KABANATA 2

3983 Words
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi dahil sa pangungulit saakin ni Khalid at pagsagot sa Math. Ni hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa study table ko. Nagulat na lang ako pagkagising ko, mataas na ang sikat ng araw at pumapasok pa ang rays nito sa loob ng kwarto ko. Kaya naman, nagmamadali akong naligo at nagbihis ng uniporme. Pagbaba ko, wala na rin ang mga magulang at nakakabata kong kapatid. Oh my God! Bakit hindi nila ako ginising? Dahil duon, agad kong inutusan ang driver ko. Habang nasa byahe, panay ang tingin ko sa wrist watch ko, nagbabasakaling magbago ang oras kahit alam kong imposible na talaga. Late na ako! Pagkahinto na pagkahinto ng pick-up namin sa tapat ng paaralan, kaagad akong bumaba at tumakbo papasok sa paaralan, patungo sa classroom namin. Ni wala na akong nakikitang naglalakad na kapwa ko estudyante. Mukhang halos lahat nasa classroom na. Habol ko ang hininga ko nang makarating ako sa tapat ng classroom namin. Ilang segundo ko pang pinakalma ang sarili ko bago ako nagdesisyon pumasok sa loob. Pero hindi rin natuloy ang akma kong pagpasok nang makita ko ang istrikto naming teacher na si Mrs. Evangelest na nagdi-discuss sa harapan namin. Nakagat ko ang ibabang labi ko at nagdesisyong huwag na lang tumuloy. Patay kasi ako kapag pumasok pa ako. Bawal pa naman ang late sa klase niya. Hahakbang na sana ako para pumunta na lang sa cafeteria nang mahagip ko ng tingin si Khalid. He’s looking at me too. Mayamaya, tumingin siya sa harapan at nagtaas ng kamay. “Ma’am! I can answer that!” he said. “Okay, Mister Villarreal, if you can answer this, you are exempted from the long quiz on Friday.” Nakangiti siyang tumayo at sandali pa niya akong sinulyapan bago tumungo sa harap ng pisara. Dahil nasa likod ako dadaan at nasa harapan naman ang pisara, kapag hindi nakatingin ang terror naming teacher, magagawa kong makapasok nang hindi niya napapansin. Malaki ang pasasalamat ko dahil alam kong hindi pa siya nagchi-check ng attendance. Last minute na kasi siyang nagchi-check ng attendance. At saka sa dami namin sa classroom, hindi naman siguro niya ako napansin na wala kanina, hindi ba? Kaya naman, ginamit ko ang pagkakataong nakatingin siya kay Khalid na nagsasagot ng Math problem sa pisara. Dahan-dahan at maingat akong naglakad papasok sa loob. Napansin ng ibang kaklase ang pagpasok ko, pero mabuti na lang at hindi nila ako binuko. Maging ‘yung mga kaklase kong may inggit saakin, tiningnan lang din ako, pero hindi rin naman nila ako sinumbong. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating at makaupo ako sa upuan ko nang hindi ako napapansin ng terror naming teacher. Saka ko lang din namalayang kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. “Done!” Napatingin ako sa pisara nang marinig ko ang boses ni Khalid. Nakita kong mukhang tapos na niyang sagutan ang Math problem sa pisara. “Are you sure of your answer, Mister Villarreal?” our terror teacher asked him. “Yes?” Dismayadong nailing-iling ang terror naming teacher, “Mali. You are not exempted from the long quiz on Friday. Go back to your seat now.” Wala namang sinabing lumakad si Khalid pabalik sa upuan niya, sa tabi ko. Pabalik palang siya, tumingin siya saakin at kinindatan niya akong ikinalunok ko. Pagkalapit niya, umupo siya sa tabi ko, “Ayos ba?” Binalingan ko siya at tipid ko siyang nginitian, “T-thank you.” Alam ko naman kung bakit nag-volunter siyang magsagot sa pisara kahit alam kong mahina siya sa Math. Ginawa niya iyon para makapasok ako nang hindi napapansin ng terror naming teacher. Hindi ko nga lang alam kung ba’t niya ginawa iyon. He smirked, “Wala iyon. Bayad ko sa pagpapakopya mo saakin sa Math,” he said and winked. Kapagkuwan, tinaasan niya ako ng kilay, “Bakit ka nga pala late?” I bit my lower lip, “N-napuyat ako.” nahihiya kong pag-amin. Natawa siya nang mahina, “Napuyat ba kita?” sabi niya, pero mayamaya biglang nagsalubong ang kilay niya nang bahagya, “O baka naman may iba kang pinagpuyatan? Manliligaw?” Umiling ako, “W-wala.” Nawala ang pagsalubong ng kilay niya. Tumango saka muling tumingin sa harapan habang may sinusupil na ngiti sa labi. “Faster! Whoever can answer the problem on the board will be exempted from the long quiz on Friday,” sabi ng terror teacher namin kaya napatingin ako sa harapan, “Miss Velasquez? Oh you’re there! I didn’t notice you earlier.” “Uhm,” I bit my lower lip. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng kaklase kong si Carla. “Ma’am, Raiah is la—” Hindi ko alam kung bakit natigil siya sa pagsasalita. Nakita ko siyang napalunok at biglang napalitan ng takot ang mukha niya habang nakatingin kay Khalid. Hindi ko tuloy napigilang mapabaling sa katabi ko. Pero hindi ko naman makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakatingin din siya kay Carla. Mayamaya, napatikhim si Carla kaya muli kong ibinaling sa kanya ang atensyon ko. “I mean, galing po siya... Yeah. Galing po siya sa restroom kaya po siguro, hindi niyo po siya napansin.” “Is that so?” our terror teacher. “Yes, Ma’am.” si Carla. “Thank you, Miss David. You may sit.” Pasekreto akong inirapan ni Carla matapos ng sinabi ng terror teacher namin bago siya umupo. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin, muli ko na lang ibinalik ang atensyon ko sa harapan. “Miss Velasquez..” our terror teacher called me, “Can you answer this problem on the board? If you can answer this, you’ll be exempted on Friday.” Napatingin ako sa mga kaklase ko. Wala naman silang sinabi at nakatingin lang din sila saakin. Kapagkuwan, napabaling din ako sa katabi ko. Napalunok ako nang makitang nakatingin din siya saakin. Nakangiti siyang tumango saakin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at bumuntong-hininga saka tumayo. Lumakad ako papunta sa harapan. Kumuha ako ng chalk sa chalk box sa harapan at lakas loob kong sinagutan ang Math problem sa pisara. Wala pang tatlong minuto, nasagutan ko naman kaagad iyon. I heard our terror teacher clapped her hands kaya kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag at napangiti ako. “Very good, Miss Velasquez. Because of that, you are exempted on Friday,” she said then faced my classmates, “Now, you already know how to solve it? It’s very simple. Why can’t you do it like Miss Velasquez? Especially you, Mister Villarreal. Do you get it now?” Khalid smiled, “Yes, Ma’am,” he said saka siya bumaling saakin. He raised his two thumbs and mouthed ‘Ang galing mo.’ that made me smiled a little. Matapos ng klase, kaagad akong nilapitan ng tatlo kong kaibigan. “Pahingi naman ng talino mo, friend! Tangina talaga. Maganda na, mayaman na at matalino pa!” Nailing-iling akong nangingiti sa sinabi ni Louise, “Hindi ako mayaman. Magulang ko ang mayaman.” “At humble pa!” natatawa at sabay na dagdag ni Yolan at Mildred. Pabiro ko na lang silang inikutan ng mata, pero hindi ko rin napigilang mapangiti. Napatigil lang sila at maging ako, napatigil sa pagliligpit ng gamit nang biglang sumulpot si Khalid. Nagsimula na naman tuloy uminit ang ulo ng tatlo kong kaibigang certified hater niya na yata forever. “At ano namang ginagawa mo rito, kutong lupa ka?” Sa halip na sagutin niya ang tanong ni Yolan, bigla niyang inilagay ang palad niya sa noo nito at bahagyang tinulak nang hindi inaalis ang tingin saakin. Ganun din ang ginawa niya kay Louise at Mildred. Napalunok ako nang lumapit siya saakin, lalo na nang ilagay niya ang mga kamay niya sa sandalan ng upuang nasa harapan ko, tapos ‘yung isa sa armchair ng inuupuan ko. Hindi niya pinansin ang pagreklamo ng tatlo sa likuran niya. Lumunok muna ako bago nagsalita, “W-why?” Bumaba ang mga mata niya sa labi ko bago pumikit nang mariin at muling tumingin sa mata ko, “Have you forgotten what I told you last night?” “Ha?” He cursed, then he looked away and murmured something. Matapos iyon, muli siyang tumingin saakin. “The lunch.” he said. “Ahh,” Napatango na lang ako nang maalala kong sinabi nga niya palang ililibre niya ako ng lunch kapag tinulungan ko siya sa Math. Pero hindi ko naman alam na seryoso pala siya ruon sa sinabi niya kaya napangiti ako nang alanganin. “E-eh kasi —” Naputol ang salita ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at basta na lang akong hinila palabas ng classroom. “T-teka. ‘Yung bag ko.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Patuloy lang niya akong hinihila. Narinig ko na lang ang boses ng tatlo kong kaibigan mula sa likuran ko. “Hoy, hampas kulugo! Saan mo dadalhin ang kaibigan namin!” Tinaas niya ang kamay niya nang hindi nililingon ang mga kaibigan ko, “Pahiram ng kaibigan niyo! Kidnapin ko lang sandali!” “Tangina mo, hampas lupa! Baka anong gagawin mo riyan! Patay ka talaga saamin!” Humalakhak lang si Khalid sa sinabi ni Mildred at hindi na nito sinagot pa. Patuloy lang siyang lumalakad habang hila-hila ako. “S-saan mo ba ako dadalhin?” hindi ko napigilang itanong sa kanya. Hindi ko alam kung anong pagtutuunan ko ng pansin. Ang kamay kong hawak-hawak niya o ang mga estudyanteng nakatingin saamin lalo na sa mga kamay namin. This is the first time he held my hand. At hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Masaya at the same time, naiilang. Sino ba namang hindi maiilang kung halos lahat ng nadadaanan naming estudyante, napapatingin saamin? Para ring may nagkakarerahang kabayo sa puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Mayamaya, bahagya niya akong nilingon matapos ng tanong ko, “Sa CR.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya bigla niyang tinawanan ang reaskyon ko. “Damn, Raiah,” nailing-iling siya habang may sinusupil na ngiti sa labi, “Matalino ka, pero makakalimutin ka rin pala? ‘Di ba sabi ko nga, ililibre kita ng lunch dahil pinakopya mo ako sa Math?” Napalunok ako at hindi na nagsalita pa. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil akala ko talaga dadalhin niya ako sa CR. At saka ngayon lang din nag-sink in saakin. That was the first time he called me by my name! Halos dumugo na ang labi ko sa sobrang diin ng pagkakagat ko nito dahil sa pagpipigil ng ngiti. Kapagkuwan, bumaba ang mata ko sa kamay kong hawak niya. Parang biglang nawala sa isip ko ang mga estudyanteng nakakasalubong at nadadaanan naming napapatingin saamin. Bigla akong nawalan ng pakialam sa kanila. Ang nasa isip at inaalala ko lang ngayon ay ang kamay kong hawak-hawak ng taong gusto ko. Nawala lang ang atensyon ko sa kamay namin nang mapansing sa halip na sa cafeteria niya ako dalhin. Dinala niya ako rito sa burol, na sa likod lang naman ng building namin. Hindi ko alam kung manghihinayang ako nang binitawan niya ang kamay ko para harapin ako. “A-anong ginagawa natin dito?” I couldn't help but asked him. He smirked, “Dinala kita rito para itulak ka at para wala nang magpi-feeling maganda rito sa campus.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong simangutan siya. Bakit ba sa dami ng taong maging mean saakin, siya pa? Tinawanan lang niya ang reaksyon ko saka binuksan ang bag niyang dala. Ngayon ko lang napansin ang malaking bag niya. At may bag siya! Hindi naman siya nagdadala ng bag, ‘e! At bakit ang laki naman yata ng bag niya? Nasagot ang tanong sa isipan ko nang may inilabas siyang picnic blanket mula rito na ikinagulat ko. Tumingala siya sandali. He groaned, “Huwag tayo rito. Maiinitan tayo rito mayamaya,” sabi niya saka luminga-linga sa paligid. Mayamaya ngumisi siya habang nakatingin sa isang punong hindi kalayuan saamin, “Duon tayo!” Muli niyang isinukbit ang bag niya sa kabilang balikat niya saka lumakad. Kahit nagtataka at naguguluhan pa rin ako, sumunod na lang din ako sa kanya. Nang makalapit kami ruon sa may puno, inilatag niya ang picnic blanket sa may lilim. Napalunok ako nang abutin niya ang kamay ko at hinila paupo sa may blanket. Hindi napawi-pawi ang ngiti niya habang may kung anong kunikuha siya sa bag niya. He looks so happy. Nawala lang ang atensyon ko sa masaya niyang mukha nang makita ko ang sunod niyang inilabas mula sa bag niyang ikinasinghap ko sa gulat. May inilabas siyang anim na container na may iba’t ibang putahe ng ulam, kanin at dessert. Tapos may inilabas din siyang mineral water. Huli niyang inilabas ang dalawang malalaking mansanas at saging. Itinabi niya ang bag saka siya bumuntong-hininga, “Let’s eat.” Binuksan niya ‘yung isang container na naglalaman ng kanin at ibinigay saakin. Nag-aalangan pa akong kunin iyon dahil nagugulat pa rin talaga ako sa nangyayari. Inabutan niya rin ako ng kutsara at tinidor. “T-thank you.” He smiled. Binuksan niya rin ang ibang container na may iba’t ibang putahe ng ulam. Nagulat pa ako nang lagyan ng ulam ang container na hawak ko. “That’s enough. Ang dami na. Baka maubusan ka.” He chuckled, “It’s okay. Kaysa naman ikaw ang mawalan.” Napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakatingin din siya saakin habang nakangiti. Dahil hindi ko nakayanan ang titig niya, iniwas ko na lang ang tingin sa kanya. “T-thank you.” sabi ko na lang. “Enough saying thank you. Kumain ka na lang.” Hindi ko na siya binalingan, pero ginawa ko ang sinabi niya. Nagsimula akong kumain. Ni hindi ko malasahan ang kinakain ko at halos hindi ko malunok, hindi dahil hindi masarap, kundi dahil ramdam na ramdam ko ang titig niya saakin kahit hindi ko naman siya tinitingnan. “S-stop starting.” hindi na ako nakatiis. He chuckled, “Wow! You’re so full of yourself. I’m not staring at you, fyi. Tinitingnan ko ‘yung babae at lalaki ruon oh.” Napatingin ako sa kanya para sundan ang tinitingnan niya. Mayamaya, hindi ko na alam kung anong dahilan ng unti-unting pag-iinit ng pisngi ko. Ang pagkapahiya ko sa pag-aakalang ako ang tinititigan niya o nang makita ko kung anong ginagawa nung babae at lalaking hindi kalayuan saamin. They’re kissing! Dammit! Narinig ko na lang ang halakhak ni Khalid. Napansin niya siguro ang pagkapahiya ko kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili kong simangutan siya. Nailing-iling siyang natatawa pa rin, “Hindi ko alam na mayabang din pala ang campus crush ng NCA.” Mas lalo ko siyang sinimangutan pero hindi na ako nagsalita pa. Kumain na lang ako nang kumain. “Miss feeling maganda, hindi lahat ng lalaki gugustuhin at tititigan ka.” Hindi ko pa rin siya sinagot. Pinuno ko na lang ang bibig ko ng kanin habang uma-agree ako sa isipan ko sa sinabi niya. ‘Oo naman. Tulad mo. Hindi mo ako gusto. Kaya pasensiya ka na, ha? Pasensiya na kung nag-assume ako.’ “But, Raiah,” he paused, “Have you ever been kissed?” Bigla ko yatang nailabas lahat ng nginunguya kong pagkain at meron din namang pumasok sa lalamunan ko dahilan nang sunod-sunod kong pag-ubo ko sa gulat dahil sa tanong niya. “Tangina!” Kaagad niyang binuksan ang mineral water at lumapit saakin saka dali-daling pinainom saakin. Marahan niyang hinagod ang likuran ko habang pinapainom niya ako ng tubig. “Tangina,” he cursed again, “Mag-iingat ka naman sa pagkain, Raiah!” pagalit niyang sabi saakin. May isa pa akong nahimigan sa boses niya, pero hindi ako sigurado kaya hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Matapos kong makailang lagok sa bottled water, tumigil din ako sa pag-inom. Hinaplos ko pa ang dibdib ko at nang medyo um-okay na ang pakiramdam ko, binalingan ko siya at hindi ko napigilan ang sarili kong samaan siya ng tingin. “Nag-iingat ako. Ikaw itong nanggugulat.” Napanganga siya at natawa siya nang hindi kapaniwala, “Paano kita nagulat? At anong nakakagulat sa tanong ko kung nahalikan ka na ba?” Hindi ako sumagot at napaiwas ng tingin sa kanya. Samantala, bumuntong-hininga naman siya, tumayo at bumalik sa puwesto niya kanina. Ilang segundo siyang natahimik. Pero ramdam kong nasa banda ko ang mga mata niya. Ayaw ko na ulit mag-assume. Mamaya, hindi naman pala ako tinitingnan niya. “So, you haven’t been kissed?” Napabaling ako sa kanya at nagawa ko siyang sinimangutan kahit ilang na ilang ako sa tanong niya. “Ano naman ngayon?” He smirked. Later on, his smirk turned into chuckle. “Oh, the campus crush never been kissed, huh? I see.” he teased. “Bakit ba ang big deal sa’yo kung may nahalikan na ako o wala pa?” inis kong sabi sa kanya, “Bakit ikaw? May nahalikan ka na ba?” dagdag kong tanong na sana’y hindi ko na lang ginawa. No need to ask that stupid question, Raiah! Dahil alam ko na ang sagot duon! He smirked, “Not just a kiss.” Sabi na, ‘e! Ayan! Magtanong ka pa, Raiah. Ikaw tuloy ang nasasaktan. “Gusto mong malaman kung ano pa ang nagawa ko?” dagdag niyang pang-aasar. “Shut up!” Natawa siya, “Ang pikon naman ng moya lyubov'.” Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naunawan ang sinabi niya, “Anong sinabi mo?” He smirked, “Wala. Just continue eating.” Hindi na ako nagsalita pa at ginawa ko na lang ang sinabi niya. Nagpatuloy ako sa pagkain. Muli kaming natahimik matapos iyon. Pero ramdam kong nasa banda ko pa rin ang mga mata ko. Tulad ng sinabi ko kanina, ayaw kong mag-assume na ako ang tinitingnan niya dahil baka mapahiya na naman ako. Mayamaya, bumuntong-hininga ako at hindi na ako nakatiis. Bumaling ako sa kanya. Hindi lang man siya nagulat sa pagbaling ko. “Oo nga pala. May tanong ako.” He smiled, “What is it?” “Uhm,” I bit my lower lip, “This,” tukoy ko sa nakahandang pagkain at maging blanket na rin, “Did you prapare all of these for me?” tanong ko. Kanina pa kasi bumabagabag saakin iyon. We’re just like a couple having a date! Picnic date! Nakagat ko ang ibabang labi ko sa naisip ko. At hindi ko alam ang gusto kong maramdaman. Samantala, bigla siyang naubo sa tanong ko. Kaagad niyang binuksan ang mineral water at kaagad na uminom. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong iyon din ang ininuman ko kanina! Ngayon ko lang din napagtantong isang mineral water lang din ang dala niya. Napalunok ako. Tumikhim siya matapos niyang uminom ng tubig. Hindi na rin siya makatingin nang diretso saakin. “Hindi, ‘no! Ang assumera mo talaga, ‘no?” Gusto kong sumimangot sa sinabi niya, pero iniisip ko pa rin ang ginawa niyang pag-inom sa mineral water na ininuman ko. Pakiramdam ko, nahalikan na rin niya ako! Shocks, Raiah! Magtigil ka! “Nagkataon lang na birthday ng isang kasambahay namin sa bahay. They’re like a family to us kaya naghahanda rin kami para sa kanila. And Nanay Myrna insisted that I should bring a food for lunch, para hindi na ako kumain sa canteen.” “Nanay Myrna?” He smiled, “Mayordoma namin. At nag-aalaga rin saakin noong bata ako sa tuwing nasa Russia ang mga magulang ko.” Napatango na lang ako at wala nang sinabi pa. Ramdam kong mukhang special talaga sa kanya ‘yung Nanay Myrna. “Do you want to meet her?” Nagulat at napakurap ako sa tanong niya. “Ha?” “My Nanay Myrna. Do you want to meet her? Puwede kang pumunta sa bahay.” Natawa ako nang alanganin sa sinabi niya saka umiling, “H-hindi na. At saka kapag pumunta ako sa bahay niyo, ano naman ang ipakilala ko? I’m not your girlfriend.” He smirked, “Bakit? Kailangan bang maging girlfriend muna kita bago kita madala sa bahay?” Napalunok ako sa tanong niya. Girlfriend? Oh my God. Hindi ko napigilang isipin kung anong pakiramdam kung naging boyfriend ko siya. Napakurap lang ako nang humalakhak siya, “Miss feeling maganda, hindi lahat ng dinadala sa bahay, girlfriend. Puwedeng kaklase o kaibigan. Pero kung gusto mo talaga. Kapag pumunta ka sa bahay, sabihin mo girlfriend kita. Ayaw mo ‘yon? Hindi ka na lugi saakin.” he said and winked. Naramdaman ko ang agarang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. Mabuti at hindi na niya ako inasar tungkol duon. Pinagpatuloy namin ang tahimik na pagkain namin. Huli naming kinain ang dessert na Leche Plan. Hindi ko napigilan ang ngiti ko habang kinakain ang Leche Plan. Ang sarap. Favorite ko na yata ‘to. “Did you like it?” Khalid asked when he noticed my smile while I am eating Leche Plan. Tumango ako, “Masarap kasi. Favorite ko na ‘ata ‘to.” He smiled, “Gusto mo dalhan pa kita bukas? I’ll ask Nanay Myrna.” Kahit natutukso akong um-oo sa sinabi niya, umiling pa rin ako, “Hindi na. Nakakahiya.” Umingos siya, “Tss. Nanay Myrna will be glad if she know that you liked her Leche Plan.” Napakurap ako, “She made this?” He nodded, “Yeah. That’s her speciality.” I bit my lower lip and nodded, “Tell her I liked it. Masarap. At pakisabi na rin thank you.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang din niya akong tinitigan. Dahil naiilang na ako sa titig niya, iiwas na sana ako ng tingin nang ngumiti at tumango siya. “I’ll tell her.” he said and looked away, biting his lower lip. Nagpatuloy kami sa pagkain ng Leche Plan. Or should I say ko. Binigay niya kasi saakin lahat kasi busog na raw siya. Sinabi niyang ubusin ko raw lahat. Binantaan niya pa akong kapag hindi ko raw inubos, may gagawin daw siyang hindi ko magugustuhan. Kaya wala akong nagawa kundi ubusin ang Leche Plan kahit busog na busog na ako. At isa pa, masarap naman kaya ayos lang. Matapos kong kumain, siya na rin ang nagligpit ng mga gamit. Ibinalik niya lahat ng iyon sa bag niyang dala. Matapos iyon, sabay kaming naglakad paalis sa burol. Tahimik ako at ganun din siya habang naglalakad kami. Hindi ko alam ang iniisip niya. Samantala, ako, iniisip ko naman kung paano ko siya pasasalamat sa libreng lunch. Ito na yata ang pinakamasayang lunch na nangyari sa buong buhay ko. Ang makasama siya sa pagkain ay malaking bagay para saakin. Halos maramdaman ko na ang pagbubunyi ng puso ko dahil sa nangyari. “Raiah..” Napakurap ako at napatingin sa katabi ko. Kaso ganun na lang ang pagtataka ko nang hindi ko na siya nakita sa tabi ko. Kunot noo akong lumingon sa likuran ko. At nakita ko siyang nakatayo, dalawang metro ang layo saakin. Ganun na ba kalalim ang pag-iisip ko para hindi ko mamalayang tumigil siya sa paglalakad? “Here...” May bigla na lang siyang itinapon saakin, mabuti na lang at nasalo ko naman. Kumunot ang noo ko nang makita kong mansanas iyon. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya, “What is this for? Busog na ako.” He smiled, “I already know your favorite dessert. And I want you to know my favorite. That’s my favorite. Don’t forget that, okay?” Hindi na ako nakapagsalita. Itinaas niya ang kamay niya at nakangiti itong ikinaway, “See you later, moya lyubov'.” Matapos niyang sabihin iyon, tinalikuran niya ako at unti-unting lumakad papalayo saakin. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin. Mayamaya, napatingin ako sa mansanas na hawak-hawak ko. Hindi ko napigilang mapangiti. So, his favorite fruit is apple, huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD