“ANG lalim naman ng iniisip ng mahal ko?” pansin ni Angelu matapos umupo sa upuan kaharap ni Timothy na nakatingin sa mga bulaklak pero palagay niya ay wala ang isip sa tinitignan. Ngumiti si Timothy saka inabot ang dalawa niyang kamay saka hinawakan iyon. “Sorry, mahal, nawalan na ako bigla ng oras sa inyo nitong mga nakaraang-araw. You and I didn’t spend a month with the kids, then when you came home I was suddenly busy with work,” paliwanag ni Timothy sa kaniya. “Nagrereklamo ba ako? Hindi naman, ‘di ba kaya hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Umuuwi ka naman gabi-gabi sa bahay at nakakatabi naman kita sa kama kaya ayos na iyon sa akin. Kung may problema sa kompanya niyo at kailangan mo munang ayusin ay asikasuhin mo na lang muna at kapag naayos na ay saka ka bumawi sa amin ng mga

