bc

Unfaithful Wife (Tagalog)

book_age16+
121
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
tragedy
sweet
heavy
lighthearted
serious
loser
school
like
intro-logo
Blurb

Their lives are perfect... until a tragedy happened that changes their perfect lives

Language: Filipino

Status: On-Going

Author: itsmemaylsss

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Ate, magkano po ito?” “Singkuwenta, tatlo lang po, Ma’am.” I smiled at the saleswoman, “Sige po, Ate. Pabili po ng one-fifty.” Ngumiti rin ang tindera saakin saka nagsimulang maglagay ng mansanas sa sa isang plastic bag. “Para sa asawa niyo po ba, Ma’am?” I just smiled and nodded. I hope he’ll like it. Pero panigurado naman akong magugustuhan niya ito. Ito ang paborito niya sa lahat, ‘e. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko kung gaano siya kasaya sa tuwing pinapasalubungan ko siya ng mansanan noong hindi pa kami nakakasal. Kaya noon pa lang, alam ko na kung paano ko siya mapapasaya. Sa tuwing nagtatampo siya, bibigyan ko siya ng mansanan, mawawala na ang galit niya saakin at lalambingin na niya ako. “Heto na po, Ma’am.” Napakurap lang ako nang marinig ko ang boses ng tindera. Nakita kong inaabot na niya saakin ang isang plastic bag ng mansanan. Ngumiti ako saka ko kinuha iyon, sabay abot ng bayad sa kanya, “Salamat po!” Matapos kong bumili ng mansanan, naglibot pa ako sa palengke para maghanap ng kakailanganin sa bahay. I bought some vegetables, meat and fruits. Matapos kong bilhin lahat ng kakailanganin, lumabas na rin ako sa palengke. “Naku, Ma’am Raiah!” Pagkalabas ko, sinalubong ako ni Beth. “Sabi ko naman sa inyo, ako na ang gagawa niyan, ‘e! Trabaho ko na po iyan!” sabi niya at akmang kukunin niya saakin ang pinamili ko nang pigilan ko siya. I smiled, “I can handle, Beth,” I said then my brows furrowed, “Nasaan si Manong Ben?” “Nasa labasan po. Duon na lang po siya, maghihintay.” “Ganun ba? Eh ‘di tara na.” sabi ko at lumakad na. Kaagad namang sumunod saakin si Beth. Hindi na ako nagpumilit pa nang kunin niya saakin ang ilang supot ng pinamili ko. Kahit papaano, pinagpasalamat ko na lang ang pagtulong niya. Kaagad din naming nakita ang van na sinakyan namin. “May pupuntahan ka pa po ba, Ma’am Raiah?” tanong ni Mang Ben pagkasakay namin sa van. Nakatingin siya sa rear view mirror. “Opo, Mang Ben. Dadaan pa po ako sa Convenient Store. Okay lang po ba?” Mang Ben chuckled, “Bakit naman po hindi?” tanong niya saka niya inapakan ang gas ng van kaya napangiti na lang din ako. Pagdating namin sa may pinakamalapit na convenient store, hindi na ako umangal pa nang nagpumilit si Beth na tulungan ako sa pamimili ng mga kakailanganin sa bahay. Hindi ko mapigilang matawa dahil panay ang talak ni Beth habang namimili kami. Ang dami niyang tsismis tungkol sa buntis daw ‘yung minor de edad na anak ng kapitbahay namin. “Alam niyo po ba kung sino ang nakabuntis? ‘Yung hardinero po nila!” Nailing-iling na lang ako habang chini-check ang label ng gatas na hawak ko. “Ewan ko ba sa kabataan ngayon. Talo pa akong bente-quatro na hanggang ngayon, hindi pa nagkakajowa.” Nakangiti ko siyang binalingan, “Paano ka magkakajowa kung hindi mo sinasagot ‘yung manliligaw mong si Fredo ba iyon?” Umingos siya, “Ayaw ko ruon, Ma’am. Amoy putok.” Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Beth. Kahit kailan talaga. Napatigil lang ako nang mapansin ko ang paninitig saakin ni Beth. “Bakit?” I asked her. Umiling siya, pero mayamaya, tipid siyang ngumiti, “Ang ganda po ng ngiti niyo, Ma’am. Sana po, ganyan ka lagi, ‘no?” sabi niya at biglang sumama ang timpla ng mukha niya nang mukhang may naalala itong hindi kaaya-aya, “Bakit ba kasi —” “Beth,” I cut her off. Tipid ko siyang nginitian, “Mamili na lang tayo, okay?” Ngumiti at tumango naman siya, pero nasa mukha pa rin niyang parang gusto niyang sabihin kung anong nasa isip niya o kung anong kinasama ng loob nito. Nagpapasalamat na lang ako nang hindi na siya nagsalita. Iniba na lang niya ang topic habang pinagpatuloy namin ang pamimili. “Raiah?” Napatigil lang ako sa pangunguha ng kung anu-ano nang may tumawag sa pangalan ko. Agad ko siyang nilingon. Kumunot ang noo ko nang may nakita akong supistikadang babaeng nakatayo hindi kalayuan saamin. “Oh my God,” napatakip siya sa bibig. Mayamaya, natawa itong lumapit saakin, “Oh my God! Raiah, ikaw ba ‘yan? You look...” Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. At nang bumalik sa mukha ko ang mga mata niya, natawa na naman siya. More on, tawang nang-uuyam. She crossed her arms with a mockingly smiled on her face, “What happened? Anong nangyari sa Raiah na kilala ko noon? Anong nangyari sa Raiah na hinahabol-habol ng lalaki noong highschool at college pa tayo? What happened? Para kang pinagsawaan ng asawa.” Umiwas ako ng tingin lalo na nang mapang-uyam siyang tumawa. Hindi ko siya kilala, pero base sa sinasabi niya, mukhang kilala niya ako. Napabaling lang ako kay Beth nang magsalita ito. “Hoy! Anong karapatan mong insulthin ang amo ko, huh?” bigla nitong hinarap ang babaeng hindi pa rin nawawala ang mainsultong ngiti, “Fyi! Mas maganda sa’yo si Ma’am Raiah!” Mapang-uyam na tumawa ang babae, “Baka noon. Aminado naman akong maganda talaga siya... noon.” “Aba’t —” Susugurin sana ni Beth ang babae nang kaagad ko siyang pigilan, “Beth, tama na. Huwag mo nang patulan.” “Pero, Ma’am —” Pinisil ko nang marahan ang braso niyang hawak-hawak ko at tipid siyang nginitian, “Pagpatuloy na lang natin ang pamimili natin.” Bumuntong-hininga naman siya at hindi na nagsalita pa. Samantala, bago ako lumakad, tiningnan ko pa ang supistikadang babaeng nang-uuyam pa ring nakatingin at nakangiti saakin saka ko siya nilagpasan. Matapos naming mamili ni Beth, bumalik na rin kami sa van. Puro ang talak ni Beth dahil sa nangyari. “Naku, Ma’am! Hindi ko alam kung ba’t hinayaan mo lang lait-laitin ka nung babaeng iyon parang ispasol ang mukha.” Hindi na ako nagsalita kaya hindi na rin niya ako kinausap. Narinig ko ang pagtanong ni Mang Ben sa kanya kung anong nangyari kaya sila na ang nag-usap sa harapan. Nanatili naman akong tahimik sa likuran. Inaalala ang sinabi ng babae kanina. “Para kang pinagsawaan ng asawa.” Napayuko at napatitig sa singsing na nasa daliri ko. Marahan ko iyung hinaplos. Matapos nang ilang sandali, nag-angat din ako ng mukha. Hanggang sa mahagip ko ang repleksyon ko sa rear view mirror. “Para kang pinagsawaan ng asawa.” I couldn’t help but stared at my face. Ganun pa rin naman ang mata ko. Mahaba pa rin ang pilikmata ko. Malalim pa rin. Pero kitang-kita ang eyesbags sa ilalim nito. My cheeks is a bit red. Wala naman akong nilagay na make-up kaya siguro dala ng init ng panahon. Wala sa sariling napadila ako nang mapansin ko ang bahagyang pamumutla ng labi ko. Hindi naman kasi ako madalas maglagay ng lipstick or lipgloss. Wala rin ako sa sariling napahawak ako sa naka-messy bun kong buhok. Ramdam na ramdam ko ang pagka-dry nito. Hindi ko na alam kung ilang buwan na noong huli akong nakapasok sa salon. Bumuntong-hininga ako at tinigilan ko ang panunuri sa mukha ko saka ko itinuon ang atensyon sa labas ng van. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang salon. “Mang Ben, puwede po bang patabi muna sandali ng sasakyan.” wala sa sarili kong sabi habang nakatingin pa rin sa salong nalagpasan na namin. Kitang-kita ko sa gilid ng mata kong nagkatinginan sina Mang Ben at Beth. Mukhang nagtataka sila kung ba’t ko pinapatabi ang sasakyan. Pero nang maglaon, tuwang-tuwa si Beth nang pumasok kami sa salon. Agad kaming sinalubong ng beki na may iba’t ibang offer saamin. “I want you to cut my hair like this.” sabi ko sabay hawak sa bandang balikat ko nang maupo ako sa isang upuan, kaharap ng isang salamin kung saan kitang-kita ang kabuoan ng mukha ko. “Ay! Si Ma’am, magmo-move on?” sabi ng beki na maggugupit sa buhok ko. Natawa ako nang marahan saka umiling, “Hindi.” “Wow! Mukhang bongga ang lovelife niyo, Ma’am, ah!” Ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya. Mayamaya, nagsimula na siyang gupitan ang buhok. Medyo nanghinayang pa ako sa buhok ko dahil matagal-tagal ko ring pinahaba ang taga-baywang kong buhok dati. At sa isang iglap lang hanggang balikat na lang. Hindi ko inaasahan na tatagal kami sa salon. Napansin din kasi ng beking gumupit sa buhok ko ang pagka-dry at pagkawalang buhay nito kaya in-offer-an niya ako na ayusin. Maging ang mukha ko, pinagdisketahan niya rin. Hindi na ako umalma dahil naisip ko ring matagal-tagal na rin mula nang huli akong mag-ayos ng sarili mula nang makapag-asawa ko. Matapos nang halos tatlong oras, hindi lang ang beki ang natuwa sa bagong ayos ko. Maging ako, hindi kapaniwala na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Hindi ko alam na puwede ko pang ibalik ang dating ayos ko. Ang dating ako. “Ang bongga! Ang ganda niyo po, Ma’am!” Sunod-sunod na papuri ang narinig ko sa loob ng salon. Maging si Beth, hindi kapaniwala sa bagong ayos ko. Matapos kong magpaayos ng buhok at mukha sa salon, naisipan kong dumaan sa mall. Bumili ako ng bestida. Mas lalong natuwa si Beth nang isuot ko ang isang bestida na napili ko. “Omg, Ma’am!” Pumapalakpak pa si Beth nang lumabas ako sa fitting room. Matapos kong tingnan ang sarili ko sa repleksyon ko sa salamin, nakangiti akong humarap kay Beth. “Maganda ba? Bagay ba saakin?” She raised his two thumbs as she smiled ear to ear, “Bagay na bagay po, Ma’am! For sure mai-inlove ulit sa inyo si Sir Khalid!” My smile widened, “Sa tingin mo? He’ll like my new look?” Unti-unting napawi ang ngiti niya matapos ng tanong ko. Mayamaya, unti-unti niyang ibinaba ang magkabilang kamay niya at naging pilit ang ngiti niya. “O-Oo naman po.” Napangiti ako nang mapait. Hindi na ako nagsalita pa at muling humarap sa salamin saka ko tinitigan ang repleksyon ko rito. Napabuntong-hininga ako mayamaya. Matapos iyon, niyaya ko nang umuwi si Beth at Mang Ben sa bahay. Pagdating namin at pagpasok namin sa bahay, halatang nagulat din ang mga kasambahay sa bagong ayos ko. “Hija!” gulat na salubong saakin ng mayordomang si Nanay Myrna. Hindi pa agad siya nakapagsalita, napatitig siya sa mukha ko. Nakitaan ko siya ng pagkamangha kaya napangiti ako. “Nanay Myrna, ako lang po ito.” Napakurap siya sa sinabi ko at bahagyang ngumiti, “Ang ganda-ganda mo sa bago mong gupit, hija. Pero noon pa man, maganda ka na talaga, hija.” I smiled, “Salamat po,” sabi ko saka bahagyang tumungo, “Sige po. Aakyat na po ako sa taas.” sabi ko pa saka nagsimulang umakyat sa hagdanan. “Ay, hija! Huwag ka munang umakyat diyan!” pigil saakin ni Nanay Myrna pero hindi ako nagpapigil lalo na’t may kailangan din akong kunin sa kwarto ko. Pagdating ko sa pinto ng kwarto ko, nakangiti kong pinihit ang siradura ng pintuan. Pero kaagad ding napawi ang ngiti sa labi ko nang makarinig ako ng ingay sa loob ng kwarto. “Ahh! Ahh! Baby, bilisan mo pa!” Nanginig ang kamay kong nakahawak sa seradura. Agad ko ring naramdaman ang pamumuo ng luha sa mata ko at paglandas nito sa pisngi ko. Naramdaman ko rin ang paninikip ng dibdib ko. “Idiin mo pa, baby! Ohhh!” Hindi ko na kailangang tanungin ang sarili ko kung anong ginagawa nila sa loob ng kwarto. Napangiti ako nang mapait kahit parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Khalid, my husband, is having s*x with his other woman again. Napapikit ako. Dapat masanay na ako. Ilang buwan na ring ganito si Khalid matapos nang nangyari. Dapat masanay na akong lagi ko silang naabutan ng babae niya, pero hindi, ‘e. Masakit pa rin sa tuwing naririnig o minsan naabutan ko siyang ginagawa iyon sa ibang babae na dapat saakin niya ginagawa. Kasi ako ‘yung asawa niya. Bumuntong-hininga ako at maingat ko na lang isinarado ang pintuan. Pinalis ko ang luha ko saka ako tumalikod sa pintuan. Lalakad na sana ako nang makita ko si Nanay Myrna na nakatayo sa harapan ko. Bakas sa mukha niya ang simpatya. Ngumiti ako, “Huwag mo akong bigyan nang ganyang tingin, ‘Nay. Okay lang po ako.” “Talaga ba, hija? May ganyang ayos ba na nagpupunas ng luha?” Hindi ko na napigilang mapaiyak, “Ang sakit, Nanay. Ako ‘yung asawa.” “‘Yon na nga, hija. Ikaw ‘yung asawa. May karapatan kang palayasin ang babae ni Khalid dito sa bahay. Dahil bahay niyo ito. Bahay mo.” Napayuko ako para pigilan ang paghagulgol ko. Mayamaya, muli rin akong nag-angat ng mukha. “Pero, ‘Nay —” Naputol ang salita ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kaagad akong napaharap dito na sana, hindi ko na lang ginawa dahil bumungad saakin si Khalid na nakaakbay sa babae niya at naghahalikan pa. Natatawang inilayo ng babae ang mukha kay Khalid at pabiro pa nitong hinampas ang hubad-barong dibdib ng asawa ko. “Ikaw talaga. Sabi nang mamayang gabi na ulit, ‘e.” Napalunok ako at gusto kong iiwas ang tingin sa kanila pero hindi ko na rin nagawa lalo na nang mapatingin saakin ang babae. “Oh!” Dahil duon, napatingin din saakin ang asawa ko. Nawala ang ngiti sa labi nito nang makita ako, pero hindi ko man lang siya nakitaan ng gulat. Mayamaya, ngumisi pa ito. “Oh, nandito na pala ang magaling kong asawa.” Napaiwas ako ng tingin sa uri ng pagtitig niya saakin at ganun din sa pagiging sarkastiko ng boses niya. Mayamaya, nilagpasan nila ako. Sinadya pa akong banggain ng babae nito sa balikat ko. “Nay Myrna, pakiluto nga ng kaldereta si Queenie. Naglilihi po kasi siya, ‘e.” Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Nanay Myrna, “Anong naglilihi, hijo?” Narinig kong natawa nang marahan si Queenie, my husband’s other woman, “Naglilihi po ako, ‘Nay. Magkakaanak na po kami ng alaga niyo.” Narinig ko ang muling pagsinghap ni Nanay Myrna, pero hindi na siya nakapagsalita pa. Narinig ko na lang ang palayong yabag ng dalawa at ang hagikhikan nito. Samantala, kahit ilang minuto na mula nang makalayo ang dalawa, hindi pa rin ako nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla sa nalaman ko. Why, Khalid?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook