“Ano ba ‘yan! Ilang araw na tayong walang ayuda.”
Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Louise. Ang tinutukoy niyang ayuda ay ang mga regalong natatanggap ko mula sa admirers ko na sa kanila naman napupunta.
Paano, mula nang kumalat ‘yung rumors tungkol saamin ni Khalid, wala nang lumalapit saakin para magbigay ng regalo. Kung dati, walang araw na hindi ako nakakatanggap ng regalo mula sa kanila, ngayon wala na talagang may nagbibigay. At ilang araw na rin ang nakalipas.
Wala lang naman iyon saakin. Ang totoo masaya pa nga ako, ‘e. At least, ngayon, naramdaman ko na ring magkaruon nang tahimik na buhay estudyante. At pinagpasalamat ko iyon sa nagkalat ng rumor. Kahit rumor lang iyon, at least, natigil ang mga admirers ko.
“Kasalanan talaga ‘to ng kulugo na ‘yon! Kaunting-kaunti na lang, itutuloy ko na talaga ang pag-salvage sa kutong lupang ‘yon.”
Nailing-iling akong nangingiti.
Araw-araw rin, palagi nilang sinisisi si Khalid kasi dahil nga sa kanya wala na akong natatanggap na regalo mula sa admirers ko.
Speaking of him. Nagpatuloy rin ang pagpapalitan namin ng chats tuwing gabi at bago matulog. Kinuha na nga rin niya ang number ko, ‘e.
Anong meron kami? Hindi ko alam at ayoko rin namang mag-assume lalo na’t mahirap talagang mag-assume dahil masasaktan ka lang. Mas gusto kong isipin na friends kami. Yeah. We’re just like that. At sa totoo lang, okay lang saakin iyon. Kuntento na ako sa pagkakaibigang mayroon kami ngayon.
At least, ‘di ba? ‘Yung crush ko kaibigan ko at ka-chat ko pa gabi-gabi. Hindi tulad ng iba riyan na hanggang tingin lang sa green na bilog sa gilid ng profile ng mga taong gusto nila.
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may biglang umupo sa tabi ko. I automatically smiled when I saw him. Kabaligtaran naman iyon ng mga kaibigan kong naririnig ko na naman ang pag-alma sa katabi kong mukhang wala namang pakialam sa kanila. Nakatingin lang siya saakin.
“Anong ginagawa mo?” he asked when he noticed that I am busy. Nagli-letters cut ako.
“Project.”
Ni-check niya ang ginagawa ko, then he frowned, “Ang tagal pa ng pasahan niyan. At saka bakit mo rito ginagawa rito sa school? Sa bahay niyo na lang gawin iyan.”
I shrugged, “Sayang ang time.”
Umingos lang siya saka may inilabas siya mula sa supot na dala niya. Ipinatong niya iyon sa armchair ng upuan ko. Kaagad akong naglaway nang ma-realize ko kung ano iyon.
I smiled, “Wow! Thank you! Pakisabi rin kay Nanay Myrna, salamat ulit.”
Ilang araw na rin niya akong laging dinadalhan ng paborito kong Leche Plan. Araw-araw, palagi, walang mintis. Kaya nga sobrang tuwa ko kahit magkaibigan lang kami. Lagi naman niya ako ini-spoil ng Leche Plan, ‘e.
“May bayad ‘yan,” napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Ngumisi naman siya sa reaksyon ko, “Kiss. Dito.” sabi niya sabay turo sa pisngi niya.
Unti-unti akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi niya kaya tinawanan lang niya ang reaksyon ko. Hindi pa siya nakuntento. Pinisil pa niya ang pisngi ko.
Napatigil lang siya nang bigla siyang makatanggap ng sapok mula sa isa sa kaibigan ko kaya bigla siyang napamura nang malutong.
“Aray! Tangina!” mura niya habang nakahawak sa ulo niya, “Who did that?”
Matapang na humarap si Yolan sa kanya habang nakahalukipkip, “Ako. Bakit?”
Umigting ang panga ni Khalid at tumayo para harapin ang kaibigan ko, “Ano bang problema mo?”
“Ikaw ang problema namin,” sabi ni Louise at mataray nitong tiningnan si Khalid, “Umamin ka nga, Khalid Evan. Pinopormahan mo ba ang kaibigan namin? Sinadya mo bang yayain siya ng araw na iyon mag-lunch para kumalat na kayong dalawa?”
Hindi kaagad nakasagot si Khalid. Pinantayan lang niya ang titig ni Louise sa kanya, ganun din ni Yolan at Mildred na nasa tabi nito.
Napalunok ako habang pinalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. At dahil hindi na rin maganda ang pakiramdam ko sa labanan ng titigan nilang apat, tumayo na ako para awatin sana sila nang biglang tumawa si Khalid.
“I’m sorry. I can’t help it,” sabi niya. Pinipigilan niya pa ring matawa. Saka nailing-iling na tumingin sa kaibigan ko, “Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung bakit iniisip niyong lahat ng lalaki, magkakagusto at magkakandarapa sa kaibigan niyo.”
Tumigil siya sandali at mas lalong lumapit sa kaibigan ko saka ngumisi.
“Ibahin niyo ako. Ako? Magkakagusto sa kanya?” inilahad niya ang kamay saakin nang hindi man lang ako binabalingan ng tingin, “Sa pangit niyang iyan, magugustuhan ko? Lilinawin ko lang. Wala akong gusto sa kaibigan niyo. Hindi porke, nilalapitan ko siya, ‘e, gusto ko na siya.”
Hindi kaagad nakasagot si Louise at dalawa ko pang kaibigan. Napakurap-kurap lang ito. At nang binalingan ako ni Khalid, kaagad kong iniwas ang tingin sa kanya. Ayokong makita at mabasa niya ang ekspresyon ng mukha ko.
Naramdaman ko ang pagdiin ng kuko sa palad ko sa riin ng pagkakuyom ko nito.
Bakit ganun? Alam ko naman at hindi naman talaga ako nag-a-assume na magugustuhan niya rin ako kagaya ng pagkagusto ng iba saakin. Na hanggang magkaibigan lang kami. Pero bakit ganun? Masakit pa ring marinig mula mismo sa kanyang hindi niya ako gusto.
Lumunok ako para mawala ang bukol na nakabara sa lalamunan ko, “M-may nakalimutan pa pala akong gawin.” sabi ko nang hindi sila binabalingan.
Nagmamadali kong iniligpit ang mga gamit ko. Ramdam na ramdam ko ang titig niya mula sa likuran ko pero hindi ko na muna siya pinagtuunan ng pansin. Nang mailigpit ko na lahat ng gamit ko, nagmamadali akong tumakbo palabas ng classroom. Narinig ko pa ang tawag ng mga kaibigan ko sa pangalan ko, pero hindi ko na sila nilingon pa.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo sa burol. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa punong pinagpuwestuhan namin dati noong nag-lunch kami.
Nang makalapit ako ruon, naupo ako sa bermuda. Isinandal ko ang likod ko sa trunks ng puno saka bumuntong-hininga ulit.
“Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung bakit iniisip niyong lahat ng lalaki, magkakagusto at magkakandarapa sa kaibigan niyo.”
“Ibahin niyo ako. Ako? Magkakagusto sa kanya?.... Sa pangit niyang iyan, magugustuhan ko? Lilinawin ko lang. Wala akong gusto sa kaibigan niyo. Hindi porke, nilalapitan ko siya, ‘e, gusto ko na siya”
Napangiti ako nang mapait matapos kong maalala ang sinabi niya kanina. Himala na lang na hindi ako umiyak. Well, hindi mo naman ako mapapaiyak basta-basta. Maliban kung nasasaktan na talaga ako nang sobra.
Masakit naman ‘yung sinabi niya pero slight lang. Hindi tagos sa buto. Siguro dahil tulad ng sinabi ko, hindi ako nag-assume na gusto niya ako. Ganun siguro? Ewan.
Ilang minuto ang pinalipas ko sa may burol. Ngayon ko lang napagtantong masarap palang tumambay rito. Peaceful, payapa, at tahimik. Paboritong spot ko na yata ito rito sa school.
Kung wala lang akong iniingatang marka tulad ng gusto ni Daddy, hindi ako babalik sa classroom. Kaso meron. Kaya matapos nang ilang minutong tambay ko sa burol, bumalik din ako sa classroom. Halos nagkasabayan lang kami ng teacher namin sa pagpasok.
Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko, ramdam ko ang pagsunod ng tingin saakin ni Khalid, pero hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin. Hanggang makaupo ako sa tabi niya, ramdam ko pa rin ang titig niya, pero hindi ko pa rin siya pinansin o sinulyapan man lang.
Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ng klase. Pero hanggang duon, kitang-kita ko pa rin sa gilid ng mata ko ang paninitig ni Khalid saakin.
Nasa kalagitnaan ng klase nang magsimula siya sa pangungulit saakin.
“Hey..”
Hindi ko siya nilingon.
“Miss feeling maganda..”
Hindi ko pa rin siya nilingon.
“Raiah.. talk to me..”
Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pag-take note ng mga importanteng sinasabi ng teacher namin sa harapan.
“Moya lyubov'...”
Nagtaas ako ng kamay para sagutin ang kasalukuyang tanong ng teacher namin.
“One of the area of Home Economics is cooking. Since food preparation was central to homemaking, cooking is one of the earliest disciplines in home economics.”
Matapos kong sagutin iyon, umupo na rin ulit ako. Pagkaupo ko, narinig ko ang pagmumura ni Khalid sa tabi ko.
“f**k, Raiah,” he groaned. He looks frustrated. I don’t know, “Oo na. Matalino ka na, pero pansinin mo naman ako.”
Tulad kanina, hindi ko pa rin siya pinansin. Ewan ko. Trip ko siyang hindi pansinin. Aaminin kong naiinis ako sa kanya dahil sa sinabi niya kanina.
Hindi pala gusto, ha? Bahala ka riyan!
Hanggang sa matapos ang klase, patuloy niya akong kinukulit. At patuloy ko rin siyang iniignora.
Nang sumapit ang lunch, sumabay ako kay Louise, Yolan at Mildred. Sa bagay, palagi naman kaming magkasamang mag-lunch. Nakisali rin ako sa kuwentuhan at tawanan nila. Mabuti na nga lang at hindi nila ako tinanong kung bakit nag-walkout ako bigla kanina.
“At heto pa. Kilala niyo ‘yung Leon Zelones na taga-ibang school? Oh my gosh! Ka-chat ko siya kagabi!”
Umingos si Louise matapos ng sinabi ni Yolan, “Tss. Huwag ka ngang kiligin. Ang pangit mong kiligin. Nagmumukha kang bisugo. Promise.”
Nailing-iling lang akong natatawa sa mga kaibigan kong nag-aasaran sa harapan ko. Kaagad lang akong napatigil sa pagtawa nang may mahagip ako sa entrance ng cafeteria.
Nakita ko lang naman ang pagpasok ni Khalid, kasama ang mga barkada niya, sa loob ng cafeteria. Nakita ko ang paglinga nito sa paligid na parang may hinahanap. At nang makita kong mapapatingin na siya sa puwesto namin, kaagad kong inilipat ang mga mata ko sa kaibigan kong nag-aasaran sa harapan ko.
Kaso nga lang, wala pang ilang minuto ang nakakalipas, muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang umupo sa harapan ko at pabagsak na ibinaba ang tray nito sa ibabaw ng mesa.
Nang tingnan ko ang taong iyon, napalunok ako nang makita ko ang nakangiting si Khalid, pero may seryosong mga mata. In short, nakakakilabot ang ngiti niya ngayon.
“Ito na naman ang isang bisugo. Ano na namang ginagawa mo rito?” si Louise nang mapansin din ang pag-upo ni Khalid sa harapan ko.
But Khalid didn’t mind her. Nasa akin lang ang seryosong mga mata nito. Ni hindi siya kumukurap.
Nang makabawi ako sa gulat, lumunok ako saka tumikhim bago nagsalita, “A-anong ginagawa mo?”
“Ikaw. Anong ginagawa mo?” ulit niya sa tanong ko, “Bakit mo ako iniiwasan? Bakit mo ako hindi pinapansin? Galit ka ba?”
Dahil hindi man lang siya nag-effort na hinaan ang boses niya at mukhang wala naman siyang pakialam sa paligid, narinig ng mga katabi namin sa mesa ang sinabi niya at nagsimula na silang magbulungan.
Teka. Bulungan ba iyon kung dinig ko naman?
“Hala! LQ yata sila.”
“Sabi na, ‘e. Walang forever, ‘e.”
At kung anu-ano pang mga bulungang naririnig ko naman.
Hanggang ngayon, iniisip pa rin nilang kami nga ni Khalid. Hindi naman kasi namin iyon tinama. Hindi ko tinama at hindi rin niya itinama. Kaya hanggang ngayon, iyon pa rin ang iniisip nila.
Tumayo ako, “K-kailangan ko nang umalis.”
Lalakad na sana ako kaso hindi rin natuloy nang hawakan ni Khalid ang kamay kong nakahawak sa tray na ikinaigtad ko sa gulat. Nang balingan ko siya, nakita kong nakatayo na rin siya at seryosong nakatingin saakin.
“Hindi ka aalis hangga’t hindi mo sinasabi saakin kung anong ikinagalit mo.” seryoso niyang sabi.
“Khalid,” sabi ko habang hinahawi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Pero mas lalo lang iyong humigpit kaya sumuko rin ako saka ko siya tiningnan, “Khalid, don’t make a scene. Nakakahiya.”
Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya lalo na’t napansin kong halos lahat ng estudyante rito sa cafeteria ay nasa amin ang mga atensyon.
“Hindi ako gagawa nang ganitong eksena kung pinapansin mo ako.”
“P-pinapansin naman kita, ‘e.”
“Galit ka.”
Hindi ako nakasagot dahil mukhang hindi naman ako mananalo sa kanya ngayon lalo na’t ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaseryoso.
“Break mo na ‘yan, Raiah! Akin ka na lang, baby!” someone shouted.
“Sino ‘yon?” tanong ni Khalid habang lumilinga sa paligid para hanapin ang nagsalita.
Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya at napansin ko rin ang mas lalong paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Napalunok ako. Kung galit na siya kanina, mas lalo yata siyang galit ngayon.
“Sino ang nagsalita?” ulit niya nang walang sumagot. Matalim at malamig pa rin ang boses niya.
Mayamaya pa, may grupo ng kalalakihang natatawang itunuturo ang isang lalaki sa grupo nila.
“Siya oh. Siya ‘yung nagsalita!”
Napabaling lang ulit ako kay Khalid nang bitawan niya ang kamay ko. Nakita ko na lang na malalaki ang hakbang niyang lumalakad duon papalapit sa grupo ng mga kalalakihan.
Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya, pero bigla akong kinabahan lalo na’t sa paraan ng paghakbang niya.
Pagkalapit niya ruon sa grupo ng kalalakihan, muntik na akong mapatili sa gulat nang bigla niyang suntukin ‘yung lalaking tinuturong sumigaw.
“Tarantado ka, ha? Umayos ka! Tangina mo!”
Alam ko naman at dati ko nang naririnig na mahilig nga siya sa gulo. Pero kailanman, hindi ko pa siya nakitang nakikipagbasag-ulo. Ngayon palang. Ngayon ko palang siya nakitang nanuntok. Ngayon ko lang din siyang nakitang ganito kagalit.
“Khalid!” naisigaw ko nang makabawi ako sa gulat lalo na’t nakita kong paulit-ulit niyang sinusuntok ‘yung lalaki. At wala man lang umaawat!
Kinakabahan man, lumakad ako papalapit sa kinaruruonan nila dahil mukhang hindi niya narinig ang sigaw ko.
Nang makalapit ako, agad kong hinawakan ang kamao niyang akmang tatama sa mukha ng lalaking duguan na ngayon.
“Khalid, tama na. Tama na, please..”
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamao niyang hawak ko. Ramdam ko ang panggigil niya. Pero mayamaya, napatingin siya saakin. Kaagad ko siyang inilingan habang patuloy akong nakikiusap na tama na. Kitang-kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
“Tama na, please..” ulit ko.
Unti-unting nakalas ang pagkakuyom ng kamao niya. Magsasalita pa sana ako nang siya na mismo ang humawak sa kamay ko at bigla na lang akong hinila palabas ng cafeteria.
Natagpuan ko na lang ang mga sarili naming nakarating na sa burol. Nang makalapit kami sa puno na pinagpuwestuhan din namin nuon, binitawan niya ang kamay ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang isinuntok ang kamao niya sa trunks ng puno.
“Khalid..” I called him.
Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakayuko siya at nasa trunks pa rin ng puno ang kamao niya.
“K-Khalid..” I called him again.
Sa pagkakataon na iyon, nag-angat siya na siya ng mukha at tumingin saakin. Mayamaya, tumayo siya nang maayos.
“Sorry.” sabi niya nang hindi makatingin nang diretso saakin.
Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa mukha niya. Hanggang sa bumaba ang kamay ko sa kamao niya. Napasinghap ako nang makita kong dumudugo iyon.
“Khalid, you’re —”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang itago niya bigla ang kamao niya kaya ibinalik ko ang tingin sa mukha niya.
“I’m fine.” sabi niya, hindi pa rin siya makatingin nang diretso saakin.
Pero hindi ako naniwala at natakot talaga ako sa pagdurugo ng knuckles niya kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong ginagamot iyon habang pareho kaming nakaupo sa bermuda. Noong una, nagmatigas pa siya, pero hindi kalaunan, napapayag ko rin siya.
Buti na nga lang at palagi kong dala ang first aid kit ko at hindi na naming kailangang pumunta ng infirmary. Ako na mismo ang naggamot sa knuckles niya.
Napangiti ako matapos kong palibutan ng benda ang kamao niya. Marahan kong hinaplos iyon.
“Ayan. Okay na.”
Matapos iyon, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napalunok ako nang makita kong titig na titig siya sa mukha ko. Ni hindi man lang siya nagulat o nag-iwas ng tingin nang maabutan ko siyang ganun.
Tumikhim ako kapagkuwan at ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. Ibinalik ko na lang sa lalagyan ang mga ginamit ko sa paggamot ng sugat niya. Pero ramdam ko pa rin ang titig niya kaya halos manginig ang kamay ko sa pagliligpit.
“Did I scare you?”
Napalunok ako sa bigla niyang pagsalita. Ngayon lang siya ulit nagsalita. Kanina, habang ginagamot ko ang sugat niya, tahimik lang siya.
Napabaling ako sa kanya, “Ha?”
“Kanina,” he paused and licked his lips, “Natakot ba kita?”
Agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Dahan-dahan akong tumango.
“Oo,” pag-amin ko, pero ngumiti rin ako nang tipid, “Pero sa tingin at naisip ko, normal lang naman iyon kapag nagagalit ang isang tao,” dagdag ko pero bahagya ring kumunot ang noo ko kapagkuwan, “Pero bakit ka ba nagalit kasi? Bakit mo siya sinuntok bigla? Sinuntok mo pa ‘yang kamao mo sa puno. Ayan tuloy, nagkasugat ka pa.”
Sumimangot siya nang mukhang naalala niya ang pagmumukha nung lalaki. Umigting pa ang panga niya.
“Binastos ka niya.”
Hindi agad ako nakapagsalita. Bahagya ring kumunot ang noo ko. Iniisip ko kung ano ba ang sinabi o ginawa nung lalaki saaking nakakabastos. Wala naman, ‘di ba?
“Binastos? Hindi naman ah. Ang naalala ko, sinabi niya lang na i-break daw kita tapos sa kanya na lang daw —”
Naputol ang ibang salita ko nang bigla niyang ibaling saakin ang matalim niyang titig. Kaya napalunok ako. Napahawak na lang ako sa batok, napayuko at hindi na lang nagsalita pa.
“Binastos ka niya,” ulit niya, “At kapag nasa paligid ako, hindi dapat sila nagsasalita nang ganun sa’yo dahil hindi ko alam ang magagawa ko.”
Hindi na ako nagsalita dahil baka mas lalo na naman siyang magagalit at baka mamaya, ako na ang suntukin niya, sa halip ang puno.
Pero totoo naman ang sinabi ko, ‘e. Wala naman talaga akong naalalang nakakabastos sa sinabi nung lalaki kaya hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit niya at kinailangan pa niyang suntukin nang paulit-ulit ‘yung lalaki.
Kung hindi lang niya nilinaw sa mga kaibigan kong hindi niya ako gusto, iisipin kong ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon ay nagseselos siya. Pero hindi naman kaya hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan niya.