Napabuntong hininga akong napatingin sa kanya. Akala siguro ng pamintang ito ay matatakot ako. "But if ever na may makakaranas ako ng ganyang problema, siguro I'll make some rest, do exercises daily and stay connected with my family." Iyon lang ang nakikita ko na puwede kong gawin. "At time management na rin to prevent the certain problem," dagdag ko.
"Sige, ayos na 'yan." Wika ni leader sa sekretarya.
Pagkatapos naming mag-brain storming ay mayroong kagad reporting. Kaagad lang din iyon natapos at walang kahit na anong tanong ang professor sa each reporter. Pagkatapos ay kaagad na rin kaming nai-dismiss.
Sa araw na ito ay parang bumalik ang pagiging normal na pagka-estudyante ko. Hindi kagaya noong mga nagdaang araw ay para akong timang ay may nangyayari sa aking kababalaghan. Habang naglalakad kami ni Tyler sa huling subject namin ay napansin ko si Angel sa bench, may kasama itong lalaking estudyante at masaya silang nag-uusap. Namumukhaan ko ang kanyang kasamang lalaki pero hindi ko ito kilala.
May kung ano akong naramdaman na selos habang pinagmamasdan silang dalawa. Naikuyom ko ang aking dalawang kamay.
“Hoy, ano ka...” Napahinto si Tyler sa pagsasalita nang napatingin siya sa gawi nina Angel.
“Uy, nagseselos ka ba?” Tudyo niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. “Wait, tatawagin ko si Angel.” Aniya.
Hindi ko na napigilan si Tyler dahil mabilis itong tumakbo palapit sa dalawa. Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang tumingin sa gawi ko si Angel. Bigla akong kinabahan nang lumapit siya sa akin. Aalis sana ako ngunit huli na dahil tinawag na niya ang aking pangalan.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Sana’y hindi niya mahalata na nagpapanggap lang akong ngumiti sa kanya.
“Salamat nga pala, ha. Naibigay ko na sa leader ang videos na ginagawa natin kagabi," ngumiti siya.
“Anong video? Tapos kagabi?” Si Tyler. Bigla siyang na-curious sa narinig niya kay Angel.
Takti, akala ko hindi na malalaman ni Tyler ang ginawa namin ni Angel kagabi. Kaya hindi ako nagkwento sa kanya dahil alam ko kung paano tumakbo ang kanyang isip.
“Amin na’yon.” Ani ko ka sa kanya na mas lalo pa niyang ipinagtataka.
“Huwag niyong sabihin na totoo ngang magkasama kayo buong gabi? Gosh, I thought inakala ko na naturingan lang nagkasabay kayo.
“Doon ako natulog sa kanila.” Si Angel ang sumagot.
Ngayon ay nanlaki na ang kanyang dalawang mata. So ang kanina naming pag-uusap ay hindi talaga siya na-convince at ngayong si Angel na mismo ang nagsabi ay fully naniwala na siya.
“Sige, maiwan ko na kayo.” Tumakbo paalis si Angel.
Pareho kaming nagtinginan. Mukhang may hinahabol si Angel dahil ang bilis naman niyang umalis. Pati ang kanina nitong kasama at umalis na di man lang nagsalita. Iniwan ko na ring si Tyler dahil tulala pa ito at hindi pa makuha. Ang alam ko ang kanyang inisiisp.
“Gabriel!” Sigaw niya sa akin. Mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad. Alam kong kukulitin ako ng gago.
“Hoy.” Tumakbo na siya.
Napahinto ako sa paglakad ng mahawakan niya ang bag ko. Natatawa akong hinarap siya. Desperado na talaga itong malaman ang tungkol sa amin ni Angel kagabi.
“Wala lang iyon. Tinulungan ko lang talaga siya sa assignment.” Ani ko. Paulit-ulit naman ang lokong ito.
“Buong magdamag? Hanep ka rin, ano. Akala ko wala pa sa plano mo ang maghanap ng babae.” Tinapik niya ako sa kanang balikat ko.
“Assignment lang iyon, walang ibang meaning.”
“Kahit na, imagine, kahapon pa kayo formal na nagkakilala tapos magkasama na kayo buong gabi? Hanep, masiyado mo yatang minamadali.”
Gago talaga ang mokong na ito. Paulit-ulit nalang!
“Gago.” Natawa ako, “wala lang kasi 'yon.”
“Sandali, saan ninyo ginawa ang assignment?”
“Sa kwarto ng bahay namin.” Mabilis na sagot ko, “walang ibang tao sa amin kagabi kaya doon nalang kami dalawa ni Angel. Hindi naman puwede sa kanilang bahay.” Dahil nandoon ang mama ng babae na sobrang palikera.
“Ang ibig bang sabihin ay tabi kayong natulog?”
“Oo, naka-lock kasi ang ibang kwarto kaya magkatabi kaming natulog kagabi.” Ani ko. Ngayon ay hindi lang mga mata ni Tyler ang lumaki, pati na ang kanyang bibig ay napaawang na.
“Hanep, tapos, ano ang kasunod?”
Napakunot ang noo ko, “wala na...may iba pa ba kaming gagawin?” Kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Ayy sos!” Napasigaw siya, “ang hina mo talaga sa babae, grasya na naging bato pa. Imagine si Angel 'yon, sexy, maganda at mabait.” Bulalas niya sa akin. Hindi niya alintana ang mga estudyanteng nilalagpasan kami.
“Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?”
“Ang ibig kong sabihin.” Lumapit siya sa aking tenga, “pinunlaan mo na sana.”
Naitulak ko si Tyler, “sira ka talaga.” Hindi ko alam ngunit napangiti niya ako.
“Oy, kinikilig ka, ano?”
“Natawa lang ako sa sinabi mo, gago.” Of all the term na gagamitin niya ay ang salitang pinunlaan pa!
“Pero seryoso, sana sinulit mo na.”
“Iwan ko saiyo.” Eh, maganda abg record ko sa Papa ni Angel kaya ayokong dungisan iyon. At isa pa ibinilin siya sa akin. Kung gustuhin ko man, hindi ko iyon magagawa sa dalaga.
Tinalikuran ko na siya. Ang dami pang sinasabi si Tyler ngunit hindi ko siya pinansin. Aaminin kong may saya akong nararamdaman. Ganito pala ang pakiramdam kapag may kaibigan kang ayaw kang tantanan sa kakatanong nang dahil lang sa may kasama kang babae natulog kagabi.
Hanggang sa nagsimula na nga kami sa huling period ng klase. Tumahimik na rin si Tyler dahil may pinapagagawa ang professor namin. Pabukas ko sa bag ay may nakapa akong papel. Kinuha ko iyon at binuksan dahil nakatupi ito.
“Mag-iingat ka, may kutob akong ikaw ang isusunod nila.”
Nanlaki ang aking mga mata. Mabilis kong itinago ang papel sa aking bag. Ang kahapong kaba na aking naramdaman ay muli na namang nabuhay. Sino ang naglalagay ng papel sa bag ko? Pangalawa na ito!
Napatingin ako kay Tyler. Abala na ito sa pagsasagot ng answer sheet. Hindi ko maatim na akusahan kung si Tyler nga ang naglagay ng papel sa bag ko ngunit impossible naman yata. Dapat ay sinabihan na niya ako kung may nalalaman siya. Araw-araw kaming magkakasama kaya dapat sinabi niya sa akin. Iba kaya ang naglagay sa akin niyon? Ngunit sino? Si Tyler lang ang nakakasama ko palagi.
Pinunasan ko ang aking mga pawis na nag-umpisa ng basain ang aking buong mukha. Hindi ako mapakali sa dahil sa aking naiisip. Ang mga mata ko ay na sa pinasagutang papel ngunit ang utak ko kahit saan na nakakarating.
Mula sa labas ay napatingin ako. May isang binatilyo na nakatitig sa akin. Ngunit kaagad itong tumakbo nang makita ko siya. Ang weird niyang tingnan, hindi ako pamilyar sa mukha niya.
Mas lalo pa akong kinabahan, ang estudyante kayang iyon ang naglagay? Ngunit ano ang alam niya? Freshman pa iyon ayon sa kanyang suot na uniform.
Natapos ang last period namin na tuliro ako. Nang dahil lang sa papel na iyon ay nabawi ang saya na kanina kong naramdaman.
“Ayos ka lang?” Tanong ni Tyler sa akin. Saba’y kaming lumabas sa University.
“Ha? Oo.” Pilit akong ngumiti sa kanya kahit alam kong nahahalata na niya ako.
“May problema ba? Puwede mong sabihin sa akin.”
“Wala naman. Pagod lang ako.” Pagsisinungaling ko. Hindi ko muna puwedeng sabihin kay Tyler ang tungkol sa papel baka ipagsabi niya. Ayokong magiging magulo ang buhay at pag-aaral ko. Baka napag-tripan lang ako. At walang matinong magawa ang naglagay ng babala. Kung joke iyon para sa kanya, ibahin niya ako, hindi talaga nakakatuwa.
Mula sa aking kinatatayuan ay napansin ko si Angel na nakatingin sa amin. Bahagya akong kumaway sa kanya at napangiti siya. Bigla kong naalala ang sinabi niya kagabi noong niyakap ko siya. Possible kayang si Angel ang naglagay? Magkasama kami buong gabi at nauna siyang gumising kanina. Siya kaya?
Bigla akong napailing, mukhang mahirap paniwalaan kung si Angel nga ang naglagay. Napaka-inosenti niya. Iisipin ko palang ay parang hindi naman iyon magagawa sa akin dalaga.
Kahit sino nalang ay pinagbibintangan ko.
“Ayos ka lang ba talaga?” Paninigurado niya nang nasa tapat na kami ng main gate. Marami na rin ang nasilabasan at mukhang malapit ng mag-alas sais. "Nababasa ko ang ekpresyon ng iyong mukha Gab," dagdag na wika ni Tyler.
“Oo, ayos lang naman ako. Huwag mo akong pansinin talagang pagod lang ako.” Wika ko sa kanya.
"Sige ikaw ang bahala. Pero kapag may problema ka, puwede mo namang sabihin sa akin." Matamis ang kanyang ngiting ibinigay sa akin.
"Salama Ty."
"Wala 'yon, eh, ikaw lang ang malapit sa akin rito kaya at maging ikaw ay ganoon din sa akin. Tayo-tayo lang ang magtutulungan."
Ngumiti ako sa kanya, "bago iyang mga line, ha. Nasapian ka ba?" Biro ko.
"Sira. So paano, mauna na ako, ha."
"Sige, mag-iingat ka."
Hindi na rin kami nagtagal pa ni Tyler. Naghiwalay na ang aming mga landas. Minabuti kong umuwi nang maaga para makapaghinga na rin. At maiwasan ang anumang panganib sa daan.
Naabutan ko si Papa sa bahay. Kaagad akong humalik sa kanya. Narinig ko ang maingay na prito sa kusina kaya pinuntahan ko ito. Hindi pala pumasok si Mama.
“Ma.” Tawag ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at humalik rin sa pisngi nito. Inilapag ko ang aking gamit sa mesa. Nagtungo ako sa ref at kinuha ang natira kong mga donut. Ang dami pa nito at kailangan kong ubusin baka masira. Sayang naman kapag nagkaganon.
Tumabi ako kay Papa sa pagkakaupo at doon tahimik na kumakain. Hindi niya ako pinansin dahil abala siya sa panonood ng video sa youtube.
“Gab!” Tawag sa akin ni Mama. Tumayo ako at inilapag ang mga donuts sa tabi ni Papa. Nagmamadali ako lumapit sa aking ina. Baka may kailangan siya.
“Pakibantayan mo muna ito.”
“Ha?” Nanlaki ang mga mata ko. Bukod sa hindi ako marunong magluto takot rin akong matalsikan ng mainit na mantika.
“May kukunin lang ako sa kwarto namin ng Papa mo.”
"Pero Ma." Sinubukan kong umanagal ngunit hindi tumalab sa kanya.
"Sandali lang ako."
Wala na akong nagawa pa dahil ito na mismo ang naglagay ng sandok sa aking kamay. Tumakbo si Mama pataas. Sinubukan kong tawagin si Papa ngunit hindi niya ako pinapansin. Sucks! How can I even know na luto na itong karne ng baboy?
Akmang iikot ko sana ang isang hiwa nang biglang pumutok ang balat. Sa aking gulat at takot ay natapon ko ang sandok sa sahig at gumawa ito ng ingay.
“Ma! Bilisan mo na diyan.” Pinulot ko ang sandok at muling lumapit. Takti! Malayo palang ako nang may tumatalsik na sa aking maliliit na mantika! “Ma!” Nagmamakaawa na ako ngunit wala man lan g siyang rrsponse.
Naiinis na hinintay ko nalang si Mama na bumalik. Kaya nang bumalik siya ay nakahinga ako ng maluwag. Kaagad kong ibinigay sa kanya ang sandok at pagtingin ni Mama ay binigyan niya ako ng dismayadong mukha.
“Sunog na ang kabilang parte.” Inikot ni Mama ang mga karne para ang sa ibaba naman ang nasa taas.
“Pumutok kasi kanina kaya hindi ko nagawang ibaliktad, Ma.” Napakamot ako sa aking batok.
“Hay naku, ikaw na bata talaga. Paano ka magkakapamilya niyan gayong hindi ka marunong magluto?”
“Si Papa rin naman po di’ba? Hindi rin siya marunong magluto pero pumayag kayong maging asawa niya?”
Napatigil si Mama sa kanyang ginagawa at pinatay ang kalan. Hinarap niya ako at seryoso niya akong tiningnan. May nasabi ba akong mali?
“Iba ang Papa mo. At least ako marunong akong magluto. Paano kung hindi marunong magluto ang mapapangasawa mo, ha?”
Sa sinabing iyon ni Mama ay kaagad kong naisip si Angel. Well, Angel knows how to cook at napatunayan niya iyon kaninang umaga.
Awit! Bakit si Angel ang unang kong naisip?
“Maghahanap nalang po ako ng babaeng marunong magluto.” Giit ko nalang na ikinasimangot ng mukha niya.
“Maghanap ka diyan. Lagi mong tatandaan na hindi hinahanap ang pag-ibig. Kusa itong dumarating at mararamdaman mo iyon.”
“Mama naman, wala pa ako sa mga ganyan. Pag-aaral ko muna ang aking iisipin sa ngayon.”
Akmang tatalikod na ako nang biglang tawagin ni Mama si Papa. Kaagad na inililapag ni Papa ang kanyang cellphone katabi ng aking donut. Mabilis siyang nakalapit sa akin at inakbayan ako.
“Pag-aaral nga ba?” Si Papa. Medyo itinaas niya ang kanyang kanang kilay.
“Opo, iyon ang priority ko.”
“Owss?” Si Mama.
Napakamot ako sa aking batok at napahilamos sa aking mukha gamit ang dalawa kong palad, “bakit ayaw ninyong maniwala sa akin.” Nakakainis!
“Eh, sino iyong kasama mo kagabi rito sa bahay?” Nilakihan ako ng mata ni Papa kaya kaagad akong natakot.
“Kaklase ko ‘yon, si Angel.” s**t! Hindi ko pala sila nai-text kagabi na may ibang taong matutulog rito sa bahay.
“Naku, kapag nabuntis mo ang babaeng iyon ay malilintikan ka talaga sa akin.” Tinuro-tinuro ni Mama sa aking sandok dahilan para mapaatras ako.
“Gumawa lang kami ng project at ‘yon lang.” Kung makapag-isip tong mga matandang 'to! Naalala ko ang inakto ng Mama ni Angel kagabi. It somehow the same sa parents ko pero hindi ganoon ka palikera.
“Saan mo pinatulog?” Si Papa. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin. I know its a warning kung hindi ako magsasabi ng totoo ay may mangyayari sa akin.
“Dito po sa bahay kasi gabi na, baka mapahamak pa siya sa daan.”
“Ang ibig kong sabihin ay saang parte ng bahay mo siya pinatulog kagabi?”
“Sa kwarto ko po.” Nahihiya kong sagot.
“Sa kwarto mo?” Si Mama, ngayon ay parang hindi na makapaniwala sa narinig.
Marahan akong tumango, “saan ko naman siya patutulugin? Ang isang kwarto at kwarto ninyo ay sarado.”
“Ang ibig bang sabihin ay,” napahinto si Mama sa pagsasalita at tumingin ito kay Papa, “teka muna, ang ibig mo bang sabihin ay magkatabi kayong natulog?”
Shit! Bakit ba ang dami nilang tanong. Kagaya lang ang mga ito ni Tyler kanina. Hindi niya ako nilabayan at ang daming tanong. “Tabi po kaming natulog kagabi at walang nangyari sa amin dahil kaibigan ko lang siya.”
“Weehh?” Si Papa.
“Iwan ko sainyo.” Nag-umpisa na akong mainis sa kanilang dalawa. Anak nila ako kaya dapat maniwala sila dahil walang halong kasinungalingan ang aking sinabi.
“Gabriel, umayos ka. Nag-iisang anak ka lang amin kaya ayaw naming masira ang buhay mo.” Dismayado ang mukha ni Mama. And I feel bad for it. This is the first time na parang nasaktan ko sila ngunit dinaan lang nila sa biro ang lahat.
“Gusto naming makilala ang babaeng dinala mo rito.” Si Papa. Tinapik-tapik niya ang balikat ko at bumalik siya sa couch.
“Tama ang Papa mo. Gusto naming makilala ang...” Napahinto si Mama, “ano nga ulit ang pangalan ng kaklase mong iyon?”
“Angel.” Sagot ko.
“Dalhin mo siya rito sa bahay. May until next week ka pa kaya mag-usap kayong dalawa. Gusto namin siyang makausap.”
“Ma?” Sobrang nakakahiya naman sa part ni Angel!
“Tapos ang usapan.” Kalmado ngunit may diing wika ni Mama.
“Ma, iti-text ko naman sainyo ang kaso nawala sa isipan ko dahil...” s**t. I can’t tell them kung ano ang nangyari rito sa bahay kagabi lalo na ang pagpapakita ng babaeng multo sa amin.
“Dahil?”
“Gabi na kaming nakarating rito dahil sinamahan ko pa si Angel sa kanila para kumuha ng gamit.” Buti nalang at may naisip akong rason.
“Kahit ano pa iyang rason mo, Gabriel...we still want to meet the girl.” Sabat ni Papa. Nakikinig pa pala siya sa usapan namin ni Mama.
“Tama ang Papa mo, anak. Huwag kang mag-aalala hindi namin siya tatadtarin ng tanong.” Biro ni Mama sa akin.
Kahit pa na maging mabait sila kay Angel ayoko parin siyang dalhin sa bahay. Sobra akong nahihiya sa dalaga at isa pa napaliwanag ko na sa kanila na wala kaming relasyon. Hindi naman yata mahirap intindihin ‘yon di’ba?
“Basta meron ka pang until next week.” Dagdag ni Mama.
Mukhang wala na nga pang paraan para makumbinsi ko silang huwag ko nang dalhin si Angel rito. Ang problema ko ngayon ay kung papaano ko sasabihin sa kanya?