“SINO ba ang lalaking iyon? Bakit takot na takot ka sa kaniya kanina?” usisa ni Michael kay Angelu nang makauwi na sila sa bahay ng binata. Dahil sa nangyari ay humiling si Angelu na makauwi na siya subalit hindi naman pumayag si Michael, na hindi siya nito ihatid at ipinilit pa nito kaya wala siyang nagawa kundi pumayag na lang. Ngayon ay nasa kwarto na si Angelu at inihatid din siya doon ni Michael, na hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin sa kaniya. Nahihiya nga siya sa binata dahil naabala pa niya ito ganoon din kay Iyah na sumama na rin nang ihatid siya pauuwi. “Siya si Mark Campos ang dati kong supervisor sa call center na pinagtatrabahuan ko. Nakatira rin siya sa Montalvan Rizal at naging magkaibigan kami,” tugon niya saka panay ang haplos sa dalawang kamay dahil hanggang ngayon

